Chapter 13
STEPHEN
Nakasimangot ako habang byahe papunta sa bahay nila Xandrei, nag-iinit parin kasi ulo ko sa hindi ko malamang dahilan. Tahimik din nmn si Xandrei habang nagmamaneho dahil alam niya sigurong badtrip ako.
Medyo malayo layo rin pala bahay nila Xandrei kaya lalo akong nabagot. Bumuntong hininga ako at saka kinuha ang airpods ko saka nagpatugtog, sumandal din ako sa binatan ng kotse ay pumikit, nakaramdam din kasi ako ng antok, siguro naman ay pwede ako umidlip kahit konti lang.
Naramdaman ko naman ang paghina ng aircon ng kotse ni Xandrei na pinahinaan niya siguro ng makitang matutulog ako, napangiti ako ng palihim dahil sa ginawa niya.
"Steph..."Nakaramdam ako ng pagtapik ng mahina sa pisngi ko kaya ako nagmulat at bumungad sa akin si Xandrei na nakangiti.
"We're here, let's go?" aniya at napatingin naman ako sa labas ng kotse, madilim na pala, teka matagal ba akong nakatulog?
"Mataga ba akong nakatulog?" tanong ko at umiling naman siya kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Kakarating lang natin, so let's go?" aniya at tumango ako saka sabay kaming lumabas ng kotse.
Napatingin ako sa bahay nila Xandrei—ehh!? Bahay pa ba 'to? Mansion na 'to eh! Nagugulat kong tiningnan ang kabuuan ng mansion, it's a modern mansion at ang ganda ganda ng disenyo nito.
Grabe ngayon lang ako nakakita ng mansiyon sa personal at grabe ito kaganda.
"Tara na, naghihintay na sila ron." aya ni Xandrei at tumango naman ako.
Pinauna ko si Xandrei dahil hindi ko naman alam ang daan papunta sa lugar na pagpa party-han.
Ang lawak ng bakuran nila, malayo pang lakarin bago makapunta sa main door ng mansion, may fountain pa nga sa may tabi ng bakuran, ang ganda ganda nito.
Habang palapit kami sa mansion ay naririnig ko na ang music sa loob, hindi nmn pala kami late parang night party ito.
Bumukas ang main door ng mansion kaya nagulat ako kasi wala namang tao ron, mukhang nakita ni Xandrei ang naging reaksyon ko kaya medyo natawa siya.
"It's automatic, kapag member ng pamilya ang papasok automatic na magbubukas ito." ani Xandrei na ikinamangha ko, grabehan naman pala.
Pumasok kami sa loob ng mansion at bumungad sa akin ang makalaglag panga na disenyo at kagamitan dito. Sinasampal na naman ako ng kahirapan, parang ang hirap naman tumungtong sa sahig ng mansion, so expensive.
"Let's go at the back, nandon sila." ani Xandrei at tumango na lang ako dahil walang salita ang gustong lumabas sa bibig ko, hindi ko alam na ganito pala sila kayaman nanliliit ako sa sarili ko.
Naglakad kami ulit sa hallway ng mansion, ang lawak masyado! May mga katulong kaming nakakasalubong at lahat yon sila ay binabati ni Xandrei, mukhang close siya sa mga kasambahay nila.
Napangiti ako ron dahil nalaman kong hindi naman pala spoiled itong si Xandrei, akala ko kasi kapag mayaman iba ang trato nila sa mga kasambahay nila, no offense ha pero madalas ganon eh.
"Xandrei!"
Napabaling kami sa kaliwa namin at nakita ko ang isang lalaki na sa tingin ko ay nasa mid age na pero kakaiba parin ang kagandahang lalaki nito, ang maamo niyang mukha, ang maputi niyang balat, para akong nakakita ng anghel.
Nakangiti siyang lumapit sa amin at agad na niyakap si Xandrei na nakangiti rin, napakunot ang noo ko sa nangyari, bakit nagyayakapan sila? Ang tanda na nito para kay Xandrei ano 'to? Sugar daddy?
BINABASA MO ANG
Lustful Gray World [BxB]
AcciónThis is a story of Alexandrei Dash, son of Sebastian Kirby and Skyy Mulford, he's a grumpy and cruel mafia boss but a childish and cute when it comes to the guy named Stephen Axel, Stephen Axel who's now already a Doctor but he's sick, he's colorbli...