Hindi ako nakagalaw sa harap nila. I did not expect to see her, moreover to see her here. The last time I saw her was still in college. Nang g-um-raduate na kami, ang alam ko ay sa ibang bansa siya nagtrabaho dahil nandoon na halos lahat ng pamilya niya.
Napako ako sa kinatatayuan. They still haven't seen me. I doubt that they even realize that someone's in the room with them. They were too busy kissing and touching each other.
I don't think they even heard me speak. Alam kong mahina ang pagkakabanggit ko ng pangalan ng babae. And they're probably too lost to even give a damn.
"I like you."
I stopped eating when I heard that. Napalingon ako sa likod ko at nakita ang isa sa mga kilala at pinakamagandang babae rito sa university. Kaharap niya ang third year na si Lawrence Tristan Villarde— iyong palaging nasa dean's list ang pangalan at palaging pambato ng eskwelahan.
They were facing each other, or the man was forced to stand to talk to the girl as he was standing awkwardly. Napansin ko agad ang ilang sa itim na mga mata. He didn't know how to respond, especially in front of so many people.
Matangkad si Krystal, paniguradong mas matangkad sa akin. Halos magkasingtangkad lang din sila, kaunti lang ang lamang ng tangkad ni Tristan.
Lumipat ang tingin ko kay Krystal. Maputi, malakas ang dating, at sobrang ganda. Pero higit sa lahat, lumilitaw ang pagkamaldita niya. Hindi na ako magtataka kung bakit malakas ang loob niyang magtapat dahil halos naman lahat ng lalaki ay gusto siya.
Kaya lang, mukhang masyado siyang nakampante sa ganda niya.
I returned my gaze to Tristan and I saw him glanced at me. Walang reaksiyon ko lang siyang tinignan at naghintay sa magiging sagot niya.
He started courting me just a week ago. Kaming dalawa lang ang nakakaalam no'n. He's handsome, that's not to be questioned anymore. Hindi rin naman siya mahirap magustuhan lalo pa't nasa kaniya ang pinakagusto ko sa lalaki— matalino.
"Uh..." he trailed off.
Krystal's forehead creased, as if unsatisfied. "Let's date," she then boldly said.
Narinig ko ang hiyawan sa mga katabing lamesa. I remained quiet while eating.
"Sorry. I'm already with someone," rinig kong sagot ni Tristan.
The cafeteria fell silent. When I looked around, some of the people were already giggling and whispering to each other.
"Are you rejecting me?" Hindi nakatakas ang nainsultong tinig ni Krystal.
"I'm really sorry..."
Pagkatapos ng tagpong iyon, hindi na ulit lumapit si Krystal kay Tristan. Siguro ay nahiya dahil nga napahiya siya. Months after that, when she found out that I was with Tristan, mas lalo ko pa siyang hindi nakita o nakasalubong man lang sa loob ng campus.
She liked the man, I know that for sure. Iyon lang ang unang beses na siya mismo ang lumapit sa lalaki dahil kadalasan ay siya ang pinag-aawayan. She's attractive. Madali rin siyang mapansin palagi dahil nga matangkad siya. She could pass as a model, pero mukhang wala naman iyon sa interes niya.
Seeing her here now, with Tristan, made my heart throb with pain. Mas masakit kaysa sa mga nagdaang pagdadala ni Tristan ng babae rito. Now, it's not just about sex, but sleeping with the woman who has feelings for him.
Alam kong posibleng hindi niya na gusto ang lalaki. Matagal na rin naman simula nang huli silang magkita. But who am I kidding? Nandito nga siya ngayon at kahalikan ang asawa ko, itataboy ko pa rin ba ang ideyang gusto niya pa rin ito?

BINABASA MO ANG
Too Flawed To Fix
RomanceIsla loved the comfort of being alone. She was neither a loner, nor she had no friends. She knew how to socialize when she needed to, but nothing had beat the feeling of her own space. Not until college, when she met the consecutive dean's lister, L...