Malugod kong tinanggap ang maiinit na yakap mula sa aking Inay, sa mga kaklase at sa mga kaibigan ko na walang ginawa kundi pagtawanan ang itsura ng isa't isa sa aming graduation pictures.
Para akong tinanggalan ng isang malaking bagahe nang sa wakas ay natapos ko na rin ang mga dapat kong tapusin sa kolehiyo.
Pero, parang dumoble ang bitbitin nang makita ko kung ano ang sumasalubong sa mga bagong laya sa kamay ng mala-impyernong kolehiyo.
Nahirapan akong makahanap ng trabaho. Ipinagpatuloy ko ang pagiging artist, kahit papaano ay nakita ako pero...
"Humanap ka ng matinong trabaho, Julian."
Matino naman ang pagiging artist ah--- siguro? Hindi ko alam eh.
Nakaka-stress.
Sana, kahit papaano ay magkaroon naman ako ng time para mag chillax. ʼYung makagala, makapag walwal--- kailan nga ba ang huling araw na nag-inom ako? Hindi ko na maalala.
Tahimik ang kwarto ko, kaya naririnig ko ang patugtog ng kapitbahay namin. Torete ng Moonstar88.
Biglang tumunog ang cellphone ko, napatingin ako sa pangalan ng isang group chat na matagal nang hindi nabubuksan, pero ngayon ay sunud-sunod itong tumunog at may dalang mga mensahe.
May pumindot ng call button kaya bigla na lang itong nag-ring, sinagot ko naman ang tawag. Biglang nag-on ng camera ang caller kaya nakita ko ang pagmumukha nito.
"Uy! Gago, pare! Musta najshzxbk-"
Hindi ko mapigilang matawa nang makita ko ang mukha ni Yanzee at marinig ang pinagsasasabi niya.
"ʼWag kang mag mura! Baka marinig ka ni Mama!" saway ko rito.
Tumawa naman ito at bahagyang nag-lag. "Anong ginagawa mo?"
Napasulyap ako sa mga bond paper na nasa harap ko, hindi matapos-tapos na character design para sa aking komiks. "Drawing. Ikaw? Hulaan ko-"
"Aaah, kita ko nga drawings mo- keep it up- ano?" tumawa na naman ito.
"Nag-iinom ka ʼnoh?"
Ipinakita niya sa screen ang isang sigarilyo. "Mali! Hahahahaha!"
"Engot! Naninigarilyo ka na naman, lagot ka kay Tito-"
Isang account pa ang sumali sa aming videocall, natuwa ako nang makita kung sino ito.
"George! Musta na, pre?"
"Yup? Julian! Okay lang- gago Yanzee-"
Sunod-sunod silang nagmurahan at nag-usap, hindi ko naman maintindihan ang pinagsasasabi nila dahil parehong magulo ang mga ito. Pinanood ko lang ang mga kumag habang nakangiti. Ang sarap ng ganitong feeling.
May isa na namang account ang sumali sa videocall. Naka-off ang camera nito, pero agad ding nagbukas.
"Hi Julian!" bati nito sa akin.
"Uy Eds... miss you bro,"sabi ko rito na ikinangiti nʼya.
"Bayot!" sigaw ni Yanzee.
"Huwag nʼyo siyang pansinin-" nag-lag si George nang saglit, "Nasa lahi nila pagiging homophobic," pagpapatuloy nito na ikinatawa namin.
Alas-siyete nagsimula ang call namin, at natapos nang halos 10 pm. Nakalimutan ko na maghapunan, busog naman ako sa mga kwento ng mga kumag na ʼyon, ayos na siguro ʼyun.
Kinabukasan ay nagka-usap na naman kaming apat sa sarili naming group chat.
Ang rich kid na si Yanzee ay nagyaya ng gala, tumanggi agad ako dahil wala naman akong pera. Pero mapilit ito at sinabing sagot na raw nʼya ang gastusin. Pinilit din ako nila George at Edward, wala akong magawa kundi pumayag na lamang.
BINABASA MO ANG
Minsan Nga Lang
Mystery / ThrillerAting tunghayan ang mga pangyayaring magpapa-ikot sa simpleng buhay ng binatang si Julian Rosales, kasama ang kanyang mga kaibigan, at kung papaano napunta sa isang madugong trahedya ang dapat na tahimik na bakasyon nilang magt-tropa. simula : Septe...