Chapter 3Stephen
"Chill, kalma mo puso mo." natatawang sabi ni Justine sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin at umingos sa kaniya. I still can't get off with Xandrei! Nawala ang pagiging masungit niya pumalit naman ang kayabangan sa katawan niya.
At ano? Kaniya raw ako? Kailan pa? Akin lang sarili ko! Saka kadiri siya! Lalaki ako! I'm not being homophobic pero wag lang akong idadamay!
"Ayaw mo non? Hindi mo na kailangan mag-trabaho kung sakali!" kanina pang nangungumbinsi itong si Justine kaya binato ko siya ng wipes na nandito sa lamesa ko.
"Fuck you, Justine! Umalis ka nga sa harapan ko baka turuan kita diyan sa mukha." anas ko na ikinatawa niya.
"I'm straight! I only like girls!" panggagaya niya sa sinabi ko kanina kaya dali dali akong kumuha ng syringe pero nakatakbo na siya paalis habang tumatawa.
Napailing na lang ako sa katarantaduhan ni Justine. Hindi ko alam kung paano ko siya naging kaibigan basta ang alam ko, tarantado siya.
Pumasok na naman sa isip ko ang nakangising mukha ni Xandrei kaya mas lalo akong nainis. Nagdadabog akong naglipit ng gamit ko at saka lumabas ng office ko.
Nawala ang pagkainis ko ng makita ang mga pasyente na may ngiti sa labi, I really love this kind of scenery, seeing some patient's smile makes me smile too. Masaya ako na nakakatulong ako sa mga taong nangangailangan ng tulong ko.
Binabati ko ng may ngiti ang mga taong nakakasalubong at bumabati sa akin. Since the day of my mother's accident napag-isipan kong gusto kong maging doctor para gumamot ng mga taong may sakit at mga na-aksidente.
Lumabas ako ng hospital at dumeretso ng jollibee dahil tanghalian na pala. I always buy jollibee because it became of my favorite since Xandrei and his Dad treat me at jollibee, sobrang bait ng Daddy niya noon at kahit hindi ko na-meet ang sinasabi niyang papa niya ay alam ko naman na mabait ito.
Nasabi niya rin kasi sa akin noon na wala siyang mama kasi dalawa ang kinikilalang ama niya, gay couple raw. Namangha ako noon kasi ang tapang nila para harapin ang mundong ganito, mundong may mga taong makikitid ang utak.
Naalala ko na naman ang sinabi ni Xandrei sa akin kanina. Napailing ako at pilit inalis sa isip ko ang sinabi niya. Yes, I support the LGBTQ+ Community but I'm not seeing myself being one of them! Never!
Hinubad ko ang white coat ko at isinampay sa kaliwang kamay ko pagkapasok ng jollibee, I'm a doctor but I'm eating fastfood, shh lang kayo favorite ko 'to eh.
Pagkatapos kong um-order ay naghanap ako ng table para sa akin, nakakita naman ako sa katabi ng bintana kaya agad akong lumunta roon. Nagc-cellphone lang ako habang hinihintay ang order ko at ng dumating ay agad kong isinilid sa bulsa ang cellphone ko.
Nagsimula akong kumain pero hindi pa man ako nangangalahati ng kain ng mapansin ang bata sa labas ng bintana na nakatingin sa akin at sa pagkain, napatigil ako at napatingin sa kaniya, madungis at halatang walang ligo, makikita mo rin ang gutom sa mata niya kaya napabuntong hininga ako.
"Hoy bata, umalis ka nga riyan, ang dungis dungis mo!" sigaw ng isang crew habang sumesenyas na paalisin ang bata, dahil sa kulong ang loob ng jollibee ay siguradong hindi ito naririnig ng bata, hindi rin naman rinig ng tao rito sa loob ang ingay sa labas.
BINABASA MO ANG
Lustful Gray World [BxB]
AksiThis is a story of Alexandrei Dash, son of Sebastian Kirby and Skyy Mulford, he's a grumpy and cruel mafia boss but a childish and cute when it comes to the guy named Stephen Axel, Stephen Axel who's now already a Doctor but he's sick, he's colorbli...