Entry #18: Snob Authors!

70 7 3
                                    

Entry #18: Snob Authors!

BAGO pa magsulat ang mga tao rito sa Wattpad, naging mambabasa muna sila. Dahil sa impluwensya ng mga nobelang nabasa nila, nahikayat silang magsulat at umasang balang araw, gumaling din sila sa pagsusulat gaya ng mga manunulat na tinitingala nila.

Ang sabi nila, "Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan." Kaya naman, kahit na nagsusulat na ako ngayon, nagbabasa pa rin ako.

Mahilig akong tumambay sa random at non-fiction genre. Kapag kinuha ng title na iyon ang atensyon ko, iyon ang babasahin ko.

Binasa ko ang post ng isang writer. In fairness, sumang-ayon ako sa halos lahat ng sinabi niya pwera na lang sa isa. Hindi na raw niya ipinagpapatuloy ang pagbasa ng isang kwento kung snob ang writer ng kwentong iyon.

Paano ba nila nasasabi na snob ang isang author?

Simple lang. Kapag hindi naka-reply sa kanila si author.

Alam kung hindi lang siya nag-iisa. Marami pang mga readers na ganoon ang mentalidad kaya ang target ko rito ay hindi lang ang taong iyon kundi ang mga ibang readers na ganoon mag-isip.

Sa lahat ng mga readers diyan na nawawalan ng gana na ipagpatuloy na basahin ang isang kwento dahil sa pagiging snob kuno ni author, ito lang ang masasabi ko.

Alam ni'yo ba  iyong author na sinasabihan ninyo ng snob? Busy lang siya sa school. May ginagawa pa siyang report para bukas. Nagpupuyat pa siya para lang makapag-aral dahil may test pa sila bukas. Ayaw niyang mangulelat sa eskwelahan.  Nag-co-conduct pa siya ng study niya para sa thesis. Alam ni'yo ba iyong thesis? Karamihan siguro sa mga elementarya at high school readers, hindi alam ang salitang iyon. Ang thesis ay requirement ng mga fourth year college students upang maka-graduate. May mga pangarap siyang iahon sa kahirapan ang pamilya niya. Kaya dahil sa pagiging busy niya, minsan lang siya makapag-internet pero hindi siya snob.

Iyong author na sinasabihan ninyong snob? Wala siyang sariling desktop computer, laptop, netbook, o internet connection.

Manghihiram lang siya sa mababait niyang kaklase na handang ipagkatiwala sa kanya ang gamit nila. Kahit mahina siyang mag-encode, bibilisan niya. Pipilitin niya ang sarili na bilisan dahil baka kunin na ng kaklase niya ang laptop.

Pagkatapos, maghahanap pa siya kung saan ang unsecured wifi connection.

Huwag kang maawa sa kanya dahil sa kahirapan niya. Bagkus, tingnan ninyo ang passion niya sa pagsusulat. Iyong ginagawa niya pa rin ang pagsusulat kahit salat siya sa teknolohiya? Iyon ang tingnan ninyo. At hindi siya snob.

Iyong author na sinasabihan ninyong snob? Wala iyang pera. Katulad ninyo, nanghihingi rin siya ng pera sa mga magulang niya. Minsan, binibigyan siya. Minsan, hindi.

Swerte na kung may makita siyang dalawang piso sa sulok, pang-internet. Naku. Fourteen minutes din iyon.

Dali-dali siyang pupunta sa computer shop dala ang flash drive niya kung saan niya isinave ang mga softcopies ng update niya. Syempre, uunahin na muna niya ang pag-u-update ng stories. Kaso, matatagalan siya. Loading. Ang fourteen minutes ay naubos sa pag-update.

Gusto sana niyang basahin ang mga notifications niya, baka may naligaw na comment. Kaso, hindi niya nagawa. Time na. Sa susunod na lang ulit. Baka hindi na loading. Pero hindi siya snob.

Iyang mga readers na nagsasabing snob ang author, ang unfair ninyo. Nagpost siya ng mga stories ng hindi man lang nanghihingi ng kapalit. Sapat na sa kanila na kahit isa lang, may magbasa at sumubaybay sa mga nobela niya. Isang napakalaking bagay na iyon.

Huwag kayong manghusga agad.

Paborito ng mga writer na makipag-interact sa mga readers nila. At kung hindi magreply sa inyo ang author, think of many possible reasons. Marami ha? Hindi lang isa.  Hindi lang iyong pagiging snob lang ang dahilan.

Anong malay ninyo, hindi lang talaga nabasa ang mga comments ninyo.

Maligayang pagsusulat!

How I Learned to WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon