CHAPTER 31

981 25 0
                                    

Chapter 31

STEPHEN

"Welcome back, Doc!"

Napangiti ako sa pagbati ng ibang doctor dito sa hospital at maging ang mga nurses dito.

Makalipas ang ilang araw ay nakapasok na rin ako ulit sa hospital. I sometimes go to therapy session for my right hand, nagbabaka sakali na maging maayos muli ang kamay ko.

Naka glasses ako ngayon, clear glass siya pero it helps me to see colors, pinagawa siya ni Xandrei muli sa kaibigan niya, hindi nga niya sinasabi kung sino.


"Thank you guys!" Nakangiti kong saad sa kanila, nagtipon tipon kasi sila rito sa harap ng nurse station.

"Nako, Doc! Ang daming naka-miss sa magaling na Doctor namin, ikaw!" Singit ni Ivy kaya natawa ako.

"Sus, bolera." Naiiling kong sambit na kinontra naman nila.

"Legit yun, Doc! Some of our patients never failed to ask you every day, ‘nakabalik na ba si Doc Pogi?’ ganyan lagi ang tanong nila." Sabad naman ni Araya, an OB-Gyne.

"Totoo yun, Doc. Crush ka nga nung ibang pasyente." Singit naman ni Yrvin, neuro-surgeon siya.

"Grabe, pinapalaki niyo naman ulo ko." Kunwari nahihiya kong turan at nagpa-pogi pose pa kaya nagtawanan lahat kami.


Konting kumustahan ang naganap bago bumalik sa kani-kanilang mga ginagawa. May mga pasyente nga rin na kumausap sa akin eh.

It's good to be back here pero nakakapanibago lang dahil walang bruha na naharang ngayon sa daan ko.


"Hey! Welcome back, Steph." Bungad ni Justine habang naglalakad siya sa hallway, napatingin ako sa kaniya at mukhang kakagaling lang niya sa meeting dahil sa hindi siya naka lab gown.

"Uy thank you, nag-meeting kayo?" Tanong ko pagkalapit sa kaniya.

He nodded, "Oo, ilang hours din yun eh, mabuti at pinayagan ka na ni Lord AD na pumasok." Saad niya at sinabayan ako sa paglalakad.

"Ahh oo, maayos na kasi kamay ko saka busy sila ni Rhiene sa bagong kompanya na binigay kay Rhiene." Sagot ko at nakita ko naman na nangasim ng mukha niya.

Natawa ako sa naging reaction niya dahil ilang araw na ang nakalipas pero ayaw niya pa rin kay Rhiene, at ito namang isa nag-iba bigla ang ihip ng hangin pinepeste niya ngayon si Justine, I guess may crush na itong si Rhiene kay Justine.

Sino ba naman kasi ng hindi? Gwapo at maputi si Justine, matangkad din siya at malakas talaga ang dating niya kaso yun nga lang may bitchy attitude siya.


"That woman again." Nakangiwing sabi ni Justine.

"Haha ayaw mo talaga sa kaniya ano? Maganda naman si Rhiene ah?" Tanong ko at binuksan ang pinto ng office ko, kakarating lang namin kasi.

Pumasok kami sa office ko at napangiti ako nang makita na malinis ito, mukhang inalagaan ng maayos ni Nathan ito.

Naupo ako sa swivel chair ko at tumingin kay Justine na naupo sa upuan na nasa harapan ng table ko, bumuntong hininga siya saka sumandal sa upuan.

"Maganda? No, thanks." Saad niya habang nakangiwi.

"Ayaw mo? Di ka na lugi sa kaniya." Sabi ko at sinamaan naman siya ako ng tingin.

"Tsk! May iba akong gusto kaya kahit kasing ganda pa siya ni Aphrodite di ko siya magugustuhan." Saad niya at napa-o naman ang labi ko saka nakangiti ng nakakaloko.

Lustful Gray World [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon