Chapter 20

6 2 0
                                    


Chapter 20




[MATT'S POV]

Talaga namang pinapanindigan ng fake kong asawa na maging ulirang maybahay ng isang bunsong anak ng Verderama. Well, nag-eenjoy naman ako na kasama siya, kung paano niya ako i-treat ng mabuti. At kung paano niya ipadama sa akin na ako lang ang mahal niya. Pero deep inside my guilt slowly kills me whenever i saw her smiling at me with full of sincerity. Damn.


"Honey, why are you frowning? Pangit ba ang lasa ng food na niluto ko?"


"A...no Sweetie, sa katunayan masarap nga itong luto mong hotdog and egg omelet." Tsaka ako sumubo. Totoo naman ah. Masarap naman siya magluto kahit pa noong wala pa siyang Amnesia.




"Don't worry Honey, mamaya pupunta ako sa market para bumili ng iluluto kong dinner mamaya para pag-uwi mo. Don't worry mag-iingat ako." She smiled so sweetly.



Panatag naman na ako dahil alam ko namang nasa kulungan ngayon at nabubulok yung mga lalaking bumugbog sa kanya.


"Ok, hatid na lang muna kita papuntang market, nag-iisa lang kasi yung kotse."


"Ok, lang kahit hindi mo na ako ihatid, magco-comute na lang ako baka ma-late ka pa sa trabaho.


"Are you sure?"


"Yup!"



Pagkatapos naming kumain ay naghanda na ako papunta sa work. Napapansin ko lang parang sinisipag ako noong nakaraang araw? Di kaya, nakaka-impluwensya na talaga ang babaeng to sa akin? Umiling na lamang ako nang isipin ang ganong bagay.




"Honey, i prepare you something!" She said wearing that beautiful smile again at me.



"TADAAA!!! Binaunan kita ng lunch para di ka magutom sa office!"



May inilabas siya na paperbag mula sa likuran. Wew, talaga namang nag-effort siya dahil ayaw niya akong nagugutom? Nakakataba talaga ng puso na ma-experience ng ganito sa buhay mag-asawa!


Kinuha ko yung paperbag na hawak niya at saka siya nginitian.

"Thank you Sweetie, your so sweet talaga!" Then i kissed her cheek.



[STEFFANIE'S POV]

Nasa isang grocery store ako para mamili ng mga pagkain na iistock at pati narin na gagamitin na ingredients para sa mamayang hapunan pagdating ng Honey ko.

Sana magustuhan niya yung hinanda kong sweet and sour chicken para sa tanghalian niya. Hindi ko alam kung magaling ba ako dati magluto noong wala pa akong amnesia. Hmm maybe.


Habang naglalagay ako ng sari-saring items sa cart ko nang di ko sinasadyang mapalingon sa likuran ko dahil pakiramdam ko parang may kanina pang nagmamasid sa akin sa paligid ko. Alam ko namang maraming tao rito pero pakiramdam ko kasi may iba...at kinakabahan ako. Sana lang walang mayaring masama ngayon.



Maya-maya pa'y may naramdaman akong may humawak sa braso ko. Nilingon ko ito at bumungad sa akin ang isang istrangherong lalaki. At mukhang kilala niya ako sa way pa lang ng pagtitig ng deretso sa mata ko.




"Steffanie..."

Ang pagsambit sa pangalan ko na lagi kong naririnig kay Matt. Sino ang lalaking ito? Ba't niya ako kilala?


[MATT'S POV]

"Good morning Sir Matthew!"

"Good morning Sir!!!"


The Bitter Sweet Status ♥ [On going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon