Chapter 35
STEPHEN
"Gising na, Stephen."
Napakunot ang noo ko sa narinig ko at dahan dahang nagmulat ng mata. Naiharang ko pa ang kamay ko dahil sa liwanag ng langit, may narinig din akong tawa ng isang babae sa tabi ko kaya napatingin ako roon.
"Nay!?" Gulat kong tawag at napabangon ng biglaan.
"Oh dahan dahan, di pa magaling ang katawan mo." Saad niya habang nakangiti at inalalayan akong umupo ng ayos.
Napalinga linga ako sa paligid at nakita kong nasa isa kaming garden, puro bulaklak na iba't ibang kulay, magaganda sila at ang sarap sa pakiramdam ng hangin dito.
"Kumusta ka? Kayo ng kapatid mo? Isa ka na palang Doctor, sobrang proud ako sayo, anak." Saad ni nanay habang nakangiti sa akin.
Nakaputi siyang bestida, "Salamat po nay." Aniko at ngumiti sa kaniya.
"Ako dapat ang magpasalamat dahil ngayon alam mo na kung anong dahilan ng pagkamatay ko, ang tunay na dahilan. Natanggap ng puso mo ang pagkawala ko, salamat." Nakangiti niyang sambit, napaluha naman ako dahil doon.
"Hindi ka na malulungkot ngayon, alagaan mo ang sarili at ang kapatid mo ha? Basta tandaan mo, masaya ako sa kung saan ako naroroon." Sabi niya kaya napangiti ako.
"Opo, nay." Sambit ko na ikinangiti niya.
"Sige na, aalis na ako." Aniya at sa isang kurap ko ay puting kwarto ang sumalubong sa akin.
"You're awake! Nurse! Nurse!" Sigaw ng kung sino at narinig ko pa ang patuloy na pag-pindot sa isang bagay.
Nailibot ko ang paningin ko sa paligid at nakumpirma ko ngang nasa hospital ako. Napapikit ako at inalala ang nangyari bago ako makatulog, masyadong mabigat ang naramdaman ko noon pero ngayon ay ang gaan gaan na ng pakiramdam ko.
"Hi, Doc? Can you hear me?" Tanong ng kung sino kaya napamulat ako, nakita ko si Nathan kaya napangiti ako pero napakunot ang noo dahil sa tube na nasa bibig ko.
Itinaas ko na lang dalawang kilay ko bilang tugon kaya napangiti siya.
"Good, let me do some test. Take a rest first." Aniya kaya tumango na lang ako ng kaunti.
Narinig kong sinabihan ni Nathan si Stephanie na h'wag muna akong kakausapin dahil baka mabigla raw ako. Mukhang si Stephanie lang ang nandito, di ko alam kung nasaan ang iba.
Maya maya lang ay may kasama ng doctor si Nathan, si Henry yung isang doctor sa kabilang branch ng AD Hospital.
Nang matanggal ang tube sa bibig ko ay hindi muna nila ako hinayaan mag-salita, pina-inom muna ako ng tubig nila.
"Rest muna, Doc Stephen, okay? Dadating ang mga bisita mo maya maya kaya kailangan mo ng energy." Nakangiting sambit ni Doc Henry at nag-thumbs up naman ako sa kaniya.
Napataas dalawa kong kilay at napa-‘o’ ang bibig ko dahil nakita kong may benda ang pulsuhan ko hanggang braso, maging sa kabilang braso ko.
"Hindi ka naman na-traumatize?" Tanong ni Doc Henry kaya napa-iling ako sabay flex ng biceps ko, nagsasabing malakas ako.
"Di pa makapag salita nagyayabang na." Singit ni Nathan na hawak yung papel ko about my test.
"G-gago ka, pinagbawalan lang ako mamaya ka sa akin." Asik ko sa kaniya kaya natawa sila ni Doc Henry.
"Mamaya na yan sige na." Sabi ni Doc Henry at sinabihan na magpahinga na muna ako, pagbabawalan muna niya ang bisita para makapagpahinga na ako.
BINABASA MO ANG
Lustful Gray World [BxB]
ActionThis is a story of Alexandrei Dash, son of Sebastian Kirby and Skyy Mulford, he's a grumpy and cruel mafia boss but a childish and cute when it comes to the guy named Stephen Axel, Stephen Axel who's now already a Doctor but he's sick, he's colorbli...