|| C.02 ||

58 6 1
                                    

WHEN HE CHOOSE THE LIES

|| C.02 ||

Aquilary Hyzareah Fancēlo's POV

Tulala akong nakatanaw sa nakangiting taxi driver.

Pasulyap sulyap ito sa akin dahil siguro ay napapansin nyang nakatingin ako sa kanya.

I'm still confuse.

Hindi ko alam kung Anong nangyayari at bakit hinayaan ko lamang ito.

I look at the taxi driver again.

He smile at me.

Umiwas naman ako agad ng tingin bago itinuon na lamang ang pansin sa labas.

Padilim na... Mabuti na lamang at hindi traffic dahil sa totoo lang ay hindi ako komportable.

Hindi ko ba alam ngunit pakiramdam ko ay may naka masid sa akin.

Just like earlier. May nagbayad na ng mga binili ko and claiming me as a girlfriend...as his girlfriend.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. I'm glad dahil hindi na ako nakapag gastos pa and at the same time it's gives me goosebumps.

Pakiramdamn ko kasi ay may stalker ako and just like now...this driver.

Mukhang napag utusan din sya.

"Ahm, manong pwede pong mag tanong?" Magalang na kuha ko ng atensyon nito.

Agad naman itong lumingon sa akin bahagya bago tumango at ngumiti.

"Ah, Alam nyo po ba kung saan ako ihahatid?" Tanong ko rito dahil pansin kong patungong apartment ko ang binabaybay naming daan.

Ngumiti naman muli ito sa akin.

"Oo naman hija. Sinabi ng asawa mong ihatid raw kita. Sinermunan ko pa nga dahil bakit sa iba nya pa ipagkakatiwala ang asawa nya eh nandyan naman sya? Pero sabi naman nya at naglilihi ka raw hija at ayaw mo syang makita kaya't hahayaan ka lamang daw muna nya. Ganyan talaga ang mga nagdadalang tao kaya't naiintindihan ko hahaha"
Magiliw na sabi nito.

Napatulala naman ako sa narinig.

Pilit na pinuproseso ito Ng utak ko.

What the actual fr*aking f*ck?

A-Asawa?

Kanina ay girlfriend lang tapos ngayon asawa!?

"P-Po? G-Galing po ba sya sa tindahan na nilabasan ko po kanina?"
Kinakabahan na tanong ko rito.

I just want to make sure kung sya rin ba ang nag claim na girlfriend daw nya ako.

"Oo hija. Mukhang binabantayan ka nya sa malayo. Napakabait ng iyung asawa at maalaga. Biruin mo sinusubaybayan ka nya sa malayo para lamang masiguro ang kaligtasan mo. Hayyy, bakit ba kasi ganyan kapag nagbubuntis ano?"
Tumawa pa ito ngunit hindi ko manlang magawang sumabay dahil bigla na lamang tumaas ang mga balahibo ko sa kilabot.

"Oh hija. Dito na tayo ,mag ingat ka ha? At tawagan mo na rin ang asawa mo. Magpasalamat ka para naman ngumiti sya. Mukhang miss na miss ka na eh. Siguro ay may problema kayo ano? Ayusin nyo agad. Kawawa naman ang hijong iyun dahil mukhang nangungulila sa'yo."

Tulala akong nakatayo sa pintuan ng apartment ko.

Pa ulit ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi sa akin ni manong kanina.

"Magandang lalaki sya hija. Matangkad at mistiso ngunit mukhang nakakatakot ang ekspresyon dahil hindi manlang ngumingiti hahaha. Napaka swerte nya at may maganda syang asawang tulad mo."

WHEN HE CHOOSE THE LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon