Entry #30: Author's Story and Heroine's Story

72 5 0
                                    


Fiction that isn't an author's personal adventure into the frightening or unknown isnt't worth writing for anything but money.

- Jonathan Franzen

Iba't-iba sa atin ay may kanya-kanyang rason kung bakit tayo nagsusulat. Ang iba'y upang mailabas ang stress, makilala ng mga tao, ang iba naman ay upang kumita ng pera. Kung ang huli ang dahilan kung bakit ka nagsusulat, sa iyo iyon. Hindi kita pagsasabihan. Doon ka masaya, e. May magagawa ba ako?

Pero sana, kapag nagsusulat ka, hindi lang ang makilala at maging tanyag ang nariyan sa isip at puso mo kundi ang ipakita sa buong mundo na ganyan kang klaseng tao. Na iyan ang naranasan mo. Na ganyang mga klaseng lalaki ang gusto mong makatuluyan. Pero ang lahat ng iyon ay hindi alam ng mmga readers mo. Ikaw lang ang nakakaalam.

Ilagay mo sa sarili mong kwento ang mga karanasan mo, mga paniniwala, mga strengths, weaknesses, fears, at iba pa upang kahit kaunti, gumaan man lang ang nararamdaman mo.

Pinagtatawanan ka ba kamo dahil sa butas-butas na ang sapatos mo sa tuwing punapasok ka sa eskwela? E, di gawan mo iyon ng kwento. Ibahagi mo sa amin ang sakit, ang mga naiisip mo nang mga sandaling iyon gamit ang ibang pangalan. Gamit ang pangalan ng heroine mo. Pinagtawanan ka nga ng mga kaklase mo tapos? Hindi mo ba nasabi sa sarili mo na mag-aaral kang maigi upang makapagtapos ka at kapag nagkatrabaho ka na, mabibili mo na kahit ilang sapatos pa iyan. O, nakagawa ka na ng inspirational story.

Kaming mga readers? Hindi naman namin alam na kwento mo na pala ang isinusulat mo. Na ibinabahagi mo na pala sa amin ang ilan sa pagkatao mo.

Ang maganda sa pagsusulat ay hindi lang ito pagkukwento ng buhay ng bida kundi maging buhay ng writer. Na nakaka-relate kami. Hindi lang puro kilig ang buhay ng tao. Nandoon din ang mga kasawian, takot, kalungkutan, at iba pang mga emosyon na nararamdaman natin.

Sa susunod, huwag lang puro imagination. Huwag lang puro perfect characters. Tell a story by I inputting your personal adventures with the combination of the heroines story.

Maligayang pagsusulat!

June 29, 2015

Lunes

Z(6

How I Learned to WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon