Entry #12: Satisfying Ending

66 7 0
                                    

Entry #12: Satisfying Ending

Pinanood kong muli ang last episode ng Inu Yasha, ang pinakapaborito kong anime sa lahat at wala na akong masabi pa. Kahit makailang ulit ko na iyong panoorin, hindi pa rin ako nagsasawa. In short, I was fully satisfied on how it ended. Nagkatuluyan sina Kagome at Inu Yasha. Hindi na nagpapatayan sina Sesshumaru (not sure on the spelling) at Inu Yasha.

Para sa akin, dapat ganoon din ang ibibigay ng mga ending ng mga writers. Iyong mapapabuntong-hininga ka na lang pagkatapos mong basahin ang isang nobela. Ayos na kasi lahat. The character changed for the better, binigyan ng linaw kung ano ang nangyari sa kontrabida pagkatapos. Na-overcome na rin ng bida ang pinakakinatatakutan niya. Nagkatuluyan din sina hero at heroine (ayos lang kung gusto mong hindi sila magkatuluyan, bigyan mo lang kami ng rason kung bakit, sabihin mo doon sa mismong kwento). What’s the goal of the writers here is to give an emotionally satisfying ending to the readers that they will not forget your story and we will put it safely in our own bookshelves.  Iyong kahit dumaan ang sampung taon, hinding-hindi namin makakalimutan ang kwento mo.

Kung ang unang pahina ang magdidikta kung ipagpapatuloy ba namin ang pagbabasa ng kwento mo, ang panghuling pahina naman ang magdidikta kung babasahin ba namin ang susunod mong mga kwento.

I’m not saying that endings should be all happy. Maaari rin naman itong maging tragic. Pwede ring open-ended, na kalimitan kong ginagawa sa aking mga one-shot romance stories (hehehe). It depends upon you on how you will end your story but make sure that it will be justified. 

How I Learned to WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon