Chapter 8 - Ang lumalanding konsensya

1 2 0
                                    

Chapter 8

MATT'S POV

Nagulat na lamang ako ng bigla niyang hugutin mula sa ulo ko ang suot- suot kong bonet at tumambad ang mukha niya sa akin. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat at ganon din ako. Naloko na hindi ito ang gusto kong mangyari, peste kasing ipis yan bigla-bigla na lamang sumulpot kung saan. -_-||

Ramdam kong may malamig na likido ang pumapatak sa mukha ko galing sa basa niyang maikling buhok. Galing siguro ito sa banyo at kakatapos lang maligo. Pansin ko kasing nakatapis lang ito. Bigla siyang napatayo sa pagkakaluhod niya sa akin. Sa pagkataranta ay nakita ko na lamang na dumaosdos yung tuwalya sa katawan niya at bumagsak iyon sa sahig. Nanlaki na lamang ang mga mata ko at napalunok ng laway sa nakita.

"KYAAAAAA!!!"


*!!!BOOOOGSSSSHHH!!!*

Sabay naramdaman ko na lang na tumama yung kamao niya ulit sa mukha ko at tuluyan na akong di na nakabangon sa pagkakahiga ko sa sahig.


[ CHUCK'S POV]

Nakakainis talaga itong lalaking ito kahit na kailan sukat ba naman na titigan lang ako ng walang saplot? Nakakahiya nakita niya yung 'ano' ko! Kaya naman sa inis ko ay nasuntok ko ulit siya at nawalan na ng malay.

Ano ba ang pumasok sa kukuti ng lalaking ito para magpanggap nalang na kidnapper, holdapper o kung anuman. May saltik na ata sa utak ito sa totoo lang.

"Hoy gising!" Sabi ko sa kanya habang tinatapik ko yung pisngi niya. Dinala ko siya rito sa may salas at pinahiga sa sofa. Grabe parang nagbuhat ako ng isang sakong bigas sa bigat niya.

Buti na lang nagising na siya kung hindi masasapak ko uli ito. Buti at nakabihis narin ako mahirap na baka anu pang mangyari.-_-||

"Nasaan ako?" Sabi niya habang naniningkit pa ang mga mata na idilat.

"Hoy! Wag ka ngang umarteng may amnesia! Anong 'nasaan ako' pinagsasabi mo? Gasgas na iyang linya na iyan Ulol!"


"Ow." Ngumisi siya ng mapang asar. Bigla naman akong kinilabutan na tipong may naalala.

"Ano nginingiti mo dyan?"

"Wala lang...ang lakas mo palang manapak Ms. Mangubat." Halos hindi mawala-wala yung malapad niyang ngiti.

"Ewan ko sa iyo!" Then i rolled my eyes heavenwards. Buti na lang nakapagpalit na ako ng damit bago ko siya ginising. Mahirap na baka maulit pa ulit. Antanga ko rin kasi di muna ako nakapagbihis kaagad bago ko tingnan kung sinong balasubas ang kumakatok ng basta-basta. Malay ko bang siya iyon.

Ini-explain niya kung bakit nandito siya para daw makita niya ang ASAWA niya na ako lang naman talaga. Walang hiya na to pinagdidiinan pang asawa ako ei di naman talaga totoo!

"Ei bat nakabonet ka pa at may dala-dalang baril kung gusto mo lang akong makita?" Eww... Ano daw sabi ko? -_-||

"Relax proops lang yan. Look."
Tapos hinila niya yung gantilyo ng baril at saka itinutok sa akin. Aawatin ko sana siya ng huli na ang lahat. Ramdam ko na lang na basa na naman ako sa katahangan ng isang ito.

"Errrr!!!" I greeted my teeth.

"Tatakutin sana kita kaso ako naman ang tinakot mo! Gusto mo bang idemanda kita ng harrasment?"
Tas ginalaw-galaw niya pa yung kilay niya.

"Idemanda mo mukha mo! Baka gusto mong ipakulong kita sa kasong rape!"

"Ows talaga? Di ko naman sinasadyang nakita ah! di bale kung sinasadya mong talagang ipakita. At saka ASAWA naman kita. Kaso disappointed naman ang ang hinaharap! Hahaha!"

The Bitter Sweet Status ♥ [On going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon