CHAPTER 26 pt.1

1.1K 23 0
                                    

Chapter 26 (warning : 🔞)

STEPHEN

"Xandrei, pumatay ka ng tao!" Sigaw ko habang kaharap ko siya.

Nandito kami ngayon sa office niya. Nung nalaman kong pinatay nga niya ang magulang ni Margaux, hindi ko alam ang ire-react ko sa kaniya.

Hindi ko alam kung anong masasabi ko sa kaniya. Dinala niya ako rito para raw pag usapan namin iyon, hindi ko alam kung anong paliwanag ang gagawin niya dahil malinaw sa akin na pumatay siya ng tao.

"Steph, just listen to me." Sabi niya pero napailing ako.

Naglakad lakad ako sa harapan niya, hindi ko alam kung makikinig ba ako o hindi. Hindi ko rin alam ang mararamdaman ko sa kaniya, sobrang naguguluhan ang isip ko ngayon.


"May pinatay ka pa bang iba?" Tanong ko sa kaniya at tumigil sa harapan niya.

He look at me seriously, "Yes." Muling sagot niya kaya napahawak na lang ako sa ulo ko dahil parang sasabog ang ulo ko.


"Jusmeyo naman, Xandrei!" Natotorete kong saad at napaupo sa couch niya rito sa office niya.


"Steph, just listen to me-"


"Xandrei ano pa bang sasabihin mo? Malinaw na sa akin na pumatay ka ng tao! Xandrei alam mong mali yon!" Sigaw ko sa kaniya at nakita ko ang pagbuntong hininga niya.


Napahawak siya sa bewang niya habang nakatitig sa akin, tumalikod siya at naglakad papunta sa table niya saka naupo sa swivel chair.


"Let's talk some other time, you're too mad to listen to me." He said and lean on his seat.

Napalatak ako at saka lumapit sa table niya, "Xandrei, wala ka bang konsensya-"

"I have not!" Sigaw niya at napapitlag ako nang hampasin niya ang table niya saka tumayo at mataman akong tinitigan, "For fuck's sake Stephen, stop hitting my conscience because that word isn't in my vocabulary ever since!! And for the nth time listen to me because all of them are not innocent!!" Sigaw niya pa at nakita ko ang pag-igting ng panga niya, blanko ang expression niya.

Napatitig ako sa kaniya, gulat at kaba ang naramdaman ko nang tinitigan ko siya. Ng mukhang nahimasmasan siya ay napapikit siya at napabuntong hininga saka naupo sa swivel chair.

"I'm sorry." He said and I sighed.

"What do you mean they're not innocent?" Tanong ko, binalewala ang paghingi niya ng tawad.

Tumayo siya at naglakad palapit sa akin, "Those people aren't innocent, some of them are drug lords, mafia's, corrupt politicians and most wanted criminals. I just used my personal reason to kill them and use their cases to defend myself, I have a lot of money and I didn't used it for my own advantages." Paliwanag niya habang mataman akong tinititigan.

Napaiwas ako ng tingin nang unti unti kong maintindihan ang sinasabi niya. But the fact that he killed them makes my heart got some cracks.


"I'm sorry if I didn't tell you about this." Sabi niya at hinawakan ang pisngi ko at pinaharap sa kaniya.

"I'm sorry too for judging you that easily." I said and hug him.


Lustful Gray World [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon