MON'S MENDELL POV;
"Makinig ka Muna Mon" Saad Ng aking Ina habang sinusundan ako papuntang kusina.
"Ma naman! ayoko nga ilang beses ko nabang kailangan sabihin sa Inyo iyon" Saad ko at huminto sa paglakad at humarap sa kanya.
"Anak intindihin mo naman si mama kailangan mong mag aral doon"Saad nito napatingin ako sa itsura ng aking Ina ngayon tumatanda na sya at halata na.
Ang mga kulubot sa noo at mukha nito aaminin ko sa sarili ko buong Sistema ko Ang tumututul na pumasok ako sa skwelahang iyon bukod sa ayokong mapalayo sa mama ko ayoko ding iwan si feliz.
Ang nakababata kong kapatid sa dami kasi ng utang ni papa hindi na namin maipagamot ang sakit sa puso ni feliz dahil wala naman kaming pera para ipagamot Ang kanyang sakit.
"Anak Intindihin mo Naman kami" Saad ni mama na nag pabalik Ng isip ko sa reyalidad napabuntong hininga ako at tumingin sa kanya.
"Wala Naman po akong magagawa" nakangiting saad ko na hindi ko alam kong Ang ngiti bang iyon ay may katotohanan.
Ayoko lang dumagdag sa mga iisipin Ng aking Ina Mahal na Mahal ko si mama kaya lahat gagawin ko para sa kanya at para kay feliz dahil si papa mukhang nakalimutan nya na may pamilya syang iniwan at saamin pa pinaako ang mga utang nya ginigipit na kami ng mga sindikatong pinag kakautangan nya wala na atang taon na hindi kami lumilipat ng bahay dahil sa takot sa mga iyon.
Dahan dahan akong tumayo sa pagkakahiga ko, ngayon ang araw Ng enrollment ko sa Jacinto Madelayn University tinatawag din nila itong JMU Isa itong sikat na university nalaman Kasi ni mama na nag bibigay na Ang JMU Ng scholarship Kaya kahit malayo ay pinilit ako ni mama na doon mag aral.
"This is it Mon kaya moto at kakayanin moto" Nakangiti Kong pag kausap sa sarili sa salamin itinaas kopa Ang dalawang kamay na naka kuyom at umusal Ng fighting bago lumabas Ng banyo simpleng damit lang Ang suot ko Hindi Naman ako pupunta sa JMU para mag model sa hallway nila.
Nakita kung nakatalikod si mama at nakaharap sa lababo yumuyugyug Ang balikat nito at kahit nakatalikod Siya ay alam Kong umiiyak Siya.
"Ma!" tawag ko dito pinunasan nya ng telang nasa balikat nya Ang kanyang mukha bago humarap saakin pero halata namang umiyak sya dahil namumula na Ang kanyang mga mata.
"umiiyak na naman po kayo" Saad ko ngumiti lang Ito saakin.
"kumain kana mach maaga kapang aalis babyahe kapa" sagot lamang nito saakin Hindi Kona tinanong Kong bakit Siya umiiyak alam ko namang si papa at Ang mga utang Ang iniiyakan nya.
Kumain lang ako saglit at umalis nadin ako kasalukuyan akong nag aabang Ng jeep sa may sakayan.
"ISA NALANG DIDIRITSO NA!" Sigaw Ng dispatcher Ng jeep na umaandar papalapit sa gawi ko kaya pinara ko ito at sumakay na.
Pambihira, halos kalahati na lamang Ng pwetan ko Ang nag kasya sa upuan Ng jeep dahil siksikan na.
Maya Maya ay bumaba nadin ako sa sakayan Ng tricycle upang sumakay ulit papunta na sa JMU habang hinahagod ko ng kamay Ang buhok Kong nagulo dahil sa kaskaserong driver Ng jeep.
"Lintik kasi e parang hari Ng daan kong makapag maneho" pagkausap ko sa sarili.
"hija sasakay kaba?" tanong Ng isang tricycle driver sakin Kaya napalingon ako dito.
"ah opo sa JMU po!" Saad ko at sumakay na sa tricycle nito mahaba haba nadin ang daan na natatahak namin malayo nga palang talaga Ang JMU ngayon pa lang miss Kona agad sila mama at feliz umiiyak pa si feliz kanina pag Alis ko dahil ayaw nitong umalis ako pero kakausapin na lamang daw Ito ni mama dahil makaka sama sa kanya Ang labis na pag iyak dahil sa sakit Niya.
BINABASA MO ANG
HER WIFE (Freen×becky) 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿
Fanfic....... Lahat Ng kwento ay may katapusan pero hahayaan mo bang Ang kwento mo ay mag tapos sa isang Di magandang wakas hahayaan mo bang lumisan Ang babaeng minahal ka Ng tapat at totoo hahayaan mo bang mawala Ito dahil lang sa sinasabi Ng ibang tao...