"Keep your eyes closed." His voice was combined with an excitement he miserably tried to hide.
I giggled as I try to touch things around me but was only confronted with nothing. I am only certain of one thing, and that is that we are in an open space due to the wind.
"Ano na naman 'to, Tristan?" natatawang tanong ko nang marinig ang ilang kaluskos ng plastic na nasisiguro ko nang galing sa pagkain.
"Just close your eyes. No peeking," he instructed almost strictly.
Natawa ako at pinirme ang mga kamay sa gilid. Kung ano man ang pinaplano ng lalaking 'to, nasisiguro kong kung hindi ako matatawa ay maiiyak ako.
I got used to his almost random surprises. Most were not extravagant and just whatever he could think of, but they surely are enjoyable and priceless. The efforts he exerts and the love he incorporates to every surprise is what make it always unforgettable.
"You remember our dream of viewing the city lights while bathing in a swimming pool?" he eagerly asked.
Humagalpak ako ng tawa sa kung ano na naman ang naisip niya.
"Yeah? Are we gonna experience it now?" interesado kong tanong.
"Yeah." He giggled like a child, resorting for me to laugh.
"Can I open my eyes now, then?" Tanong ko.
'No! Teka, hindi pa tapos," tutol niya na mas lalo kong tinawanan.
Umangat lang nang bahagya ang isang kilay ko nang makarinig ng pagtampisaw sa tubig.
He's serious?
"Okay, open your eyes," sabik na aniya.
Iminulat ko nga ang mga mata at talagang napahagalpak sa tawa sa naabutan.
He was inside an inflatable pool full of water. Wala na ang pang-itaas na damit niya at nakalublob na rin siya roon. Presko pang nakapatong ang parehong siko niya sa magkabilang gilid ng kulay asul na inflatable pool na aakalain mong isa siyang may-ari ng mamahaling inland resort.
Sa gilid niya ay isang maliit na plastic na lamesa na may mga chichirya, isang bote ng wine, dalawang wine glass, at ilaw. Nandoon din ang iPad niya na may naka-pause pang movie.
"Tristan!" natatawa kong tawag sa pangalan niya.
He laughed at my expression. "What?"
"You're so childish!" natatawang sukmat ko.
Tinaasan niya ako ng kilay, tila na-offend, pero halata namang hindi sineryoso ang sinabi ko.
"You mean, romantic? Look, we have a view of the city lights," tugon niya na iminuwestra pa ang kaliwang bahagi.
Umawang ang labi ko nang balingan ang tinutukoy niya at natantong nasa isang mataas na lugar pala kami. Mula rito ay kita nga ang liwanag ng siyudad sa baba na nagmistulang mga alitaptap na nagkukumpulan.
My mouth dropped more. Hindi makapaniwala akong tumitig sa kaniya saka malakas muling tumawa.
"How did you even bring these up here?" Gulat na tanong ko patungkol sa mga dala niya, lalo na sa tubig na inilagay niya sa inflatable pool.
He just shrugged and smirk at me. "If he wanted to, he would."
Natatawa akong umiling at lumapit sa maliit na lamesa para ipatong sa ilalim niyon ang bag ko.
"Come on, join me," he urged, splashing me some water.
Ngumisi ako at mabilis na hinawakan ang laylayan ng damit para sana hubarin iyon pero mabilis niyang nahawakan ang braso ko para pigilan.
BINABASA MO ANG
Too Flawed To Fix
Roman d'amourIsla loved the comfort of being alone. She was neither a loner, nor she had no friends. She knew how to socialize when she needed to, but nothing had beat the feeling of her own space. Not until college, when she met the consecutive dean's lister, L...