Chapter 17

2 2 0
                                    

Chapter 17


[MATT'S POV]

Nasa biyahe na kami sakay ng sasakyan ko papunta sa... sa kanila... Sa uncle Ting niya para ipaalam kung ano talaga ang totoong nangyari sa kanya. Bahala na kung anong masasakit na salita ang ibato sa akin maski mga kasangkapan sa bahay nila ay tatanggapin ko dahil nangako ako sa uncle Ting niya na aalagaan ko siya habang siya ay nasa poder ko.

Sinilip ko siya sa passenger seat sa tabi ko habang nagmamaneho. Tulog siya. At mukhang siyang anghel. Habang hindi pa ako hibang sa pagtitig sa kanya ay minabuti kong ilipat ang aking tingin sa daanan at kung ano pa ang mangyari.

Yung kaninang nangyari sa amin ay hanggang doon lang. Hindi na lalagpas doon. Matino pa ako para gumawa ng isang bagay na pagsisisihan. Ayaw kong samantalahin ang pagkababae niya. Ayaw kong ihilira siya sa mga babaeng nakadaan sa akin. Dahil ibang-iba siya.
Siya yung tipo ng babaeng hindi pagsasawaang makita araw-araw. Yung mga nakakainis niyang mga banat, mga kakaibang pananamit na tinalo pa ako pagdating sa pormahan, mga tawa niya, mga sigang galawan at higit sa lahat...ang lahat sa kanyang katangian.

Masaya ako dahil nakilala ko siya. Nakilala ang isang tulad niya. Ang Steffanie na walang araw na inisin ako.

"Honey..."

Napalingon ako sa pwesto niya. Gising na siya. Isang di makabasag pinggan na ngiti ang pinakawalan niya sa akin.

"Sweetie, gising ka na pala." Sabi ko at saka inilapat ang tingin sa daanan.

"Oo, ginising mo kasi ako! Alam mo bang nanaginip ako?"

"Ano bang panaginip mo?"

"Ikaw..." '(*∩_∩*)′

"Wee?!"

"Oo nga, napaginipan kong nagkaroon tayo ng baby tapos ansaya daw natin dahil lalaki yung anak nat--AYYY!! "

Sa pagkabigla ko ay napareno ako, kaya naman sumobsob kami pareho sa harapan. Buti nalang may seatbelt kaya hindi tumama ang ulo namin sa unahan.

"Honey, may problema ba?" Pagtatakang tanong niya.

Humarap ako sa kanya at seryosong nakatingin sa kanya. Then i gave her my passionate kiss. Just in a seconds...
Nakita kong napatulala siya at namula ang pisngi niya nung inihiwalay ko ang labi ko sa labi niya.

"Please Sweetie, wag mo ng uulitin iyon, ok?"

"Ang alin?"

"Yung ano....ah...BASTA!"

"Anong BASTA?"

"Basta yung baby thing na iyan ok?"

Bigla siyang sumimangot.

"Bakit? Ayaw mo ba na magkaroon tayo ng anak?"

Sh*t! Pano ko ba sasabihin sa kanya na hindi talaga kami totoong mag-asawa at isa lamang deal ang napag-usapan? Ayaw ko naman sirain ang magandang mood niya once i confess.

"Sweetie kasi...may panahon para diyan..."

Nginitian ko siya. Inabot ko yung kamay niya at saka pinisil iyon. Mga salitang di ko inaasahang marinig mula sa kanya...











"I Love you Matt..." At saka napansin kong tumulo ang luha niya habang nakatingin ng sincere sa akin.



Damn. Parang gustong magwala ang puso ko dahil sa sinabi niya...pero alam kong mali dahil hindi siya iyan at sinasapawan lang siya ng amnesia niya.


The Bitter Sweet Status ♥ [On going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon