TW: SENSITIVE CONTENTS AHEAD
I was happy when I met his family for the first time. Maliban sa pagpapakasal mismo sa kaniya, iyon ata ang pinakamasayang nangyari sa akin sa ilang taon naming magkarelasiyon.
Kahit sa kasal na mismo namin iyon, hindi ko naramdaman na parang bago ako sa pamilya nila. I felt accepted immediately. Siguro dahil na rin sa mga interaksiyon namin online.
I couldn't ask for more. Especially for someone who had always been anxious about what relationship I would have with my partner's family. Sino ba naman ang may gustong hindi magustuhan ng pamilya ng asawa nila, hindi ba?
On our wedding, all I could see was their utmost approval. I was beyond contented. Doon nakatuon ang buong focus ko na hindi ko pinansin kung may kakaiba.
Tito Laurence was so welcoming. I saw his happiness for Tristan when he greeted us. Kaya hindi ko lubos maisip na kaya niyang gawin ang ginawa at patuloy na ginagawa niya ngayon.
I can't help but wonder if the touches he gave me on the night of the wedding reception was laced with malice?
I remember his hold on my waist. I got to dance with him, too. Walang malisya lahat ng iyon para sa akin dahil inisip ko siya agad bilang pangalawang ama. At kahit ilang ulit ko mang alalahanin, hindi ko rin maalala sa mukha niya na may malisya iyon.
It was a few more interactions before I finally felt something odd. Noong una, akala ko ay guni-guni ko lang. O baka ganoon lang talaga siya. But as time goes by, I became uncomfortable. Lalo na nang ma-assign siya malapit sa amin at palagi nang bumibisita sa bahay.
His stares started to feel different. Ramdam ko na tumatagal ang pagtitig niya palagi. It was not a merely observing stare, but a kind of sticky one. It was alarming, and creepy at the same time.
Ipinagsawalang-bahala ko iyon dahil hindi ko magawang maniwala na katulad siya ng iniisip ko. Isa pa, ilang beses na siyang nai-kuwento ni Tristan sa akin noon at palaging may paghanga sa tono ng huli kaya nasisiguro kong mabuti siyang tao. Malaki ang tiwala kong mabuti siya.
I was clinging onto that. But I started to question that, too. I started to question Tristan's knowledge about his father. Silently. Hanggang sa dumating na nga sa puntong nakumpirma lahat ng hinala ko.
I was alone that time. Nasa trabaho si Tristan at dumaan ang papa niya para bumisita. Sanay naman na ako na wala si Tristan minsan kapag pumupunta siya at panatag akong wala siyang gagawin dahil wala rin naman noong mga nakaraan. Baka kako nag-iisip lang ako ng masama dahil kung may balak siya, sana noon pa man ay ginawa niya na.
"Kukuha lang po ako ng juice sa kusina," ani ko matapos siyang igiya para maupo sa sofa.
Ngumiti siya at tumango sa akin. Pumanhik na nga ako sa kusina para ipag-templa siya ng maiinom at habang ginagawa iyon, hindi ko namalayan ang pagsunod niya.
Napatalon ko nang may humawak sa baywang ko mula sa likuran. I remember how my heart rate escalated and how fast the sweat formed on my forehead.
"Tito..."
"Sabi ko naman sa 'yo na Papa na ang itawag sa akin." Mabait ang tono niya pero hindi ko magawang mapanatag.
"P-Pasensya na po... Hindi pa kasi ako nasasanay," kinakabahang tugon ko.
Tumango siya at nilibot ang tingin sa buong kusina. Ako naman ay hindi na makagalaw dahil sa kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan.
"Magaling pumili ang anak ko," mayamaya ay nagsalita ulit siya. "Napakaganda ng napangasawa niya," dagdag niya na nagdala ng kilabot sa akin.
Sa oras na iyon, hindi ko maipagkakailang may ibang ibig sabihin na sa tono niya.

BINABASA MO ANG
Too Flawed To Fix
DragosteIsla loved the comfort of being alone. She was neither a loner, nor she had no friends. She knew how to socialize when she needed to, but nothing had beat the feeling of her own space. Not until college, when she met the consecutive dean's lister, L...