WHEN HE CHOOSE THE LIES
|| C.03 ||
Aquilary Hyzareah Fancēlo's POV
"Hala ang kapal naman ng mukha nyang magpakita pa rito? Hahaha nakakahiya sya"
"How dare she cheat! Ang kapal kapal naman ng mukha nyang ipagpalit si Reigh!"
"Yeah, whole package na yun eh! Gwapo , mayaman , mabait! Tapos ipinagpalit nya sa iba? Hah! She's not even pretty!"
"HAHAHA and guess what guys? Nakipag-s*x pa sya sa lalaki nya!"
"Ohhhh! Yeah narinig ko nga rin yun! Wait... Sinabi mismo yun ni Reigh sa interview!"
"Ah oh... Oo nga napanood ko yun. He said that his fiancé has been cheated on him and slept with another man! At baka nga buntis na yan ngayon eh tsk, Tsk."
"Grabi nakakahiya!"
"Bakit di nalang nya gayahin ang kapatid nya? Ciaris is much better than her."
"Oo nga at bagay sila ni Reigh. At isa pa bestfriends and childhood friends sila right? Ackkkk! Kakilig!"
"Oo nga sadyang sabit lang talaga yang si Aquilary. Dapat sa una palang yung dalawa na ang engage diba? Pero inakit ni Aquilary si Reigh eh"
"At buti nalang wala na sila ngayon. Mabuti naman at nakapagisip isip na si Reigh noh?"
"Yeah , yeah. Sayang Naman ang isang business man and engineering student na katulad nya."
Napakuyom na lamang ang mga kamay ko habang pilit na binabalewala ang mga naririnig ko mula sa mga schoolmates ko.
Kapapasok ko pa lamang ng gate ng unibersidad ay bulungan na kaagad tungkol sa akin agad na sumalubong sa akin.
It hurts. It is actually.
Sinong hindi masasaktan kung noon pa man ay alam kong pinipigilan lamang nila ang sarili nilang magsalita tungkol sa akin dahil fiancé ko si Reigh.
And now... They can freely insult me lalo na't nagkalat nga dito ang balita tungkol sa akin.
At ang masakit ay dahil yun kay Reigh. Bakit nya yun ginawa? Bakit pa nya kailangang sabihin yun sa interview?
I'm actually doubting him now. Minahal ba talaga nya ako? Because I think, no... Dahil di manlang nya ako pinakinggan and what's worse ay nagawa nya akong ipahiya sa publiko.
Hindi naman lahat ay nakakaalam na ako ang naging fiancé nya but our school mates knows it all! At ngayon ay pati sa buong Pilipinas ay kumalat pa. Kahit na hindi nya binanggit ang pangalan ko ay masyadong nakakabastos ito sa parte ko.
Hindi na nga nya ako pinakinggan t-tapos ito pa ang ginawa nya...
Mas lalong kumuyom ang kamao ko ng pumasok ako ay sa akin agad ang atensyon nila.
"Is she really your friend? Edi kung ganon ay alam mo na pala ang mga baho nya noon pa! Nakakahiya kayo!"
Then bumungad pa sa akin ang isang eksena.
Our classroom bully is confronting my one and only bestfriend.
Akmang lalapitan ko na sana sila para ipagtanggol ang kaibigan ko ngunit...
"Eh? HAHAHA! No, I'm not! Sumasama lang naman ako sa kanya dahil may pakinabang sya noon. Y'know, the University's Angel is her sister! At fiancé nya pa ang isang sikat na business man at engineering student na si Reigh! I was just using her for fame! Well now, she's useless so I'll unfriend her right away. Like now, right Aqui?"
Nanigas ako kaagad sa kinatatayuan ko dahil sa narinig sa nagiisa kong kaibigan.
BINABASA MO ANG
WHEN HE CHOOSE THE LIES
General FictionDescription: A fiancée who turned his back on her after ruining her reputation and dignity. A one night pleasure that turned her life into mess. And a Mysterious guy who just disappear and appears that claiming her as his. Aquilary Hyzareah Fancēlo...