CHAPTER 12

1.3K 37 1
                                    

Chapter 12

STEPHEN

"Oh anong nangyari sa inyo?" takang tanong ni Justine ng makapasok siya sa office, hindi niya kami nakita agad dahil abala siya sa papeles na ginagawa niya.

Nangapa ako ng sasabihin at mabuti naman ng magsalita si Xandrei, "We had a little argument, but we're okay now." anito at napakamot pa sa batok.

"And why his lips are swollen? May sugat pa." nakakunot ang noo na tanong ni Justine at naniningkit ang mata kaya napa-iwas ako ng tingin.

"N-nasuntok niya kasi pero mahina lang." palusot ko pa at nananalangin pa ako sa lahat ng santo na sana maniwala siya.

"Little argument daw pero nagkasuntukan." anito at naiiling na naglakad sa may table ko.

"Ano nga palang ginagawa mo rito? Diba may office kang iyo?" takhang tanong ko at saka lumapit sa may bag ko para ayusin na ang gamit ko.

"Wala lang, tinatamad ako ron eh, nga pala diba di ka muna papasok ngayon?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

"Ha? Bakit–I mean bakit ako di papasok?" naguguluhan kong tanong at napatingin naman siya sakin.

"You said you're going on someone's birthday party." sagot niya at napaisip naman ako saka napatango tango dahil naalala ko ang birthday ni Ate Allyson.

"Right, thanks for reminding me, sige alis na ako kailangan ko pa maghanda." aniko at tumango naman siya.

"Where are you going?" tanong ni Xandrei ng makalabas kami ng hospital.

"Birthday ng isa kong kaibigan na naging pasyente ko rito." sagot ko habang hinahabap ang susi ng kotse ko.

"Ohh." aniya kaya napatigil ako at saka tumingin sa kaniya, it looks like he wants to tell me something.

"Do you have something to tell to me?" tanong ko sa kaniya at napatingin naman siya sakin.

"Just wanna ask you if you want to come with me at the party of my Aunt and I want you to meet my papa, you haven't meet him right? But don't worry there's another time for that." nakangiti niyang saad kaya napatitig ako sa mukha niya, nandon sa mata niya yung kagustuhang maisama ako pero nakapangako na ako kay Ate Allyson eh.

Bumuntong hininga ako saka ko kinuha yung cellphone ko at tinext si ate Allyson na baka di ako makapunta dahil may biglaang lakad ako, nagreply naman agad si ate na okay lang daw kaya sabi ko bawi na lang ako next time.

Pagkabalik konng cellphone ko sa bag ko ay ngumiti ako kay Xandrei, "Sama ako sayo, nagtext na ako sa kaibigan ko na di ako makakapunta." aniko at nakita ko naman ang gulat sa mukha niya.

"What? Baka magalit siya." aniya pero umiling ako.

"No worries, she understand, so... Let's go? Sayo na lang ako sasakay." aniko at nagpatuloy sa paglalakad at napansin ko naman ang kakaibang ngiti niya.

"You're gonna ride me? That was exciting." aniya at may pakagat labi pa kaya kumunot ang noo ko saka hinampas ang braso niya na ikinatawa niya.

"Kabastusan mo Xandrei, kadiri 'to! Bilisan mo na nga diyan at kuhanin mo na yung kotse mo!" singhal ko sa kaniya na agad namang naglakad ng mabilis habang natatawa.

Lustful Gray World [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon