|| C.01 ||

86 7 0
                                    

WHEN HE CHOOSE THE LIES

|| C.01 ||

"Aquilary! You d*mb b*tch! Kaya pala isang linggo kang hindi umuwi dahil nanlalaki ka! I thought that you're with your fiancee pero ano itong nalaman ko?! What the f*ck is this!"
Isang malakas na sampal ang agad na sumalubong sa dalagang nakayuko at basang basa ng ulan.

8:00 pm na itong naka uwi sa kanila habang nanginginig sa lamig.

Di manlang nito inalintana ang sakit ng sampal ng sariling ina.

Nag angat ito ng tingin sa ma-edad na babaeng kaharap na halata ang galit at pagka-disgusto sa mukha.

Aquilary laugh sarcastically when she saw her mother holding a pictures of her with another man. Katulad ng mga picture na ipinakita sa kanya ng kanyang ex fiance.

She didn't tell her mother what happened to her. Hindi nya nasabi ditong may nakasiping syang ibang lalaki dahil ang unang pinagsabihan nyang nito ay ang kanyang ex fiance sa kadahilanang natatakot syang iwan nito.

Isang linggo syang namalagi sa puder ng lalaki sa pagaakalang magiging maayos ang lahat ngunit ito ang nangyari. Mukhang may gustong manira ng buhay nya.

"I-I was raped when I attended the party that you wanted me to atte--"
Muling dumapo ang palad ng kanyang ina sa kanyang pisngi dahilan upang hindi matuloy ang kanyang sasabihin.

Gusto lamang nyang magpaliwanag dito. Gusto nyang maramdaman ang pag aalala nito. Gusto nyang makaramdam ito ng guilt dahil ito ang pumilit sa kanyang pumunta sa nasabing party na ginanap noon sa isang tanyag na nightclub.

"And now you're blaming me!? Bakit hindi mo nalang aminin na may ibang lalaki ka! Nandito na ang mga ebidensya Aquilary! Napakal*ndi mo!"

Napayuko na lamang sya habang iniinda ang pagsabunot sa kanya ng sariling ina at maya maya pa ay bigla na lamang sya nitong itinulak sa sahig.

"What's happening here? Hon, anong ginagawa mo kay Aquilary? Hija ayos ka lang--"
Agad na tumayo ang dalaga ng marinig ang pamilyar na boses sa galing sa loob ng mansyon.

Pag angat nya ng tingin ay agad na sumalubong sa kanya ang ama-- her step father and step sister.

Akmang lalapitan sya ng lalaki ng agad syang tumayo at matapang na hinarap ang ina.

Ikinuyom nya ang kamao at puno ng hinanakit itong tinignan.

"What's the purpose of explaining if you still won't believe me? Nangyari na rin ito noon pero di ka naniwala sa mga sinabi ko instead you called me a liar. So now, hindi ko na kayang ipagsisiksikan pa ang sarili ko rito. Masaya ka na rin naman dito eh , hindi naman siguro ako kawalan kung aalis ako diba?"
Malungkot at puno ng hinanakit na turan ng dalaga sa ina.

Bumalantay ang gulat sa mukha ng tatlong kaharap lalo na sa mukha ng ina na agad din namang napalitan ng galit.

"Then go! Maids, give me her things! Akala mo ba ay hindi ko naisip yan? Isa kang kahihiyan dito so it's better if you get out from this house!"
Sunod sunod ang pagbato nito ng mga gamit ng sariling anak palabas ng mansyon.

Napatingala na lamang ang dalaga sa langit.

The rain stopped already at hindi nya alam kung matutuwa ba sya roon o hindi. At least maglalakad sya palabas ng hindi mababasa ang mga gamit nya diba?

"Thank you for letting me stay here for a long time. Don't worry I won't bother your family anymore." Mababang sabi ng dalaga bago niyakap ang mga gamit na kadadampot lamang nya sa sahig.

Napatingin sya sa kanyang step sister at step father.

Malungkot ang mukha ng kanyang step sister at nakayakap pa ito sa kanyang ina. Mukha itong malungkot sa pag alis nya ngunit mapanuyang nakatingin sa kanya.

WHEN HE CHOOSE THE LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon