CHAPTER 18

1.2K 32 0
                                    

Chapter 18

STEPHEN

"Huy, thank you ha?" Nakangiti kong saad kay Xandrei nang matapos na kami sa pag-aayos ng grocery.

He smiled back, "My pleasure, do you have something to do?" Tanong niya at napa-isip naman ako saka umiling.

"Wala naman na, bakit?" Tanong ko at nagpunta sa ref para kumuha ng inumin, inalok ko pa siya pero umiling lang siya.

"Nothing, just rest and I'll cook some snacks. Merienda." Aniya kaya napangiti ako.

"Fries!" Masiglang sabi ko at nginitian naman niya ako.

Pagkatapos kong uminom ay dumeretso ako sa kwarto ko at humanap nang maisusuot dahil balak kong maligo.

After I take a bath I went to my side table and face the mirror, naglagay lang ako ng moisturizer at sunscreen dahil sa sobrang init din kahit nasa loob ako ng unit, di ko naman mabuksan yung aircon kasi masyadong masakit sa kuryente yun.

Natapos ako sa paglalagay at saka tumayo, kinuha ko muna yung glasses ko pero bago ko pa madampot ang eye glass ko ay napasigaw ako sa gulat at takot nang mabasag ito dahil sa tama ng baril.

Napaupo ako sa sahig dahil sa gulat, napatingin ako sa bintana at nakita ko ang butas doon na gawa sa bala ng baril.

"What happened!?" Napatingin ako kay Xandrei na nasa pintuan ng kwarto ko.

Hindi ako makapag salita, nanginginig ang labi at katawan ko. Kaagad siyang lumapit sa akin at niyakap ako.

"What is it?" Tanong niya at tumingin sa bintana at nakita kong nagdilim ang mukha niya, "Shit!" Singhal niya at kaagad akong inakay patayo at inilabas sa kwarto ko.

"A-anong nangyayari?" Nanginginig kong tanong sa kaniya.

"I'll tell you after I investigate it, okay?" Aniya na ikinatango ko, "You okay na ba? Do you want me to take you somewhere?" Tanong niya na ikinailing ko at ngumiti sa kaniya.

"Yung salamin ko." Malungkot kong sabi, mahal pa naman yung pagpapagawa non.

"Shh... Don't mind it I can bought it for you, kahit isang daan pa non." Aniya na ikinatawa ko.

"Nag yabang ka na naman."

"Just stating a fact."

"Oo na."



Hindi na kami nakapag snacks after nang nangyari kasi nung binalikan ni Xandrei yung niluluto niya ay sunog na.

Lumabas kami pero ang gamit na namin ay yung kotse niya dahil bulletproof daw yun. Tinanong ko pa siya kung bakit bulletproof yung kotse niya at ang sinagot niya lang ay dahil may ari siya ng isang malaking kompanya kaya hindi malabo na may mang ambush sa kaniya.

"Saan ba tayo bibili?" Tanong ko sa kaniya.

"Sa Safe Haven Café." Sagot niya kaya napatango ako, ito nga pala yung café ng tito niya.


Lustful Gray World [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon