Chapter 15

6.1K 199 20
                                    

Storm Pov

  Dalawang-linggo ang matuling dumaan simula ng magtraining ang buong black section. Sa loob ng mga araw na yun ay masasabi kong mas naging close at naging open na rin ang lahat. Lumalabas kami paminsan-minsan ng magkasama para mawala ang pagkaintriga at pagtataka ng mga taga higher up.

Mas naging matatag at naging mas malakas ang mga kasama ko. Natutunan na nilang controlin ang kanilang mga kapangyarihan at tig-aapat na bangle narin ang suot-suot nila.

Nasanay na ang kanilang mga katawan na suot ang mga yun at naging parte na iyon ng kanilang katawan sa loob ng dalawang taon sa loob ng dimension na ginawa ko.

Sobrang laki na rin ng ipinagbago nila, hindi na sila takot sa akin ngunit nariyan parin ang labis na paggalang.

They decided to call me queen and I don't know why I like the name. Napangisi na lamang ako dahil doon.

Ang dating nerd na inaapi-api at binubugbog ay isa na sa pinakamalakas sa grupo. Lahat naman sila ay may mga unique na kakayahan.

Bella, the poison master and the healer
Jessa, the fire controller
Jane, the metal summoner and telekenises
Drake, the weapon summoner
Derek, the water binder
Laika, the thunder wielder and speed
Hazel, the mind controller and illussion
Mae, the animal summoner and nature control
Kim, the wind binder and it sub control
Mark, the ice controller and invissibility
Jake, the earth controller and animal controller
Cherry, the technology expert
Laikim, the seeir
Diana, the dimension creator and monster summoner

And lastly, it's me, Storm Broke, the creator and the distruction, I can also wield the black fire, air, earth, wind and all the sub control element but all of it was dark. Yes, you heard it right, my fire is black, wind and even water is black. I signifies black and I love it. I can do everything and that's make me powerfull and unique. I am Agent Storm, the Queen.

Nalaman ko rin na lahat ng nilalang sa mundong ito, anuman ang katayuan mo ay may kakayahan na teleportation. Given na ang kakayahang ito sa bawat nilalang na nabubuhay rito.

Ang kaibahan lang ay sa bilang ng taong kaya mong dalhin kapag ginagamit mo ito at layo ng kaya mong lakbayin.

Katulad na lamang ng mga nasa section black, ng hindi pa sila nagsasanay ay kaya lamang nilang magteleport na hanggang isang kilometro lamang ang layo mula sa kanilang orihinal na pwesto, at sarili lamang nila ang kaya nilang iteleport.

Bukod doon, mabilis silang manghina, one power at a time lamang ang kaya nilang gawin, dahil bukod narin dito ay mga commoner lamang ang mga ito at walang tamang ensayo at gabay unlike sa mga noble at royal blood.

Ngayon ay sobrang laki na ng naging improvement nila, bukod sa kaya na nilang maglakad ng normal habang may tig-aapat na bangle sa dalawang kamay at paa, ay kaya narin nilang makipaglaban sa mga mababangis na halimaw.

I also teach them all sort of killing, and every aspect agent can do like being a spy, crime discovery and etc.

Hindi na sila takot sumuong sa panganib at mataas na ang kumpyansa sa kanilang mga sarili. Bawat isa sa kanila ay kaya ng magdala ng kahit hanggang isang daang nilalang sa kahit saang lugar nila gustuhin basta't napuntahan na nila ito gaano man kalayo ng hindi nababawasan ang kanilang lakas.

Ang kaibahan lang ng sa akin, ay kaya kong maglakbay gamit ang teleportation ko sa kahit saang lugar kahit hindi ko pa napupuntahan basta't alam ko ang pangalan ng lugar na iyon.

Nalalapit na ang leveling kaya kailangan na namin ang lumabas sa lungga namin, isa pa namiss ko na rin ang hudyong yun. Tiyak akong nagtatampo na iyon. Apat na araw na simula ng huli kong pagpapakita sa kanya.

