Entry #20: Non-Fiction and Random

75 5 0
                                    

Entry #20: Non-Fiction and Random

LATELY, madalas na akong napapatambay sa mga journals, writing tips, at diaries particularly sa non-fiction at random genre.

Nagsawa na ako sa ilan sa mga stories na nasa What's Hot o kahit na hindi pa sa What's Hot. Piling-pili lang iyong mga akdang may quality at maayos ang pagkakagawa. Hindi ko sinasabi na walang mapili sa What's Hot.

Minsan, tataas na lang bigla ang kilay ko sa kalagitnaan ng pagbabasa. May mga kwento kasi na childish ang pagkaka-narrate kahit hindi iyon isa sa personality ng heroine.

Issue rin ang introduction...nakaka-turn off minsan. Ang iba naman, maraming typographical errors. Kaya imbes na magfocus ako sa story, nawawala iyon dahil sa isip ko, abala na ako sa pagtatama ng mga mali.

Kung i-ko-comment ko siguro ang napuna ko, marahil masabihan ako ng author na ako na lang ang tumapos sa kwento niya.

Anyways, isa sa rason kung bakit gusto kong basahin ang ibang journals at diaries ng author ay dahil doon ko lang nakikita ang realidad. Doon ko lang nararamdaman ang tamang hugot ng emosyon na hindi masyadong maramdaman sa ibang stories na binabasa ko. Doon ko lang nasasabi ang salitang, "Tama nga naman." Doon ko lang naramdaman na hindi lang pala ako ang nasasaktan, ang may problema sa mundong ito kundi pati rin sila.

Sa kabilang banda, karamihan sa mga stories dito ay naka-focus sa romance.

May mga pagkakataon na nakakalimutan na ng mga authors na ilagay ang mga masasakit na napagdaan ng isang ordinaryong tao. Nakalimutan nilang ilagay na hindi lang dapat umiikot ang kwento sa heroine at hero dahil bawat isa sa kanila ay may problemang dinadala. Iyon sana dapat ang pagtuunan nila ng pansin. Side plot lang dapat ang romance. At ang pag-ibig ay dumarating sa kalagitnaan ng paglutas ng problemang iyon.

Kaya, malaki ang paniniwala ko na dapat, lahat ng tao, hindi lamang ang mga writers, gumawa ng sariling journal. Magsulat lang nang magsulat. Maaring isulat mo ang nangyari sa iyo sa araw na ito at ilagay mo roon ang mga pinaniniwalaan mo. Iyan ang reflective journal writing na ginagawa ko (Thoughts from the Wilderness at Paglalakbay ng isang Single). Maari mo ring isulat ang goal mo sa buhay at ilagay kung hanggang saan ka na sa pagtupad sa goal na iyon araw-araw. Iyon ay tinatawag na self-improvement journal writing.

Naalala mo iyong pagkuha mo sa notebook upang isulat ang napanaginipan mo? At mula sa panaginip na iyon, nakabuo ka ng storya at mga tauhan? Iyon ang tinatawag na dream journal writing.

Alam ni'yo ba na may magandang epekto ang pagsulat ng diaries at journals? Kapag nagsusulat tayo ng mga journals at diary, mas nagiging observant tayo sa paligid. Mas nakikilala rin natin ang mga sarili natin dahil sa isang pangyayari. Nakakapagmuni-muni rin tayo sa mga nagawa natin sa buong araw. Ang tatlong iyon ang kailangan ng mga writers.

Ilang taon mula ngayon, balikan mo ang sinulat mo sa journal o diary mo at matatawa ka na lang. Makikita mo kung gaano ka ka-immature, kung gaano ka-drama, at kung ano-ano pa.

Kaya ikaw, na nagbabasa nito, gumawa ka rin ng sarili mong journal o diary. Pagkatapos, ilagay mo ang link sa ibaba at babasahin ko.

Maligayang pagbabasa!

How I Learned to WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon