Kabanata 11
Serene
"What the hell do you think you're doing?" kunot noo na bungad ni Sir Adriel ng makita akong nakasunod sa kaniya. "Stalker ka na ba ngayon?" taas-kilay na dagdag niya.
Instead, I rolled my eyes tsaka kumapit sa braso niya. "Sama ako sa 'yo. Ayoko maiwan kasama no'ng bruha," sabi ko tsaka sumimangot. Napatingin naman siya sa akin tsaka kinunotan ako ng noo.
"Tana's here already?" tanong niya. Muli ay umikot ang mga mata ko.
"Ano pa nga ba. Alam mo naman sigurong 'di talaga nawawala sa birthday ni kuya ang babaeng 'yon, at alam mo rin namang sa kaniya lang kumukulo ng ganito ang dugo ko," sabi ko. "Halatang patay na patay kay kuya, tss." dagdag ko tsaka tinanggal ang pagkakapit sa kaniya.
I put my hands behind my back. Hinayaan niya lang naman akong nakasunod sa kaniya habang iiling-iling kaya palihim na lamang akong napangiti.
Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa bawat galaw niya. Sa totoo lang hindi naman ito ang unang beses na nakasama ko siya. Actually, maraming beses na.
"Baka matunaw ako," biglang imik niya gamit ang baritonong boses nito tsaka ako tinignan ng nakangisi. Napailing na lang ako.
Kahit kailan talaga— tss!
"Sa'n ba tayo?" tanong ko sa kaniya tsaka sumabay sa paglalakad sa kaniya. Kaso dahil nga sa mataas talaga ang biyas niya'y 'di ako makasabay.
Mukhang napansin naman nito kaya bigla na lang bumagal ang paglalakad niya. Ngiting-ngiti naman akong kumapit sa braso niya. Nang mapatingin ako sa kaniya ay kagat-kagat nito ang pang-ibabang labi, 'yong tipong nagpipigil ng ngiti. O sadyang assuming lang talaga ako?
Napailing na lang ako tsaka sumunod sa kung saan siya pupunta.
"Mukhang may nalanghap ka atang masamang hangin," aniya. Napakunot naman ang noo ko tsaka napatingin sa kaniya. "I mean, last week parang galit na galit ka sa 'kin. Then now?" sabi niya pa.
"Ngayon lang 'to. 'Wag ka ngang ano r'yan. Sumama lang naman ako sa 'yo para makatakas sa bruhang 'yon eh," nakasimangot na sabi ko tsaka umiwas ng tingin.
"Ok. If you say so,"
___
"Serene Aleriana!!!" agad na napakapit ako ng mahigpit sa braso ni Sir Adriel.
Almost 7 PM na ng makarating kami ni Sir dito. Nag-date pa kasi kami. Kidding. 'Di, sumama kasi ako papunta sa studio kung sa'n sila minsan tumatambay na magkakaibigan.
Napatingin ako kay Kuya tsaka kay mama na nasa hamba ng pinto. Nakakunot ang noo ni kuya habang nakatingin sa amin— o sa kamay kong nakakapit kay Sir Adriel. Habang si mama ay nakataas ang kilay na nakatingin sa amin.
Pasimple ko namang tinanggal ang kamay ko sa braso ni Sir Adriel tsaka sisipol-sipol na umiwas ng tingin.
"Sa'n kayo galing?"
"Bakit kayo magkasama?"
"Bakit mo raw iniwan sa mall si Tana?"
"Kailan pa kayo naging close na dalawa?"I rolled my eyes. Seriously? Mas may ika-o-oa pa ba ang mga 'to?
"Chill tita, we didn't do anything. I was just passing by when I saw her. And since I was planning of going here, sinabay ko na siya pauwi," ani Sir Adriel.
Napatingin naman ako sa kaniya kaya pasimple rin siyang tumingin sa akin tsaka kumindat. Napailing na lang ako tsaka hinarap sina kuya na mukhang 'di naniniwala.
"Yes ma. Tsaka nagutom lang ako kanina kaya 'di na 'ko nakapag-paalam sa bru— I mean kay Tana. Hindi ko na rin naman siya nakita after. "
Tumikwas naman kaagad ang kilay ni mama dahil sa sinabi ko habang mariin lang na nakatingin sa aming dalawa si kuya Syd.
"'Yon lang? Wala talagang nangyari?" parang disappointed na tanong ni mama. Nangunotang noo ko sa inasta ni mama. "Sayang. . ." rinig ko pang bulong ni mama bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Napapantastiskuhang napasunod na lang ang tingin ko kay mama na ngayon ay sinusundan ni kuya.
Nang mabaling ang tingin ko kay Sir Adriel ay nakatalikod na ito habang nakapamulsang naglalakad pabalik sa kotse niya.
"Sir! Wait lang!" sigaw ko tsaka nagmadaling pumunta sa kinaroroonan niya napatigil naman siya sa paglalakad at taas ang kaliwang kilay na tinignan ako.
"Thank you kanina sir, and sorry rin sa istorbo." mahinang saad ko. Tumalikod na ako at maglalakad na sana ako pabalik sa bahay ng makaisip ako ng kapilyahan. Hihi.
Mabilis akong humarap kay Sir Adriel and tiptoed reaching for his cheeks then pressed my oh-so-sweet lips over there. Naramdaman ko namang natigilan siya kaya napangiti ako.
"Goodnight Sir~" I whisper while giggling, tsaka mabilis na tumakbo sa gate.
"Nakita ko 'yon," napahawak na lang ako sa aking dibdib dahil sa gulat.
"Nakakagulat ka naman kuya!" sighal ko sa kaniya ngunit ngumisi lang tsaka tinalikuran ako.
"Please lang Serene, kung gusto niyong maglandian 'wag d'yan sa labas. Nakakasura sa paningin eh, iw!" sabi niya pa tsaka ako tuluyang iniwan.
Landian daw? Sana nga landian 'yon, tss.
YOU ARE READING
Under Her Spell
RomanceTroublesome and Hardheaded.That's how Adriel define Serene Aleriana, his best friend's sister and one of his student. Sa ilang taon nilang pagka-kaibigan ng kapatid nito'y alam na alam na niya ang likaw ng bituka nito. Lalo na ang pagiging vocal at...