Kabanata 14
Serene
Napadaing ako ng bigla nitong kagatin ang labi ko. The way he kissed me was just so sensual that it gives me goosebumps. Hinihingal na naghiwalay ang aming mga labi habang ako'y nakapikit pa rin at pilit na pinapasok sa utak ko ang halik na pinagsaluhan namin. It feels surreal. Ni sa hinagap ay hindi ko inakalang darating ang araw na matitikman ko ang matamis niyang mga labi.
Maya-maya pa'y idinantay nito ang kaniyang noo sa akin, hawak-hawak ng dalawang kamay ang pisnge't batok ko.
"Serene. . ." he groaned like a wounded animal. I can feel his minty breath to my face. Napamulat ako at napatingin sa kaniya't napakapit ng mahigpit sa mga braso niya dahil sa tindi ng emosyong nakikita ko sa mga mata niya. "What have you done to me?" dagdag niya pa tsaka muling sinakop ng marubdob na halik ang labi ko———.
* * *
Agad na napabalikwas ako ng bangon at hinihingal na napahawak sa dibdib ko. Napapikit na lamang ako ng mariin at nakagat ang pang-ibabang labi —na nalasahan ko na ang malakalawang na lasa ng dugo ng mapadiin ang kagat ko— dahil sa mga imaheng iyon.
Sheyt lang kasi! Ba't sa lahat ng pwedeng mapanaginipan ay iyon pa talaga? Kinakalimutan ko na nga ang araw na 'yon, pero heto't pilit na nagsusumiksik sa utak ko ang kakila-kilabot na pangyayaring iyon.
Dalawang araw na simula ng mangyari iyon at tudo iwas ako kay Sir Adriel sa school. Ni hindi rin ako makatingin ng diretso sa kaniya kahit na ramdam ko ang tagos sa kaluluwang tingin na pinupukol nito.
No one knows about 'it' maliban na lamang kay kuya Nero na hanggang ngayon ay inaasar pa rin ako. Kuya Syd and his friends was confused about it na nga eh, good thing he keep his mouth shut. Kasi nakakahiya ng sobra ang pangyayaring iyon. Swear!
Napatingin na lang ako sa orasan na nasa side table ko. It's just 4:30 in the morning. Masyado pang maaga para sa klase ko ngayong araw.
I tried to sleep once again but I can't. Inis na lamang akong napabuntong hininga at napag-desisyonang bumaba sa kusina.
Nakita ko naman agad mula sa labas ng kusina ang bulto ng isang lalaki na walang iba kundi si kuya. Nakatayo ito malapit sa fridge at halatang malalim ang iniisip.
My forehead creased. What is he doing at this early morning?
Kahit na pumasok na ako't tumabi sa kaniya'y hindi pa rin ako nito napansin sa sobrang lalim ng iniisip niya.
Kaya naman pinitik ko ang daliri ko sa harap ng mukha niya. Mukha naman siyang nabalik sa huwisyo niya't napatingin sa akin na may gulat na ekspresyon.
"Ikaw pala sis. Kanina ka pa r'yan?" kapagkuwa'y tanong niya. Napairap na lang ako at kumuha ng baso para uminom ng tubig.
"Ok ka lang kuya?" tanong ko rito.
"Ha? Ah oo, ok lang ako," sabi niya tapos ay umiwas ng tingin. Napakunot naman agad ang noo ko sa inasta niya.
"Sure ka na ok ka lang kuya?" paniniguro ko at akmang sasalatin ang noo niya ng tinabig niya ang kamay ko at iniwan ako sa kusina.
Nagtataka na lamang akong napasunod ng tingin sa kaniya.
"Problema no'n?"
Napailing na lang ako at mabilis na bumalik sa kwarto. Itutulog ko na lang ulit siguro ito.
YOU ARE READING
Under Her Spell
RomanceTroublesome and Hardheaded.That's how Adriel define Serene Aleriana, his best friend's sister and one of his student. Sa ilang taon nilang pagka-kaibigan ng kapatid nito'y alam na alam na niya ang likaw ng bituka nito. Lalo na ang pagiging vocal at...