Nabago ang pasya namin, instead na hindi sumali sa leveling ay sasali na lamang kami dahil ang animal na Dean ay hindi kami pinayagang makakuha ng misyon hanggat hindi namin pinapatunayan ang mga sarili namin sa leveling.

Kaya, sa ayaw at sa gusto ko, I have no choice but to do it. Iyon din ang dahilan kong bakit nainis ako kay Dark, pilitin ba naman akong sumali sa leveling  Geez...swasowala!!!

(Pero miss mo naman)
Shut up! Geez, nababaliw na yata ako.

******
Kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway, taas noo at walang bahid ng takot ang makikita sa mukha ng mga kasama ko.

Tahimik lamang ako sa gilid habang nakapulopot sa magkabilaang braso ko ang kamay ni Diana at Jessa. Yes you read it right people, this two pathetic bitches never stop bugging me. Pinag-aagawan pa ako na parang masarap na litchon manok. King-inamo, iritang-irita nako pero di ko alam kung bakit hanggang ngayon buhay pa rin ang dalawang ito.

Papunta kami ngayon sa battle field arena kung saan gaganapin ang leveling.

Ng makarating na kami ay agad naming nakita ang pwesto para sa amin. Nasa pinakadulong bahagi iyon kasunod ng A class section pero malayo ng konti. Tingin ko ay nandidiri tong mga animal na to sa amin dahil kung makatingin ay puno ng pagkadisgusto ang makikita sa mga makasalanan nilang mga mata.

"Sarap tusukin ng mga balls eeh!" Inis na sambit ni Hazel sa likod.

"Sinabi mo pa," Segunda naman ng iba.

Nakatayo kami ngayong nakalinya, nasa pinakadulong bahagi kami ng open area at take note, anilagay kami rito at wala man lang upuan na nakalagay, puta!!! kaya naman mahihirapan kaming matanaw ang nangyayari sa harap dahil nakaangat ang upuan ng A class at nakalutang sa hangin. Sa inis ko, tiningnan ko si Jake na agad namang naintindihan.

He raise his hand and fifteen rock chair form na nakalutang sa hangin ang nabuo. Isa-isa naman agad kaming puwest roon. Good!

Dahil doon ay mabilis kaming nakakuha ng atensyon ng lahat, maraming negative koments pero wapakels.. Tanaw ko pa sa harapan ang hudyo habang sobrang tamis ng ngiti at may pakindat-kindat pang nalalaman. Heck! Kailan pa naging malandi ang animal nato??

Nakita ko naman ang sobrang sama na tingin ng ibang mga Royals, especially Hurricane and Rain. Bahagya pang ngumisi na tila ba may masamang binabalak. Napailing na lamang ako rito at hindi na sila pinansin.

"Goodmorning Centralium!!!!" Napatingin kaming lahat sa harap dahil sa isang malakas na sigaw mula sa stage ang umagaw sa atensyon ng lahat.

"Excited na ba kayo???? Bago natin simulan ay muli kong babanggitin ang mga patakaran sa labanan. Una, Walang restriction, maari ninyong hamunin ang sinuman mula sa higher to lower level. Kapag galing ka sa lower level at natalo mo ang isa sa mga higher ups, makukuha mo ang points maging ang chips cards niya at nasasaiyo na kung nais mong kunin maging ang posisyon niya o manatili sa grupo mo. Pangalawa, bawal pumatay. Pangatlo, sundin niyo ang una at pangalawang rules...maliwanag!!!!" Muling sigaw nito.

"Yeeeeess!!!!" Malakas na sigaw ng lahat na nakapagpasakit lang lalo ng ulo ko. I hate noise...

"Tsk..." Yun na lamang ang nasambit ko.

"Now for the first entry..."

Reborn As A Vampire Goddess: Love of a thousand yearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon