Kabanata 7

6 1 0
                                    

a|n: may story po si Sydrick hehe, I Adore You and epistolary ho siya. sana ay basahin niyooo! (xOx)

Kabanata 7

Serene

"Class dismissed," napasigaw naman sa tuwa ang mga kaklase ko at inunahan pa sa paglabas sa room ang guro namin. Napailing na lamang ako at inayos ang mga gamit. Tumayo na rin ako at lumabas. Ikakain ko na lang siguro 'to. Sumunod naman sa'kin si Niesha na may kakaibang ngiti sa labi.

Napataas naman agad ang kilay ko. "Anong ngiti 'yan?"

Tumawa naman agad ito. 'Yong tawa bang pang witch.

"Kayo ba ni Owen? Pinalitan mo na ba ang iyong love of your life na si Ser Eydriyel? Ha? Ha?"

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Pinagsasabi mo?"

Tumikwas naman agad ang kilay nito. "Nagmamaang-maangan ka pa? 'Di ba't nagdate kayo kahapon ni Owen? Kala mo ah? Porke't absent ako kahapon 'di ko na malalaman?" aniya habang masama ang tingin sa akin.

Napabuga na lang ako ng hininga at iritang tinignan siya. "At saan mo naman narinig 'yan? At pwede ba? Hindi kami nag-date ok? At lalong walang kami. Sino ba kasi nagsabi niyan sa'yo?"

"Syempre sino pa ba? Edi mga tsismosa't tsismoso nating mga kaklase. Pero 'di nga? Hindi talaga kayo? Hindi mo pinagpalit si crushiecakes mo?"

"Ewan ko sa 'yo, Niesha. Nagpapaniwala ka na naman do'n sa kanila. Alam mo namang ma-issue talaga ang mga 'yon," nairap na sabi ko. "At isa pa, hinila lang naman ako ng unggoy na 'yon sa cafeteria kahapon. Ang boring ba naman kasi sa room, isa pa, libre 'yon! Alam mo namang 'di ako tumatanggi sa grasiya!" dagdag ko at naghanap ng vacant table pag-dating na pag-dating namin sa cafeteria.

Napangisi naman ito. " Ok, sabi mo eh."

I just rolled my eyes. Kahit kailan talaga.

Napatingin ako sa kaniya ng may maalala. Kanina ko pa talaga gusto itanong 'to, nakalimutan ko lang.

"Nga pala, ba't wala ka kahapon?" tanong ko habang nginunguya ang pagkain na inorder namin.

Napabuntong hininga naman agad ito tsaka nakasimangot na tinignan ako.

"Sinama ako ni mama somewhere. You know, nakipag-meet sa mga ka-business partner niya. Hindi ko naman alam na may plano pala siyang ipakilala ako sa mga hudlong na anak ng mga 'yon. Huhu, feeling ko nga tinataboy na ako ni mama," naiiyak na sabi niya at mariing tinusok ng tinidor ang cake na kinakain niya. Naawa naman ako bigla sa cake.

" Oh chill, 'wag mong idamay ang cake sa inis mo kay tita," nakangiwing sabi ko. Sinamaan naman ako nito ng tingin.

"Hindi mo kasi ako naiintindihan, bes! Alam mo namang 'yong kuya mo lang ang gusto kong maging boyprend kooo!" maarteng aniya.

Napairap naman ako dahil sa sinabi niya. I mean, seryoso ba talaga siya? Si kuya talaga? Oo nga't gwapo si kuya, matangkad, matalino, maputi, matangos ang ilong, at organized na klase ng lalaki pero sa totoo lang hindi talaga siya 'yong masasabi mong ideal boyfriend mo.

"Ay wao, ang cheap naman ng taste mo sa lalaki bes! Seryoso ka? Si kuya talaga? Maghanap ka naman ng lalaking super gwapo, 'yon bang mala- Park Chanyeol ang datingan! Tsaka girl, 'di naman porke't pinakilala ka ni tita sa anak ng business partner niya eh gusto niya na agad na iyon ang maging boyfriend mo or what, masyado ka lang talagang advance mag-isip," sabi ko sabay sipsip sa coke ko.

"Dzuh! Ikaw nga si Sir Adriel crush mo, may say ba ako? Wala naman 'di ba?" exagg na sabi niya. Napairap naman agad ako. Ok tama na kaka-irap, baka 'di na bumalik sa dati ang mata ko.

"Ba't nadamay crush ko?" siya naman ngayon 'yong umirap. Oh 'ta'mo, hindi talaga maipagkakailang mag-bestfriend kami. Parehong may diperensya sa mata. Kidding.

"Wala ka na do'n. Pero girl, obvious naman kasi si mama. I mean mabait din naman kasi 'yong pinakilala niya, kaso. . ." napatigil ito at mukhang nag-isip pa ng tamang salita para i-describe 'yong lalaking sinasabi niya. Pftt.

"Kaso?"

"Kaso nerdy! Shucks. Ang kapal na nga ng kilay, pati salamin niya makapal din. Gwapo sana kasojusmiyo, hindi ko siya ma-reach! Nagmumukha lang akong bobo kapag siya ang kasama ko, huhu!" exaggerated na sabi niya.

Napatawa naman agad ako. Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to. Apaka judgemental!

Kinabukasan.

"Gosh, ang arte naman nito. Ang revealing pa masyado ng damit! Tss, seryoso? Sa school ba talaga ang punta nito o sa club? Kulang na lang maghubad siya. Kinulang sa tela ampota!" nakangiwing saad ko habang nakatingin sa hallway. Mula rito sa 4th floor ng building na kinaroroonan ko ay kitang-kita si Kelsey na parang model kung mag lakad.

"Haha parang 'di mo naman siya kilala, "

Napatingin naman agad ako kay Owen na nasa tabi ko dahil sa sinabi nito. Nakangisi pa ito habang nakatingin din sa ibaba.
Katabi nito si Niesha na walang pake sa paligid.

Napailing na lang ako at tumingin uli sa direksyon ng bruha. I smirked. "Madapa ka sana," bulong ko.

At dininig nga ng langit ang hiling ko, dahil nang dumaan siya sa gitna ng grupo nina Mica— ang isa pang bruha dito sa university—ay bigla na lang siya nawalan ng balanse't nadapa, una mukha. pftt!

Kahit na malayo-layo kami ay rinig namin ang tawanan nila dahil sa nangyari. Madali namang bumangon si Kelsey at mabilis na umalis doon.

"Pfft! Lampa ampota! HAHAHA"

Napailing na lang ako at ngumisi. Ngunit nawala ang ngisi ko ng mapansing may nakatingin sa direksyon ko. Nang makilala kung sino iyon ay napa-irap ako.

Mariin itong nakatingin sa akin habang nasa magkabilang bulsa ang dalawang kamay nito. Umismid ako at umiwas na lamang ng tingin.

Kahit kailan talaga, panira ng araw ang lalaking 'yon. Grr!

Under Her Spell Where stories live. Discover now