Entry #27: Mystery/Thriller Genre

97 6 0
                                    

Dedicated kay Ey na mahilig sa mystery *winks*. 


Entry #27: Mystery/Thriller Genre

Sa tuwing pumupunta ako sa siyudad, pinipilit kong bumili ng kahit na isang novel para may remembrance ako sa araw na iyon. Lalagyan ko iyon ng apelyido, petsa, at araw. Madalas kong pinipili ang paranormal romance at kapag may romance na natipuhan, binibili ko rin. Ang dalawang genre na iyon ang paborito kong basahin.

Sa kabila noon, bumibili pa rin ako ng mga novel sa ibang genre gaya na lang ng mystery/thriller, horror, etc. Isa na nga doon ay ang anthology kung saan isa sa mga manunulat ay si Nora Roberts na nagsusulat bilang J.D. Robb.

Umaga noon.

Hiniram ng kaklase ko iyong novel na paranormal romance kaya binasa ko ang novel ni Robb na isang mystery/thriller.

Hindi pa man ako nakakalahati, ibinaba ko na ang aklat. Hindi iyon sa pangit ang story kundi feeling ko, hindi ko na naiintindihan ang binabasa ko.

Parang sinasabi ng utak ko na, "Ibaba mo na iyan. Ang hirap magbasa ng mystery." Ako kasi iyong tipong tao na hindi word for word kung magbasa kundi naglalaktaw. Thoughts iyong binabasa ko, hindi words. Mas importante sa akin na ma-visualize ang flow ng story. Kung word for word ako magbasa, nakakalimutan ko rin naman ang mga salitang binabasa ko.

Sa mystery kasi, mas magandang word for word kung magbasa dahil baka nandoon na ang mga clues kung sino ang killer. Ito siguro ang dahilan kung bakit nababagot akong magbasa ng mystery novel.

Magkagayunman, malaki ang paghanga ko sa mga writers ng mystery/thriller. Bawat scene, dapat pag-isipan. Ibinubuhos ng writer ang lahat ng talino niya doon, ang lahat ng nalalaman niya tungkol sa mga patay, at tungkol sa paglutas ng mga kaso.

Pakiramdaman ko rin, ang talino ng mga writers ng ganoong genre (kasali ka na roon, Ey). Hindi madali kung paano magbigay ng mga hints. Kung paano ipakikilala ng writer ang killer nang hindi napapansin ng mga readers. Magugulat na lamang sila na iyon pala ang killer.

Pangarap kong makapagsulat ng lahat ng genre mula romance hanggang science fiction. Sa katunayan, nakatapos ako ng isang mystery, maikling kwento nga lamang pero grabe. Natuyo ang utak ko. Hindi ko alam kung nabigyan ko ng hustisya ang genre o wala. Anyways, iyon pa naman ang unang pagkakataon na nagsulat ako ng ganoon.

Hindi ko alam kung kailan ko ulit babasahin ang aklat na iyon. Sa susunod na siguro...kapag feel ko na ulit ang genre.

Ȱ}

How I Learned to WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon