"Gising mga bading! "
Nagmulat ako ng mata at ang mukha ni Yanzee ang bumungad sa akin. Ano ba naman yan.
"Magkayakap pa kayo ha, sabi na nga ba may something talaga sa inyong dalawa---"
Bigla namang pumasok sa paningin ko si George at binatukan si Yanzee. "Ang dami mong dada, parang hindi ka yumapos sa akin kagabi, nanghahawak ka pa ng pwet! Bastos! "Napatingin ako kay Eds na nakasimangot sa ingay ng dalawa.
Sabay-sabay kaming nagpunta sa kusina at naupo sa mga silya.
Hindi naman kami kumain dahil aalis kami at sa resto nga raw mag-aalmusal.
"Ikaw kumausap sa waitress, Juls, nahihiya ako, " wika ni Yanzee.
"Neknek mo, di ka lang nagsipilyo. Ikaw na kumausap Julian, malay mo yan na pala forever mo. "
"Anong 'malay mo', George? Yan na talaga yun, nararamdaman ko eh, nakikinita ko na ang maganda ninyong pagsasama sa susunod na mga taon, kasal na kayo at may pitong anak. "
Nabatukan ko si Eds sa pinagsasasabi nya.
"Di kami nabalitaan na naging manghuhula ka na pala ha, hulaan mo nga ako. "
Umayos ng upo si Edward at pumikit, hinawakan pa nito ang kamay ni Yanzee.
"Nakikita ko... nakasuot ka ng orange at ikaw ang pinaka gwapo sa lahat---"
"I told you pare, magiging artista nga talaga ako, si Master Edward na ang nagsasabi nyan! "
"Pinaka gwapo sa lahat ng nasa loob ng bilibid! "
Humagalpak naman ng tawa si George na sinamaan naman ng tingin ni Yanzee, mag-aaway pa sana ang dalawa nang dumating na ang waitress. Nag order na ako habang sila ay nakamasid at may nang-aasar na tingin.
Kami yata ang pinaka maingay na customer noong mga oras na ʼyon.
Natapos namin ang pagkain, puro katarantaduhan. Nahihiya na nga ako sa kanila lalo na kay Yanzee at George na parang naka loud speaker ang mga bibig sa ingay.
"You know pare, dapat kinuha mo yung number eh, o kaya FB uso naman yon. Need mo na magka syota. " Pumasok si Yanzee sa kotse, pauwi na ulit kami.
"Pala desisyon ka, edi sana ikaw na lang kumuha ng number, tsaka mukhang kasal na, may wedding ring na suot eh, " sabi ko at umayos ng upo sa loob ng sasakyan.
"Di ko siya type noh. "
"Obviously, di ka rin naman nya type, mukha mong yan? Kung ikaw ang kumausap don malamang nag sungit lang yon, " sabi ni George at pumihit paloob sa kanto.
"Sama mo. "
Umupo kami sa couch.
Mahabang katahimikan.
"Mag bar kaya tayo? "
Napatingin kaming lahat kay Edward.
"Deym pare! Is dat u?! "
"Di ka na Totoy! "
Natawa na lang ako sa komento nila Yanzee at George. Di kasi mahilig mag bar si Eds, dahilan din kung bakit hind ako napupunta sa mga ganoon, nasama lang naman ako kapag kasama siya.
Pumayag naman ang buong tropa na mag bar, natagpuan ko na lamang ang sarili na naglalakad sa loob ng BlueStar, nakabibingi ang tugtog na bumabalot sa lugar, ang sigawan at mga halakhak, maraming binatilyo at mga dalaga ang nasa loob ng bar, lalong pumasan sa akin ang katotohanan na adult na nga talaga ako, patay na ang totoy na si Julian, ang high schooler na walang ginawa kundi maglaro ng mga upos ng sigarilyo.
"Oks ka lang? Pumarty ka na rin pare, minsan lang to, " bulong sa akin ni Edward.
Minsan lang to.
Maya-maya pa hinayaan ko ang sarili na tangayin ng alon na likha ng matinding tugtog at alak. Go with the flow. Minsan lang naman.
Nakita ko na lang ang sarili na nasa upuan at nakayupyop doon, dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo at tumingin sa paligid, medyo mahina na ang tugtog, may iilang waitress at mga waiter na nag-iibot, may isang lalaki pang nakatihaya sa gitna ng daan, tinapik ng waitress ang mukha nito, nang magmulat ay nagalit pa ito.
Tumingin ako sa mga kasama ko, si George ay nakaupo at nakahilig ang ulo sa balikat ng isang babaeng blonde ang buhok, si Yanzee naman ay nakaupo at nakasandal ang ulo kay Edward na ganoon din ang posisyon, may hawak pang tansan si Yanzee.
Napapitlag ako nang makita ang isang babae sa tabi ko, nakapalibot pa ang braso nito sa bewang ko, dahan-dahan ko iyong inalis.
"Hmmm, Lester, don't leave me here, you buh... hmm, bastard bitch, " ungol nito habang magkasalubong ang kilay.
Umupo ako sa katapat na upuan katabi si George, maya-maya pa ay nagmulat na ito at bumaling sa akin.
"Uh... early birdie? "Natawa kaming dalawa kaya gumalaw ang katabi niyang babae, nagbulungan sila bago tumayo ang babae at tumingin sa akin, di naman iyon nagtagal at umalis na rin siya.
"Solid pare, grabe, ngayon lang ulit ako nalasing na kayo ang kasama- we should do this more often! "
Umiling ako, ginising na namin sina Yanzee at Edward, ibinilin ko naman sa isang waitress ang babaeng nakayakap sa akin kanina.
Sabay-sabay kaming lumabas sa bar, nakaalalay kami kay Yanzee na patagilid na ang lakad.
"Gago pare, ayusin mo naman! " sigaw ni George dito.
"Fuck you! Hindi ako kumakausap sa mga katulad mong lasenggo! " Pilit nitong tinatanggal ang braso na nakaakbay kay George.
"Ikaw ang lasenggo! Tumigil ka--- huwag ka ngang malikot! Ibabalibag kita dito sa sidewalk Yanzee! "
Nagulat siguro ito sa itinaas ng boses ng binata kaya tumigil ito sa paglilikot pero bumubulong bulong pa rin.
Nabigla na lang kami nang bigla itong tumakbo sa kung saan.
"Anak ng- Yanzee! " Hinabol ito ni George
Sabay-sabay kaming napasinghap nang may mabunggo itong babae.
"Hala sorry po! " wika ni Eds nang makalapit kami sa babae.
Umiling ito. "Kayo talagang mga binatilyo, gabi na. "
Napansin kong naka uniporme pa ito--- pulis!
"Uhh... sorry po ma'am, lasing kasi tong kasama namin e-"
Umiling ito sa akin. "Umuwi na kayo. Delikado ngayon, di yata kayo nanonood ng balita, may tatlong presong nakatakas a, gumagala pa rin kayo, " sabi nito habang hinihimas ang noo.
"Sorry po ate, " wika ni Yanzee sa tonong nakainom.
May kinuha ang babaeng pulis sa bulsa bago iniabot sa akin. Papel.
"Ingat kayo pauwi. " Naglakad na ito palapit sa isang sasakyan.
"Gago ka talaga, nakakahiya ka! " Patuloy na pinagagalitan ni George si Yanzee.
Silang dalawa ni Eds ang kumakausap dito, si Eds sa mas malumanay na paraan.
Tinitignan ko nang mabuti ang papel. Cellphone number at pangalan. Melissa Santos.
BINABASA MO ANG
Minsan Nga Lang
Mister / ThrillerAting tunghayan ang mga pangyayaring magpapa-ikot sa simpleng buhay ng binatang si Julian Rosales, kasama ang kanyang mga kaibigan, at kung papaano napunta sa isang madugong trahedya ang dapat na tahimik na bakasyon nilang magt-tropa. simula : Septe...