Entry #25: Boring Chapters

76 7 0
                                    

Entry #25: Boring Chapters


May mga pagkakataon sa pagbabasa natin na kahit Chapter 1 pa lang, imbes na ma-excite, inaantok tayo. Halos lahat na lang nagsisimula ang eksena sa pagising ng heroine sa umaga. Papasok siya sa banyo, maliligo. Bababa. Kakain. Sasakay ng jeep. Papasok. Can I say boring?

Bakit nga ba nagkakaroon ng boring chapters? Kasi walang conflict at tension. Wala iyong thrill na nararamdaman natin at walang pagdadalawang-isip sa ating mga readers kung malulutas ng bida ang problemang iyon, kung magtatagumpay ba siya o matatalo.

Payo nga ng isang kilalang writer, "Every scene should have a conflict." Halimbawa, sa hapag-kainan, maaring nagtatalo ang bida at ang kapatid niya dahil ayaw magboyfriend ang kapatid niya. Maari ring nagbabatuhan ng maaanghang na mga salita ang magkapatid dahil sa isang bagay.

Mayroon tayong tatlong uri ng conflict: man versus nature (tao laban sa kalikasan), man versus man (tao laban sa tao), at man versus self (tao laban sa sarili).

Try to use those types para mas kaaya-aya ang nobelang ginagawa mo.

Maligayang pagsusulat!


How I Learned to WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon