Kabanata 8
Serene
Araw ng sabado. Tulad ng nakagawian, andito na naman ako sa loob ng aking kwarto. Nagpapakasasa sa mga k-drama at mga poging bida.
Habang busy ako sa pinapanood ay bigla na lang tumunog ang tyan ko. Napasimangot ako.
Panirang tyan 'to.
Pinatay ko na lang muna ang pinapanood tsaka nagmamadaling bumaba sa kusina para kumuha ng pagkain.
Pagkababa ko'y naabutan ko si kuyang bihis na bihis at mukhang paalis na. Napakunoot naman agad ang noo ko at nagtatakang tinignan siya.
"Sa'n punta mo kuya?" tanong ko sa kaniya. Napunta naman agad sa akin ang atensyon niya.
He stopped from what he is doing. " D'yan lang. Dito ka muna, babalik din naman ako kaagad," aniya.
Ano ba 'yan! Ako na naman mag-isa ang maiiwan dito. Naknamputcha!
Ang boring pa naman dito sa bahay. Nakakabagot din naman kasi minsan ang panonood ng k-drama. Hay naku, kung nandito lang sana si Niesha ngayon, kanina pa sana kami pumuntang mall— wait! Right! Sasama na lang ako kay Kuya.
"Alis na 'ko,"
Bago pa man makaalis si kuya ay nagtatakbo na ako palapit sa kaniya tsaka kumapit sa braso niya. Napakunoot naman agad ang noo niya at pilit na tinatanggal ang kamay ko sa braso niya.
"What the fuck are you doing, Serene?" iritang tanong niya habang pilit pa ring tinatanggal ang pagkakakapit ko sa kaniya.
I smiled cheekily and was about to talk when he look at me firmly.
"No."
"Wala pa nga akong sinasabi eh!" nagpapadyak na sabi ko tsaka sumimangot.
"I know what you were thinking, brat!" he said and glared at me. "Hindi ka sasama. Dito ka lang," dagdag niya pa.
Mas napasimangot naman ako at mas hinigpitan pa ang kapit sa kaniya. "But kuya! Gusto ko sumama!"
Sumama naman lalo ang tingin niya sa'kin, "No. And it's final!" he said firmly and starts walking. At syempre dahil nakakapit ako sa kaniya ay nadadala ako.
Nginisihan ko si kuya, "Sasama ako wether you like it or not! And it's final!" sabi ko tsaka bumitaw sa kaniya at tumakbo palabas ng bahay— papunta sa garahe kung nasaan ang kotse niya.
Bago pa man ako nakapasok sa kotse niya ay na-rinig ko pa ang sigaw niya. Napahagikgik na lang ako at ngiting-tagumpay na sumakay sa backseat.
"Sa'n tayo kuya?" tanong ko kay Kuya na nagd-drive habang nakasimangot. Tumingin ito sa akim mula sa front mirror, tsaka ako inirapan.
Hindi ako nakapag-salita dahil sa ginawa ni Kuya. Ampota? Lakas ng amats nito ah?
Nanahimik na lang ako at tumingin na lang sa labas ng bintana.
Maya-maya pa'y tumigil ang sasakyan sa harap ng isang coffee shop. I arched my brows.
Lumabas si kuya at pabalyang sinara ang pinto ng sasakyan tsaka dumeritso papasok sa loob ng coffee shop. Napabungisngis na lang ako. Mukhang masama talaga ang loob nito dahil sa ginawa ko sa kaniya kanina. Napailing na lang ako at lumabas na rin ng kotse tsaka sumunod kay kuya.
Buti na lang talaga at nakapag-bihis na ako bago pa man ako lumabas kanina ng kwarto. Mabuti na rin lang at dala ko ang phone ko at wallet ko.
Pagpasok ko sa loob ng shop ay si kuya agad ang hinanap ko. Pero kung minamalas ka nga naman, kausap nito ang huklubang nag-ngangalang Adriel.
Palipat-lipat sa kanilang dalawa ang tingin ko ng makalapit ako. Masaya silang nag-uusap at parang hindi pa rin napapansin ang presensya ko.
"OMG. Date niyo ba dapat 'to ngayon kaya ayaw mo 'kong sumama sa 'yo Kuya?" nanlalaki ang mga matang tanong ko. Nawala naman agad ang ngiti ni Kuya at napalitan ng iritasyon ang mukha. Akmang magsasalita na siya ng makarinig kami ng mahihinang tawa.
"Grabe talaga 'yang imagination mo Aleriana, apaka lawak!" napalingon naman agad ako sa pinanggalingan nito. At kahit naman hindi ko kita kung sino ang taong 'yon, kilala ko na agad siya. Siya lang naman kasi ang nag-iisang tumatawag sa'kin ng second name ko.
Sumimangot ako at naka-cross arms na tinignan si Timothy. Isa sa mga tropa ni kuya kasama sina Kuya Nero at Kuya Harkin.
"Hi Serene! Long time no see!" bati ni kuya Nero tsaka ngumiti ng malapad. "Anyway, hindi nagd-date ang dalawang 'yan ok? Na-trip-an lang talaga naming magkita-kita ngayon. Kaya 'wag kang mag-alala masyado, hindi aagawin ng kuya mo si kwash mo," sabi niya pa pero binulong lang ang huling sinabi niya tsaka pang-asar na ngumisi.
Nag-init naman agad ang magkabilang pisnge ko dahil sa sinabi ni Kuya Nero. Pang-asar talaga 'to kahit kailan! Palibhasa kasi ay alam niyang crush ko si Sir Adriel! Ampt.
Napairap na lang ako at umupo sa upuan na bakante katabi ni kuya. Sinamaan niya naman ako ng tingin pero bumelat lang ako na mas nakapag-painis sa kaniya. Napapailing na lang sila Kuya Nero dahil sa ginawa ko.
"Anong gusto mo, Ale? My treat, " nakangiting tanong ni Timothy. Palihim na lamang akong napangisi dahil doon. Makakalibre na naman ako hihihi.
"Chocolate cake, bread rolls and hot chocolate hihi,"
"Noted. Sa inyo? Anong gusto niyo? Ako na oorder," sabi pa ni Timothy.
Napangiti naman ang magkakaibigan dahil doon. "Libre mo rin ba kami, 'tol?" malawak ang ngiting tanong ni kuya Nero. Habang si Kuya Harkin naman ay bored lang na nakatingin sa mga kaibigan niya.
"Syempre hindi. Si Aleriana lang naman ang sinabi kong ililibre ko, wala akong sinabing kasama kayo 'no. Ako lang oorder, nangarap naman agad kayong ililibre ko kayo," nakasimangot na sabi ni Timothy.
"Asus! Ang sabihin mo nagpapalakas ka lang talaga kay Serene! Sus, luma na ang galawang 'yan!" biglang sabi ni Kuya Sydrick. Natawa naman sina kuya Nero at Kuya Harkin dahil doon habang namumula naman si Timothy.
Gago kung makapag-usap kala mo wala ako ah?
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Kuya at pasimple na lamang sumulyap kay Adriel.
Ngunit napakunot na lang ako noo ko nang may mapansin sa kaniya. Hindi ko alam kung ako lang ba o talagang madilim ang mukha niya?Maya-maya pa'y tumayo siya at walang ekspresyong nagsalita. "Labas lang ako saglit," paalam niya at walang sere-seremonyas na umalis.
Ngunit bago siya lumabas ay sinamaan niya muna ako ng tingin. Napa-maang na lang ako.
Ampota?! Anong kasalanan ko sa kaniya?
YOU ARE READING
Under Her Spell
RomanceTroublesome and Hardheaded.That's how Adriel define Serene Aleriana, his best friend's sister and one of his student. Sa ilang taon nilang pagka-kaibigan ng kapatid nito'y alam na alam na niya ang likaw ng bituka nito. Lalo na ang pagiging vocal at...