Tinulungan kami ni George ipasok ang mga bagahe namin sa trunk ng Honda accord, habang si Yanzee ay nasa loob ng sasakyan at umaastang anak ng presidente, well, anak naman talaga siya ng presidente (sa isang Japanese company).
"Tagal nʼyo tara!" wika niya nang makapasok kami sa loob ng kotse.
"Lezzzgo!" sabi niya kay George na parang pinagsakluban ng langit at lupa, at muli, si George ang nagsilbing drayber ng grupo.
"Musta na nga pala kayo?" biglang sabi ni Yanzee habang may kinakalikot na kung ano sa harap ng kotse.
"Okay lang ako--- kayo ba?" sagot naman ni Eds.
Ngumiti ako. "Aba, ako okay lang din."
"Oh, wala pala kayong mga problema edi magsibaba na kayo, ba't pa tayo magbabakasyon," biro ni Yanzee na ngayon naman ay nangungulangot, kung anu-anong pinaggagagawa ng loko, napaka baboy talaga.
"Edi ikaw bumaba, loko ka, sabi mo ikaw magd-drive-"
"Hoy gago! Akin na nga ʼtong service ako pa driver? No way!" Umirap pa si Yanzee.
Nagkuwentuhan lang kami sa buong biyahe, hanggang sa makaramdam ako ng lamig.
"Lamig noh?" Ngayon naman ay kumakain si Yanzee ng mani.
"ʼDi ka lang naligo," saad ni George kay Yanzee.
Nagsimula silang mag-away habang si Eds ay halos sumiksik na sa pinto ng kotse, tulo pa ang laway nito na malamang mamaya lang ay titigas na rin.
"Saʼn na ba tayo?"
"Bukana pa lang ng Tagaytay, Juls. Baket?"
"La lang~"
Tinanguan lang ako ni Yanzee.
Hapon na nang makarating kami sa kinatitirikan ng bahay ni Yanzee, nasa loob ito ng isang private property. Ang may-ari ng lugar ay ang kanyang ama at ang business partner slash best friend daw nito.
Napakalayo ng bahay ni Yanzee mula sa mismong kalsada, ni hindi ko matandaan kung ilang liko ang ginawa namin bago makarating doon.
Malaki ang bahay niya kung ako ang tatanungin, may second floor din. May ʼdi kataasaang gate na unti-unting kinakain ng kalawang at iilang paso ng halaman na nagkalat.
Pumasok kami sa loob nito, at medyo napa-wow pa ako dahil ngayon lang ako nakarating dito at ang daming mukhang mamahaling gamit. Medyo natatakot akong hawakan ang ilan sa mga gamit sa bahay ni Yanzee dahil mukha itong galing pa sa panahon ni Jose Rizal.
Hindi na kami gumala noong araw na iyon dahil inabot na kami ng gabi sa pag-aayos ng gamit at ng tulugan namin. Naglinis pa si Edward ng kwarto namin dahil puro ito agiw, ganoon din ang kuwarto nina George at Yanzee, pero hindi na nila nilinis (mga tamad kasi).
Nag hapunan kami nang sabay-sabay, at dahil may pagka kuripot si Yanzee ay nag-ulam kami ng pancit canton at hotdog.
"Akala ko ang paulam mo, fried chicken, o ʼdi kaya adobo, nage-expect pa ako na baka may pa-Japanese food ka dʼyan, bwiset," nakangising wika ni George.
Natawa naman si Yanzee. "Bukas na tayo mag-ulam ng masarap, gala tayo bukas ha."
"Anong oras tayo gagala? Hapon ba?"
Nagtinginan sina George at Yanzee. "Baka umaga Eds, ano--- sa resto kaya tayo mag-almusal?"
Bahagyang nagliwanag ang mga mata ko sa sinabi ni Yanzee. "Uy sige! May nakita ako sa socmed na resto na bandang dito lang din, doon kaya tayo?"
Excited ako dahil may pera akong dala noh. At tsaka isa pa, bilang isang stressed adult, bihira na lang ako makakain sa mga restawran, kung makakakain naman ako sa labas palaging sa mga Jollibee at McDo lang, sawang sawa na ako kumain sa mga lugar na palaging may mascot o rebulto ng bubuyog at clown, pati si mama ay nagsasawa na rin gusto ang lasa ng mga pagkain doon.
Ikinuwento ko sa kanila ang mga nakita kong reviews tungkol sa restaurant na gusto kong puntahan.
Walang kaming mga katabing bahay kaya naisip ko na baka malungkot dito, pero kung kami naman siguro ang magkakasama baka makalimutan din namin ang existence ng lungkot.
Inabot kami ng siyam siyam bago matapos sa pagkain dahil sa mga kalokohan na pinaggagagawa namin.
Kami ni Eds ang magkatabi sa kama, dalawa lang kasi ang kuwarto sa bahay na ito. Si Yanzee at George ang magkasama sa iisa pang kuwarto, kanina lang ay naririnig ko pa na nagsisigawan silang dalawa, daig pang mag-syota.
"Naka-move on ka na ba?" biro ko kay Eds, tinutukoy ko ay ang kauna-unahan at nag-iisa niyang ex.
Humiga ako sa tabi niya at inilagay ang pahabang unan sa gitna namin.
Ngumuso siya. "Sakto lang."
Ikinatawa ko ang sagot niya. "No regrets?"
Natawa na rin siya. "No regrets."
Naalala ko pa noon, halos mag patayan sila ni George dahil sa babaeng iyon. Inakusahan ni George si Edward na sinulot ang girlfriend niya, kahit na hiwalay na naman sila noong naging boyfriend nito ang kaibigang si Edward. Mali sila parehas eh, wala naman dapat kampihan.
"Musta na Lolo mo?"
"Ayun, nakakalakad na, buti nga parang nabilis ʼyung paggaling niya noong dinala siya sa probinsya. "
Napangiti naman ako.
"Buti naman," huli kong saad bago ipikit ang mga mata, napagod siguro ako sa biyahe kahit na wala naman akong ginawa kundi ang umupo at magreklamo sa pag patay buhay ni George ng radyo.
BINABASA MO ANG
Minsan Nga Lang
Mystery / ThrillerAting tunghayan ang mga pangyayaring magpapa-ikot sa simpleng buhay ng binatang si Julian Rosales, kasama ang kanyang mga kaibigan, at kung papaano napunta sa isang madugong trahedya ang dapat na tahimik na bakasyon nilang magt-tropa. simula : Septe...