Chapter 14 - Someone's got in Denial stage!

1 1 0
                                    

Chapter 14

[CHUCK'S POV]

"Oh!"

"Ano to?"

"Cellphone! Try mong kainin!"

Bwesit na to! Magbibigay na nga lang walang modo pa!

"Alam kong Cellphone! Tingin mo sa akin tanga?"

"Akala ko nga tanga ka kung kakainin mo!"

"Grrrrr!!!"

Inismidan niya lang ako at saka nagtungo siya sa kabinet niya para kumuha ng pamalit na damit. Maya-maya ay naghubad na siya ng pang-itaas niya at ang sumunod ay ang slacks niya! Half naked at naka boxer short nalang siya! Walang modo talaga! Naghuhubad na lang basta-basta sa harapan ko! -_-||

"Wag ka ngang manilip diyan!"

"Tse! As if naman kung attractive yang katawan m...."

ANAK NG KAMBING NA MAY BANGS!!!

Ang walengyang lalaking ito bigla ba naman sumulpot sa harapan ko at saka kinuha niya yung kamay ko inilagay niya sa.... Lintik na ABS niya! Damang-dama tuloy ng palad ko kung gaano katigas ng mga iyon! Shit lang! Ano na bang nangyayari sa akin? Bakit ramdam ko na lang na nag-eenjoy ako sa ginawa niya!

"Ngayon, Attractive na?" Sabay kindat sa akin.

"Tse! Lumayas ka na nga sa harapan ko!" At saka hinigit ko pabalik ang kamay ko sa pagkakalapat sa errmm matitipunong ABS niya! * gulp*

"Hahaha!!! See apektado ka, so it means na babae k-"

*!!!TOINNK!!!*

Binato ko siya ng unan kaya naman tumama sa mukha niya! Buti nga!

"Ah ganon, ito pala ang gusto mo! Pillow fight?" Matatalim na tingin ang pinakawalan niya at nakakatakot na ngiti. Akala mo naman natatakot ako sorry siya!

Maya-maya pa'y dumampot siya ng unan dun at saka pinag-hahampas sa akin! Takte napuruhan ako dun ah! Kaya gumanti ako sa kanya at pinagpapalo ko rin siya ng unan.

Wag kayong mag-assume na puros feathers ang nagkakalat sa palagid dahil nawarak yung mga unan na sanhi ng pagpapaluan namin! Hindi ganon yun! Wala po kami sa pilikula para mag-exist ang ganong bagay!

In the end nahiga kami pareho sa kama dahil hinahapo na kami sa ginawa namin. Butas-butas ang mga unan namin at nagkalat ang laman nun sa paligid ng kama niya! Dumating kasi yung inorder niyang kama ko kaya wala ng dahilan para maki-higa ako sa kama niya!

"Hahaha ang lakas mo palang pumalo sa liit mong yan!"

"Isip bata ka kasi!"

"Anong konect nun?"

"Wireless!"

"Dami mong alam!!!"

"WAAAAA!!!! ANU BA! HIHIHI WAG DYAN NAKIKILITI AKO DYAN! Hahahhaah!"

Akala niyo kung ano na? Ang magaling na lalaki na ito ay bigla akong ni-wrestling at saka pinagkikiliti ako sa tagiliran! Ang lakas pa man din ang kiliti ko sa bandang iyon!!!"

"WAHAHHAHAHA!!! TAMA NA!!! WAHHAHAHA!" Halos mangiyak-ngiyak na ako sa pagkikiliti niya sa akin! Ni di nga ako makagawang maigalaw ang mga binti at braso ko dahil sa mahigpit ang pagkakadantay sa akin!

"HINDI! AYOKO NGA! NAG EENJOY PA AKO! KUCHI-KUCHI KOOOOO!!!!"

"WAHAHAHAHA!!! TAMA NA! MAIIHI NA AKO!"

*!!!BOGGGGSHHHHH!!!*

"Ouch!!!" Sabi niya

Bigla kasi kaming nahulog sa kama ng di namin namamalayan.

The Bitter Sweet Status ♥ [On going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon