Entry #21: Nakaka-turn off na Attitudes ng ibang Writers

80 4 0
                                    

Entry #21: Nakaka-turn off na Attitudes ng ibang Writers

NAKAKATURN off ang attitude ng ibang writers na sa simula pa lang nang pagbabasa natin sa story niya, ito na agad ang bubulaga sa atin: "Warning! Daig ko pa si Juan Tamad sa katamaran kaya napakaraming errors at maling baybay ng mga salita ang mababasa ninyo. Ngayon, kapag magrereklamo pa rin kayo, lumayas kayo! Hindi ko kailangan ng reads ninyo."

Napaatras ako roon.

Wow lang.

Okay.

Karapatan niyang isulat iyon para magbigay kuno ng babala sa ating mga readers, pero nakakataas pa rin ng kilay. Ang sarap lang sagutin.

Tamad ka pala? Bakit ka pa nagsasayang ng oras? Pinapagod mo lang ang sarili mo. At maraming wrong grammars at wrong spelling? Ate o Kuya, saan ka pumunta nang magturo ang guro mo tungkol sa panghalip, pandiwa, pangngalan, at iba pa?

Ay, sorry.

Nakalimutan ko.

Tinamad kang pumasok.

Huwag mong gawing rason ang katamaran sa mga typos na iyan.

Isipin natin na training ground na natin ang Wattpad upang maging magaling na manunulat.

Kahit amateur writers pa tayo, umakto tayong parang mga professional writers. Wala namang masama roon. Pangako, hindi mawawalan ng saysay ang gagawin natin.

Kaya next time, kung gagawa man tayo ng mga story lalong-lalo na kung iyon ang una nating nobela, huwag nating gawing rason ang katamaran para sa mga typos na iyan.

Madali lang naman ang pag-e-edit.

Maligayang pagsusulat!


How I Learned to WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon