Chapter 15

2 2 0
                                    

Chapter 15


[MATT'S POV]

Nauna na palang umuwi ang  babaeng yun. Ang tinutukoy ko yung Margux na iyon dahil nanakit daw yung tiyan niya according to her parents. Problema ng babaeng iyon?

Oo alam ko naman na ayaw niya sa akin! Nasesense ko iyon! Buti naman. Ayaw ko din sa tipo niya at talagang makakasundo ko siya para matigil ang kahibangan ng ama ko.

Nasa kwarto na ako ngayon at nagpapahinga. Kakauwi lang ng mga bisita.

Kinuha ko yung phone ko at saka tinawagan yung tibo na iyon. Hindi ko siya namimiss no! Kakamustahin ko lang ang mga katangahang pinaggagawa niya!

"Oh?" Siya iyan. Kahit kailan talaga ang babaeng ito wala sa bukabularyo niya ang magsabi ng 'hello' man lang? Tcch.

"Hoy, san ka?"

"Sa loob ng damit ko, tinatanong mo pa!"

"Bwesit ka talaga! Umayos ka nga!"

"Nasa labas ako! Nagpapahangin! Boring masyado sa condo mo!"

"Ba't ka pa lumabas? Ke babaeng tao nasa labas ng ganitong oras?"

"Wow, babae na pala tingin mo sa akin? At talaga namang nag-aalala ka nasa akin ngayon ha?"

"Hindi! Asa ka!"

"Asa pal---- Tot! Tot! Tot!"

Aba binabaan ako? Teka madial nga ulit.

Pagkadial ko ay di ko na macontact ang babaeng iyon. Sh*t bakit ba kinakabahan ako? Kinakabahan na ako sa kanya! To think na nasa labas pa siya ng ganitong oras ng gabi? Di kaya...sana hindi!

Sa pagkataranta ko sa babaeng iyon ay napabangon ako bigla sa aking hingaan at saka dali-dali akong lumabas ng kwarto ko kahit nakapantulog na ako. Tinungo ko ang parking lot at saka hiningi yung susi sa guard.

Sh*t talaga ang babaeng iyon!

Mababatokan ko na talaga siya dahil tinaranta  niya ang isang Matthew Verderama!


[CHUCK'S POV]

"Asa pal..." ANAKANANGPUSHAPINK NAMAN OH! Nasan na yung phone ko? Kanina hawak-hawak ko tapos nagdes-appeared agad-agad ni di ko pa na iinjoy na asarin yung tukmol na iyon!

"Ito ba ang hinahanap mo?"

Paglingon ko sa aking likuran ay nabungaran ko ang grupo ng mga lalaki. Teka mukhang kilala ko ang mga pagmumukha nila. At may mga resbak na sila ngayon. Sila yung nakabanggan ko sa restau bar ni Sir Chieft nung time na it-table dapat nila ang girlfriend kong si Felice. Yung mga tatlong mukhang paa!

Mukhang mapapa-away ako nito. Tssk.

"Ibigay niyo nga yang cellphone ko! Di pa ako tapos sa kausap ko mga bastos kayo!"

"Oppsss...." Nanlaki na lamang ang mga mata ko nang  inihulog nung isang lalaking mukhang Octapus na naka-agaw ng phone ko at saka biglang tinapak-tapakan iyon. Tumawa sila ng malakas na tipong nang-aasar.

Ang kawawang cellphone na luray-luray at halos hindi na pwedeng pakinabangan ay sinipa papunta sa akin. Lagot talaga ako kay bakulaw kapag nalaman niyang nasira ang cellphone na binigay niya ni di pa umaabot ng isang linggo.

"Iiyak ka na ba? Hahaha!!"

"Kawawa naman ble!"

Nakatiklop na ang kamao ko. Mukhang may manghihiram ng mukha sa aso ngayon.

The Bitter Sweet Status ♥ [On going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon