Kabanata 5
Serene
Nabalik lang ako sa reyalidad ng marinig ko ang ugong ng makina mula sa kaliwa ko, at ang biglang pagharurot ng sasakyan malapit sa kinatatayuan tsaka ang pagbusina nito. I cursed. Wtf—!
“Gagong 'yon ah!”
Salubong ang kilay na naglakad ako pabalik sa kotse ko. Nilagay mo muna sa backseat ang mga pinamili ko tsaka mabilis na sumakay sa kotse at pinaharurot ito.
Kung hindi ako nagkakamali, kay Sir Adriel ang sasakyang ‘yon. Naku! Naku! Makakatikim na talaga ng holy kick si Sir pagnatagal mula sa akin.
Wala sa mood na nakabalik ako sa Village. Tsk. Sinira lang ni Sir ang magandang mood ko.
Hindi pa man ako nakakalapit sa bahay ay napansin ko agad ang isang pamilyar na kotse. Naiiritang nagdrive ako papasok sa garahe.
“Kapal naman talaga ng apog nito, at talagang pumunta pa rito sa bahay!” nanggigigil na bulong ko sa sarili.
Kinuha ko na muna ang mga groceries at nagmartsa papasok sa loob ng bahay.
Pagpasok sa sala ay rinig na rinig ko agad ang tawanan nila. Sumimangot naman agad ako at hindi sila tinapunan ng tingin na naglakad papunta sa kusina para ilagay ang mga pinamili ko. Pagkatapos ay mabilis na nagmartsa ako papunta sa kwarto ko.
Shutta, baka kung ano pa magawa ko kay Sir pag nakita ko pa ng matagal ang pagmumukha nito.
Nang nasa hagdan na ako papunta sa itaas ay bigla nalang nagsalita si kuya kaya napatingin ako sa kanya.
“Oh Serene. Hindi mo man lang ba babatiin at ipaghahanda ng meryenda ang bisita natin?”
Napataas naman agad ang kaliwang kilay ko dahil sa tinuran nito at sarkastikong ngumiti tsaka tinignan si Sir na prenteng nakaupo sa sofa.
“Baka bwisita ‘ka mo tss,” napapairap pa ako sa ere habang sinasabi 'yon. “total ay feel na feel niya na rin naman na siya may-ari ng bahay, siya na pakilusin mo. Kompleto ang kamay niya, at malaki na siya. Kaya niya na 'yon. Hmf!” hirit ko pa at mabilis na naglakad papunta sa kwarto ko.
*
Sydrick
Takang napatingin ako sa papalayong bulto ni Serene. Nyare ro'n? Dati rati’y kinikilig pa ‘yon pag nakikita ‘tong si Adriel eh. Nabaling naman agad ang tingin ko kay Adriel na nakatingin rin sa hagdag na papuntang second floor, kung saan naroon ang kwarto ng kapatid ko.
I tilted my head and looked at him. Hindi naman magiging gano’n ang trato ni Serene sa kanya kung wala siyang ginawa. Hmm.
“May kasalanan ka sa kapatid ko ano?” tanong ko rito dahilan para mapatingin sa siya akin.
Umarko naman agad ang kilay nito kapagkuwa’y ngumisi.
“Nah. Baka masama lang talaga loob niya dahil sa pagpapadala ko sa kan'ya sa detention, aside from that, wala na akong naalalang ginawang iba sa kan'ya.” prenteng saad pa nito at sumandal sa sofa. I grinned.
YOU ARE READING
Under Her Spell
RomanceTroublesome and Hardheaded.That's how Adriel define Serene Aleriana, his best friend's sister and one of his student. Sa ilang taon nilang pagka-kaibigan ng kapatid nito'y alam na alam na niya ang likaw ng bituka nito. Lalo na ang pagiging vocal at...