Entry #33: Ranks

67 4 2
                                    


Halos lahat ng mga manunulat sa Wattpad ay gustong mapunta sa What's Hot. O kung kalabisan na iyon, maka-rank 999 man lang. Kahit na upang ilang rank pa iyon, masaya na sila.

Nasa Lesson 24 na ako ng journal ni ubiquitous_ na may pamagat na Paano Ang Hindi Magbasa nang makailang ulit siyang magpasalamat sa ranking ng story niya. Kahit na mga 700 plus pa rin iyon, nagpapasalamat siya sa mga readers niya.

At ako, doon ko lang na-realize na hindi ako nakapagpasalamat sa mga readers ko dahil sa ranking na natamo ng story ko. Hindi sa pagmamayabang pero ang pinakamalaking ng mga stories ko ay ganito: rank 23 ang The Night is Calling, rank 53 naman ang Incognita, rank 50 sa Better Surrender at rank 49 ang Halina't Bumasa at Sumulat.

Oo. Nagpapasalamat ako sa na binasa ng mga readers pero hindi sa rason tungkol sa ranks.

Kaya mga writers diyan, kahit pang-ilan ang ranks ng story ninyo, magpasalamat pa rin kayo sa mga readers ninyo. Hindi iyan makakapunta sa rank na iyan kung hindi dahil sa pagbabasa nila. Pagkatapos mong mabasa ito, magpasalamat ka sa mga readers mo...sa pagbabasa nila. Sa paglalaan nila ng oras. Come on! Hindi iyan pagsasayang ng oras.

Hayaan ni'yo rin akong makapagpasalamat ng pormal sa mga readers ko, silent readers man o hindi, sa pagbabasa ng mga kwento ko! Thanks for making this writing tips and a little rants reached rank 49!

Uhm...Can I say, keep it up, guys!

Maligayang pagsusulat at pagbabasa!

July 1, 2015

Wednesday, 12:08 pm

|3����x

How I Learned to WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon