Chapter 9 - Good bye cellphone

2 2 0
                                    

Chapter 9


[CHUCK'S POV]

Pinitik niya bigla sa harapan ko ang dalawang daliri niya dahilan para manumbalik ako sa aking sarili.

"Hahaha tulala ka no? Masyado na ba akong gwapo para sa iyo? "

"Yuck ako naguguwapohan sa iyo? Asa ka."

"Wee, akala ko kasi matutunaw na ako kanina sa mga titig mo ei." Tapos kumawala ang mapang- asar na ngiti sa labi niya.

ANO DAW? PELENG NAMAN NG KUMAG NA TO.

"Sige lang, ituloy mo lang ang magpantasya diyan." Tas tumalikod na ako sa kanya at nagpatuloy nang lumakad. Pakiramdam ko kasi nag iinit na ang magkabila kong pisnge dahil sa sinabi niya. Oo na aminado na akong may paghanga na sa kanya kaya quite nalang. Pag nalaman niyang may crush ako sa kanya tiyak mang aasar at mang aasar siya sa akin.

"Hahaha biro lang! Masyado naman itong pikon." Naramdaman ko na lang na papalapit siya mula sa likuran ko at tinapatan ang mga hakbang ko kaya naman katabi ko siya ngayon.

" May nakalimutan ka." Sabay lagay iyon sa cart. Nakita ko nalang na may mansanas dun. Oo nga pala galing pala ako sa vegetables and fruit station pero nakalimutan ko yung sadya ko. Masyado na ba akong hibang sa presensya ng asungot na to?

"Ikaw talaga, nakita mo lang ako nakalimutan mo na yung sinadya mo." Ngumita siya ng pagkalapad-lapad na halos pwede ng mapunit ang labi niya.
Tinaasan ko na lang siya ng kilay.

Nasa counter na ako at handa ng magbayad ng binili. Sunod-sunod yung swipe ng cashier sa mga item.

"2,167.75 po lahat ma'am."
Sabi nung cashier sa akin. Biglang tumaas yung kilay ko at sinilip yung nasa POS niya. Baka kasi nagbibiro lang siya dahil di naman gaano karami yung pinamili ko. Pero di talaga siya nagbibiro.

Hinugot ko sa bulsa ng shorts ko yung wallet at sinilip kung magkano ang laman nun. Naku kulang pa. Isang libu at limang daan lang ang nadala ko.

Ngumiti ako sa cashier yung tipong ina-akit siya.

"Miss, pwede mo bang bawasan ng ilang item?"

Ngumiti din sa akin yung cashier.

"Sorry ma'am bawal na po kaming magvoid ng item na na swipe na."

Hala yari, ano na ang gagawin ko.
Tumingin ako sa aking likuran at tumambad sa pagmumukha ko ang presensya ni Wilson na nuo'y nakangiti sa akin.

"Pautang bayaran ko bukas." Deretsong sabi ko sa kanya.

"Sure, miss magkano ba yung total amount sa kaniya?" Tanong niya sa cashier.

"2,167.75 ho lahat Sir." Sabi sa kanya at pansin kong malagkit yung tingin niya kay Wilson. Well, di ko naman siya masisi dahil sa mayroong taglay nitong lalaking ito.

"Here, include this."
At ini-abot yung bukod tanging item na hawak niya which is Gatorade lang naman.

At muling iti-notal ng kahera. Dumukot siya sa walet niya ng 3,000 at iniabot iyon sa kahera.Namangha ako sa laman ng wallet niya. Wala kang makikitang ni isang space ng lagayan ng credit card halos ukopado lahat ng mga iyon. May mga cash din siya na halos akala mo deck of cards sa kapal at puros bigbills ang mga iyon. Teka nga, di naman kalakihan ang sinasahod sa bar ah? Sumasideline din ba siya ng iba? Baka naman... Errrmm... NagMaMatcho Dancer na rin siya! ⊙_⊙

Sa bagay, bibinta naman talaga siya sa mga costumer lalo na't magandang lalaki siya! Hay ano ba tong pinag-iisip ko tungkol sa kanya? As if naman na gagawin niya iyon. ( ̄. ̄)

The Bitter Sweet Status ♥ [On going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon