Chapter 25
STEPHEN
Ilang linggo rin akong nanatili sa hospital. Hindi naman ako iniiwan ni Stephanie pero hindi rin naman madalas na nandito siya dahil may trabaho siya.Si Xandrei ang nandito lagi siguro mga 1-2 days lang siyang di pupunta dahil may ginagawa raw siya sa kompanya niya. Dumalaw rin nga sina Tito Skyy rito eh. And of course hindi mawawala ang body guards sa labas ng hospital room ko.
Sa mga nagdaan na araw hindi naman ako nabagot dahil nandito si Nathan as my personal nurse, literal na talaga dahil ako na yung pasyente eh.
Nalaman ko na rin na naipakulong na ni Xandrei si Margaux at sa pag-discharge ko rito ay sinabi kong gusto kong pumunta agad kung saan nakakulong si Margaux.
"You can be discharge tomorrow, maayos naman na yung katawan mo and yung mga sugat at pasa mo ay gumaling na rin at bibigyan na rin kita ng pang tanggal ng peklat dahil gusto ni Lord AD, ayaw niya raw na makikitang may peklat ka dahil sa kagagawan ng bruhang si Margaux, speaking of that witch natanggalan na siya ng lisensya dahil kay Lord AD, mabuti naman sa kaniya aha!" Natutuwang sambit ni Justine kaya natawa ako.
"Ang harsh naman nito pero deserve niya yun, sisikmuraan ko talaga yun kapag nakita ko na siya pagka discharge ko." Saad ko at natawa si Justine.
"Ayan! Dapat ganyan!" Saad ni Justine na lalong ikinatawa ko.
"Naman! Ang ipokrito ko kung magbabait baitan ako." Sabi ko at nag-thumbs up si Justine.
Konting paliwanag pa ni Justine bago siya magpaalam dahil may ibang pasyente pa siyang pupuntahan. Pumasok naman si Stephanie na kakagaling lang ng convenient store.
"Kailan ka raw mad-discharge?" Tanong ni Stephanie pagkalapit at inaayos ang biniling pagkain sa side table.
"Bukas na raw, nakakabagot din pala maging pasyente. Now I understand why other patient badly wants to go home." I said and she laugh.
"Mabuti naman, nako mabuti at wala ng semento yang kamay mo sayang hindi mo maisasampal sa pagmumukha ng letseng Margaux na yun yung semento sa kamay mo." Gigil na saad ni Stephanie na tinawanan ko.
"Don't worry, kasing bigat ng kamao ko ang semento." Sabi ko at pinakita ang kamao ko pero napadaing ako kasi kanang kamay pala nagamit ko.
Natawa siya, "Ayan! Nagyayabang kasi agad." Aniya kaya nag-rolled eyes na lang ako.
"Nasaan si Xandrei?" Tanong ko at napakibit balikat naman si Stephanie.
Tanghali na pala at pumasok na ang mga intern para magdala ng pagkain for patients. Medyo nangiwi pa ako dahil eto na naman ang walang lasang pagkain. Ewan basta hindi ko gusto ang lasa ng pagkain ng hospital, kaya nga puro jollibee ako.
Pagkatapos ko kumain ay uminom na ako ng huling gamot ko para na lang sa kamay ko, baka hindi na rin ako resetahan ni Justine dahil konti na lang ay gagaling na ito ng tuluyan.
"Hi, Love!" Pagbungad ni Xandrei pagpasok.
Nakasuot siya ng formal suit, nakangiti siya nang lumapit sa akin.
"Mukhang ang saya mo?" Tanong ko habang nakangiti, hinalikan pa muna niya ako sa labi na naging dahilan para maubo si Stephanie.
"Jusme." Narinig kong bulong ni Stephanie, "Labas muna ako." Paalam niya na tinawanan ko lng.
"I heard you're discharging tomorrow?" Tanong niya na ikinatingin ko sa kaniya.
"Pano mo nalaman?" Tanong ko at tumaas naman ang kilay niya kaya nagets ko naman agad, "So bakit ka nga masaya?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Lustful Gray World [BxB]
ActionThis is a story of Alexandrei Dash, son of Sebastian Kirby and Skyy Mulford, he's a grumpy and cruel mafia boss but a childish and cute when it comes to the guy named Stephen Axel, Stephen Axel who's now already a Doctor but he's sick, he's colorbli...