a|n: hindi ko na muna i-e-edit 'to since hindi pa naman tapos. pa notice na lang if may nakita kayong mali or something sa story. pag pasensyahan niyo na lang din if masyadong boring, boring din naman kasi ang nagsulat xD. kidding.
_________Kabanata 9
Serene
"Hoy Sydrick!"
"Ano?"
"Alam mo na ba?"
"Ang alin?"
"Hindi mo pa pala alam? Anyway ayon nga babalik na raw rito sa Pinas si Tana,"
Napatigil ako sa pagkulikot sa selpon ko nang marinig ko ang sinabi ni Kuya Harkin. Napa-angat naman agad ang tingin ko sa kanila.
"What? May balak pa talagang bumalik dito ang bitch na 'yon? Tss, mas masaya kung do'n na siya forevs sa America. Total ay plastic naman siya!" maarteng komento ko tsaka umirap. Napatingin naman sa'kin sila Kuya pati na rin ang huklubang si Adriel na naging tahimik na after niya umalis kanina.
"Serene, your mouth." Adriel said firmly. Napairap naman ako lalo.
"Tss, sa totoo naman eh! Pareho lang naman sila ng nanay niya. Plastic! Kakakulo ng dugo, kala mo naman talaga kung sino ampt!" sa ikatlong pagkakataon ay umirap akong muli. Nakakairita naman kasi talaga ang pagmumukha ng mga-inang 'yon.
Anyway, Tana Lorex is kuya Sydrick's schoolmate during his College days. Feeling close lang talaga ang babaeng 'yon. Isa rin kasi sa kinaiinisan ko sa babaeng 'yon, ay inaangkin niya ang kuya ko. Lahat na lang ng babaeng kinakausap ni kuya— including me— ay inaaway niya. Sabi niya kasi sa kaniya lang daw si kuya Sydrick. Inaagaw ko rin daw ang atensyon ng kuya KO sa kaniya. Like eww! Sino ba siya sa tingin niya?
Kaya nga tuwang-tuwa ako no'ng umalis na sila ng parents niya dito. Nawala na kasi ang bruhang umaaligid sa kapatid ko.
"Haha kulong-kulo talaga dugo mo kay Tana eh 'no?" natatawang saad ni Kuya Nero. Umismid naman agad ako.
"Pano ba naman kasi, feeling din naman kasi ang babaeng 'yon. Hindi naman kagandahan," naiiritang saad ni kuya. Napangisi ako. Isa sa mga napagkakasunduan namin ni kuya ay ang panlalait sa Tana na 'yon. Dahil katulad ko, hindi rin naman gusto ni kuya ang presensiya niya. Ako ngang kapatid niya, naiirita sa babaeng 'yon na halatang may gusto sa kaniya, siya pa kaya?
Natawa naman si Timothy at kuya Nero dahil doon.
"D'yan talaga kayo nagkakasundong magkapatid eh 'no?" naiiling na tanong ni Kuya Harkin.
"Sinabi mo pa,"
___
Kinaumagahan ay sabay kaming bumama sa salas ni kuya. Papikit-pikit pa ito habang naglalakad.
"Good morning kuya, how's your sleep?" biglang tanong ko rito. Napatingin naman agad ito sa akin tsaka ngumiti.
"Himala. Anong nalanghap mo ngayong araw sis?" nakangising tanong niya. Naikot ko na lang ang mga mata ko.
"Nevermind. Wala ka nga pa lang kwenta kausap, tss. D'yan ka na nga!" kunot noong ani ko at nauna ng bumaba. Narinig ko naman ang tawa nito.
"Ang pikon mo talaga," tatawa-tawang saad niya pa. Kaya muli akong napairap.
Ngunit natigil lang ang usapan namin ni kuya ng makarinig kami ng tawanan mula sa sala. Nagkatinginan kami ni kuya dahil sa pagtataka.
Wala naman kaming inaasahang bisita ngayong umaga ah?
Nagmamadaling hinila ako ni kuya pababa kaya nagkada-tapilok na ako. Inis ko naman siyang binalingan ng tingin pero inirapan niya lang ako. Nanahimik na lang ako at nakasimangot na sumunod sa kaniya.
Nang nasa huling baitang na kami ng hagdan ay pareho kaming napatigil ni kuya ng makita kung sino ang kausap ni mama.
"Oh, there you are! Good morning baby Syd! I miss you so muchhhh!" sigaw ng isang matinis na boses.
Muli ay nagkatinginan kaming dalawa ni kuya. Shock and annoyance can be seen in kuya Syd's face. While I on the other hand, is clearly irritated.
Wala sa sariling napabulalas na lang ako ng isang malutong na mura.
"Fucking shit. The bitch is already here,"
__
" So how are you babe? Namiss mo ba ako? hmm?" nakangiting tanong ni Tana habang kapit na kapit sa kapatid ko na parang tuko.
I nearly choke because of what I heard. " Gosh, ang kapal talaga ng mukha." bulong ko tsaka umismid. Hindi ko na sana sila papansinin pa at akmang susubo na ng pagkain when all of a sudden Kuya Sydrick kicked my feet under the table kaya napatingin ako sa kanila. Nang mabaling ang tingin ko kay Tana, wala na ang ngiti sa mukha niya at napalitan na ng taray ang mukha niya. Mukha niyang sarap i-mudmod sa semento tss.
"Are you saying something?" taas-kilay na tanong niya sa akin. I want to roll my eyes but I stopped myself. So instead I fake a smile.
"Wala ah. Baka guni-guni mo lang 'yon o baka naman gawa-gawa lang 'yon ng isip mo. Alam mo na, delulu ka pa namang klase ng babae, haha." I said then smirked.
Nag-pigil naman ng tawa si Kuya sa tabi niya pero ng tignan siya ni Tana the delulu girl ay tumikhim siya tsaka nag-seryoso bigla. "Stop that Serene." saway niya pa. Ngunit umiling lang ako at tumayo.
"Bitch!" gigil na sabi ni Tana ngunit inirapan ko lang siya.
Buti na lang talaga at wala dito sina mama. Baka nasipa niya na 'to palabas ng bahay. Haha.
"See yourself in the mirror, you'll see the real face of a bitch," I winked at her then left them, both hanging.
"Oh sa'n ang punta mo, Serene?" tanong ni mama ng makasalubong ko sila ng nanay ni Tana na si Shan. Shantanas.
"D'yan lang ma," sabi ko na lang at nagpatuloy sa paglalakad, ngunit bago iyon ay inirapan ko mo si Shan.
Mga plastic. Pwe!
YOU ARE READING
Under Her Spell
RomanceTroublesome and Hardheaded.That's how Adriel define Serene Aleriana, his best friend's sister and one of his student. Sa ilang taon nilang pagka-kaibigan ng kapatid nito'y alam na alam na niya ang likaw ng bituka nito. Lalo na ang pagiging vocal at...