Entry #26: Story Ideas

129 6 7
                                    

Entry #26: Story Ideas

May binabasa ka. Sa sobrang ganda ng story (nandoon na ang nakakamanghang writing style ng writer at effectiveness ng storytelling niya), na-inspire ka na rin na magsulat. Sabi mo sa sarili mo, "Balang araw, makakasulat din ako ng ganito kaganda. Marami ang magbabasa ng stories ko. Mapa-publish ito sa isang kilalang publishing company."

Nangangati ang mga kamay mo na magsimula na. Walang dapat sayangin na oras. Kinuha mo ang laptop o papel at ballpen. Nagkatitigan kayo ng screen ng laptop o papel...nang nagkatitigan.

Napabuntonghininga ka, makalipas ang ilang minuto. Oo. Nandoon nga ang eagerness na magsulat, ang problema, wala kang maisulat.

Huwag kang mag-alala. Hindi ka nag-iisa. Marami ang gustong magsulat ngunit wala namang maisulat.

Anong gagawin mo kapag nangyari iyon? Narito ang ilan sa mga payo.

1. Observe.

Tama. Obserbahan mo ang paligid. Mag-pokus ka sa isang partikular na eksena mula sa kinatatayuan mo. Obserbahan mo kung paano gumalaw ang mga tao. Kung ano ang ginagawa nila. Kung ano ang nararamdaman nila.

Buksan mo ang iyong pandinig, paningin, pang-amoy, panlasa, pandamdam habang inoobserbahan ang mga taong iyon.

Halimbawa, kung nandoon ka sa gilid ng kalsada.

Ano bang nakikita mo sa gilid ng kalsada? May nagmamadaling mga tao. May pulubi sa tabi, hinihintay ang mga taong maawa sa kanya. May batang umiiyak dahil nawala ang mama niya.

Open your mind.

Tanungin ang sarili kung ano ang posibleng kwento ng bawat isa. Then, pumili ka ng isang tao na gagawin mong bida.

Certifed na effective ang pagmamasid ng mga tao sa paligid. Ganyan kasi ang ginagawa ng ilan sa mga kilalang writers dito sa Wattpad. Malaking tulong din ang pagmamasid sa akin dahil mula roon, nakakagawa ako ng mga plots sa kwento ko.

2. Makinig sa mga kwento ng ibang tao.

Aminin man natin o hindi, nakikinig tayo sa usapan ng mga tao kahit na hindi natin sila kilala lalong-lalo na kung ang lakas ng mga boses ng mga taong iyon. Minsan kasi, mula sa pakikinig natin, bigla na lang papasok ang mga ideya sa utak natin.

3. Writing Prompts.

What are writing prompts? Ito iyong mga post na hinahamon ang mga writers na gawin ang challenge na isinulat sa mabilis na paraan. Kadalasan, isang paragraph lang ang pinapasulat pero kung gagawin mo iyon araw-araw, ma-d-develop na ang writing habits mo.

May mga pagkakataon rin na ang isa sa mga hamon ng writing prompts ay gamitin ang boses ng antagonist (kontrabida) upang magbigay ng rason kung bakit kailangan mong tatapusin ang on going story mo.

Maraming naglipanang writing promts sa English. I-search mo lang ang creative writing sa Wattpad at bibigyan ka na ng maraming results.

Maaari mong basahin ang mga writing prompts na ito:

1. Creative Writing Tips, Lessons, Ides, and More by Sarah-Laney

2. Daily Writing Prompts by SabrinaAnnSweet

3. Fun Writing Prompts for Wattpaders by Chesmok

4. 147 Writing Prompts by Elizabeth_Aira

5. Splashes of Ink: Writing Prompts by Tentacle_Pen

4. Paano Kung...

Oo na.

Nai-post ko na ang article tungkol dito pero story ideas ang pinag-uusapan natin. Gaya nga ng sinabi ko sa nakaraang mga post, think of a scenario and asked yourself, "What if?"

Halimbawa:

Papunta kayo ng kaklase mo sa isang beach. Upang malibang, nagkasundo kayo na kumaway sa mga gwapong lalaki na madaanan ninyo. Ayos naman sa tatlong lalaking nadaanan ninyo. Pero heto. Paano kung sa pang-apat na lalaking kawayan ninyo, makita ninyo kung paano siya pugutan ng ulo ng isang lalaki?

Mula sa halimbawang iyon, gugulong ang isang kwento. Sundan mo iyon ng marami pang tanong hanggang sa maging pulido ang plot mo.

Gumawa ako ng sarili kong story ideas. Maaari ninyo itong gamitin sa pagsulat ng isang kwento, maikling kwento man o nobela.

1. Nasa bus ka. Nararamdaman mong may mga matang nakatingin sa iyo. Ngunit nang lumingon ka, wala naman. Nagpatuloy ka sa pagpikit ng mga mata ngunit nararamdaman mo pa rin na tila may kung sinong galit sa iyo. Hindi ka nakatiis. Imunulat mo ang mga mata upang magulat nang makita nag mga pulang mata na nanlilisik na nakatingin sa iyo.

2. Gabi na.

Ikaw na lang ang mag-isang pasahero ng jeep. Nasa unahan ang konduktor, sa tabi ng driver. Kinakabahan ka na sa palaging pagsulyap ng dalawa sa iyo. Hindi pa nakakatulong ang multong nagapapayong tumalon ka dahil alam niyang may masamang balak sa iyo ang dalawa.

3. Nakita mong may cell phone na naiwan sa classroom ninyo nang minsang bumalik ka upang patayin ang ceiling fan. Kinuha mo iyon ngunit hindi napigilan ang sariling utingkayin ang mga messages. Nalaman mong sa kaklase mo pala iyon at nabasang nagbibigay ng sweet messages ang may-asawa na ninyong guro.

4. Katatapos lang ng malakas na buhos ng ulan. Sa kabila noon, pumasok ka pa rin. Eksaktong pag-apak mo sa tulay-tulayan, nagkatinginan kayo ng crush mo na akmang dadaan din.

Nagpa-cute ka.

Hindi mo tinitingnan ang nilalakaran mo kaya nadulas ka, una ang mukha sa tubig-baha.

Basang-basa na ang mukha mo nang makatayo, with poise upang hindi ipakita ang pagka-clumsy mo.

Nakita mo ang pamumula ng mukha ni crush, pinipigilan ang sarili na huwag tumawa.

5. Gumawa ng isang story kung saan makikita ang underware, deodorant, at kaldero.

6. May mga patak ng dugo sa kwarto mo tuwing sumasapit ang alas dos ng madaling araw.

7. Tinulungan mo ang isang batang nawawala na mahanap ang mga magulang niya.

Pag-uwi mo, napansin mong nakasunod pala sa iyo ang bata hanggang sa hapag-kainan ninyo. Tinanong mo ang mama mo kung anong gagawin sa kanya ngunit ang tanging sabi ng mama mo, "Wala namang bata."

8. Pumunta ka sa JS Promenade.

Ilang oras ang dumaan nang pumunta ka sa banyo. Doon mo nakita ang wala nang buhay na kaklase mo. Sa salamin, nakita mo ang mga salitang isinulat gamit ang dugo: "Papatayin ko kayong lahat."

9. Gumawa ng story kung saan makikita ang toothpick, kotse, at dugo.

10. Trying hard writer ka. Gustong-gusto mong magsulat kaso, ang pangit ng mga gawa mo. Hanggang sa mapadaan ka sa tindahan na ng tanging tinitinda ay ball pen. Bumili ka ng isa.

Kinagabihan, sinubukan mo na namang magsulat at hindi mo inaasahan ang kayang gawin ng ballpen na binili mo.

11. Baging lipat ka. Pasukan na kasi at gusto mong malapit ka lang sa unibersidad na pinapasukan mo.

Ang problema, ilang gabi mo nang naririnig ang pagpapatugtog ng Macarina sa kabilang kwarto nang paulit-ulit hanggang sumapit ang alas tres ng madaling araw.

Hindi ka nakatiis at inirekmo mo iyon sa land lady ninyo. Hindi mo nakayanan ang sinabi nito.

Maligayang pagsusulat!

How I Learned to WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon