Kabanata 16Serene
“Ano pa hinihintay mo? Hindi ka pa ba bababa? May pupuntahan pa ako, para alam mo,” nagpilit pa ng ngiti si kuya Nero.
Sumimangot ako. Ayoko umuwi, for sure kasi kagagalitan lang ako ni mama pag nakita niya ako. Nasa tapat na kami ng gate actually kaso ayoko talaga bumaba.
“Huy! Ano na?”
Napatingin ako kay kuya Nero saka siya nginitian ng pagkatamis-tamis.
“Sama!” sabi ko.
Napahilamos naman ito ng mukha.
“Kanina mo pa sana sinabing ayaw mo pang umuwi para diniretso na lang kita sa studio. Juskong bata ito,” napanguso ako dahil sa sinabi ni kuya.
Hindi na ako nagsalita pa, pinaandar na rin naman ni kuya Nero ang sasakyan saka pinaharurot.
“Saan tayo kuya?” di mapigilang tanong ko sa kaniya.
Tumingin naman ito saglit sa relos niya saka muling binalik sa daan ang tingin bago ako sinagot.
“Studio. Hahatid na muna kita roon,” sagot niya.
Ilang minuto pa at tinigil niya ang sasakyan sa tapat ng isang itim na gate.
Tinignan ako nito saka nagpakawala ng buntong hininga. “Hindi naman siguro pupunta rito si Adriel kaya 'wag ka mag-alala. Oh siya baba na. Pasok ka lang doon sa loob,” sabi niya. “At saka nga pala, pag nagtanong sila kung saan ako pumunta sabihin mo lang may date ako.” dagdag niya saka ako kinindatan.
Natawa ako sa sinabi ni Kuya Nero. “Oo na, bye Kuya. Salamat sa paghatid and enjoy sa date mo. Ingat!” huling sabi ko bago lumabas ng sasakyan.
Kaagad naman nitong pinaharurot paalis kaya napa-iling na lamang ako saka mabilis na pumasok sa gate.
Ilang ulit naman na akong nakapunta rito sa studio nila pero hindi ko pa rin mapigilang mamangha kapag nakikita ko ’to.
Two storey building kasi ito, sa unang palapag, normal na kagamitang nasa bahay lang naman ang makikita mo. May mga kwarto rin dito na tama lamang sa bilang nilang magkakaibigan. May mini bar din. Simple lang pero elegante tignan.
Nasa ikalawang palapag ang studio nila. Pero di tulad ng ibang studio, iba ang sa kanila. Kalahati ng nasa ikalawang palapag ay entertainment room. At 'wag ka, kompleto lahat ng gamit doon. Maliban doon, tinted glass wall ang ikalawang palapag, kaya kitang-kita ang city lights t'wing gabi.
Pagpasok sa loob ng bahay ay dumiretso agad ako sa kusina nila. Syempre, alam ko kasi maraming pagkain sa loob ng ref nila. Di naman kasi nauubos ng stock ang mga 'to, araw-araw naman kasing may tao rito. Ito rin kasi ang official na tambayan nila. Pero so far, ang laging natambay lang naman dito ay si Timothy at Kuya Syd. Miminsan lang naman kasing pumunta rito sina kuya Harkin.
Napangiti ako ng malawak habang nagniningning ang mga matang nakatingin sa loob ng ref.
“Huwaw! Ang daming tsokoleyttttt!!” natutuwang tili ko saka kumuha ng dalawang tobleron. Puno kasi ng iba't ibang klase ng tsokoleyt ang ref nila.
YOU ARE READING
Under Her Spell
RomanceTroublesome and Hardheaded.That's how Adriel define Serene Aleriana, his best friend's sister and one of his student. Sa ilang taon nilang pagka-kaibigan ng kapatid nito'y alam na alam na niya ang likaw ng bituka nito. Lalo na ang pagiging vocal at...