Chapter 13 - The Good Side

5 2 0
                                    

Chapter 13

[CHUCK'S POV]

Nagising na lamang ako sa mahimbing kong pagtulog dahilan nang nakakaramdam ako ng matinding init sa katawan. Kinapa ko yung mga unan sa gitna namin pero ang mga iyon ay wala na roon dahil nasa ibabaw ito ng katawan ko na tumatakip sa akin. Kaya naman kinuha ko ito at niyakap ng mahigpit.

Teka, kailan pa naging matigas ang unan? At...mainit-init? Kinapa ko ulit iyon at napag tanto kong hindi pala iyon unan kundi ang katawan ng hinayupak
na ito.

Di ko makagawang tumayo dahil nakadantay yung hita niya sa hita ko. Naramdaman ko naman bigla na gumapang yung kamay niya papunta sa likuran ko at hinatak ako bigla palapit sa kanya. Tapos idinantay yung ulo ko sa ulo niya. Shet lang, anong tingin niya sa akin, unan?

Sa inis ko ay pwersahan ko siyang itinulak sa kama kaya naman nahulog siya sa sahig at nagpagulong-gulong nang di niya namamalayan. Ang init kasi at di na ako kumportable sa pwesto ko.

"Hoy! Sira-ulong babae! Ba't mo naman ako itinulak? Alam mo bang masakit yung pagkakauntog ng ulo ko sa sahig! Alam mo ba iyon!" Pagpo-protesta niya. Oo nagising siya!

Wala akong naririnig. Ei obuse naman kasing nananantsing na ang kurimaw na ito! Akala niya ba maiisahan niya ako sa ninja moves niya! Sipain ko pa siya diyan ei!

"Aba deadma! Kunwari pang nakayakap kanina sa akin, kinikilag naman!" Saka sinundot-sudot yung tagiliran ko.

"Hoy! Kurimaw! Magpatulog ka nga! Bwesit na ito." Saka tinlikuran ko siya. Naramdaman ko naman na lumundo yung hinihigaan namin. Nakasampa na siya sa kama.

"Hay, ewan ko sa iyo. Bahala ka diyan!"

Aba, ang lalaking ito, naku tingin niya ba sa akin... Kung sakalin ko kaya ito? Nakakapikon na talaga siya.

Ipinikit ko na yung mata ko. Gusto ko nang bumalik sa pagtulog!

"Talaga bang tomboy ka?"

Mula sa kawalan ay bigla siyang nagsalita na ikinagulat ko. Wala ba siyang balak patulugin ako? Sabihin niya lang baka siya ang patulugin ko diyan.

"Hoy! Tomboy ka nga ba?"

Di ko siya sinagot. At nanatili akong nakapikit at sinisikap na dalawin ako ng antok.

"Oy ano ba! Sagot sagot din pag may time aba!" saka niya tinusok-tusok uli yung tagiliran ko. This time talagang masasapak ko na ang kurimaw na ito sa kakulitan niya.

"PUTCHA! OO KAYA MAGPATULOG KA!!!"
+_+

.
"Ganon? Di bale, sasanayin kita maging babae."

"Hoy di mo magagawa yan dahil ganito na ako simula pa lang asa ka masyado!"

"Talaga lang ha? Baka naman makakain mo rin yang pinagmamalaki mong ego! So, sabihin mo, nagkaroon ka na ba ng mga girlfriends?"

"OO."

"Anong pakiramdam ng magkaroon ng same sex relationship?"

"Natural masaya!"

"Alam mo bang kasalanan yan sa Diyos?"

"Alam ko, wala na akong magagawa dahil ito ang nararamdaman ko!"

"Ba't di mo subukang magka-boyfriend?"

"Ayoko!"

"Di ako naniniwalang ayaw mo, dahil alam kong pansamantala lang yang nararamdaman mo at sa bandang huli, lalaki pa rin ang hanap-hanapin mo."

Di ko aatimin na mangyayari iyang mga sinabi niya. Di ako magpapadala sa mga tukso. Bahala na siya sa gusto niyang sabihin.

"Tapos ka na?" Tanong ko. Baka kasi kung ano-ano na namang werdong bagay ang itatanong niya pero rinig ko na lamang na humihilik na siya. Lokong to, Inunahan pa akong matulog. -_-||

The Bitter Sweet Status ♥ [On going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon