Chapter 18

3 2 0
                                    

Chapter 18



[MATT'S POV]

Pagkatapos maghapunan ay tiyaka kami tumuloy sa kwarto ni Steffanie para matulog na. Alas-otso pasado na ng gabi nang matapos kaming kumain. Hindi ko alam ang tawag dun sa dish na kinain namin. Basta isda siya na may sabaw na maasim-sim at may mga sahog na gulay. Parang natikman ko na ito dati. Pero isda ang naging main ingredients. Masarap yung lasa kahit simple lang na hindi tulad sa bahay sa tuwing uuwi ako ay naghahain ng banyagang pagkain.

Binigyan kami ng isa pang unan, banig at saka kumot ang uncle ni Steffanie. Dito muna kami matutulog para naman ma-feel niya ulit ang munting kwarto niya.

"Bakit dyan ka matutulog sa sahig pwede namang tabi tayo rito sa kama." Sabi niya. Nakapang-tulog narin siya. Pinahiraman din niya ako ng mga damit niya na naiwan rito na halos fit na fit sa akin. Yung pajama niya na suot ko ay lampas tuhod ko na! Ei sa walang choice! ┐('д`)┌


Inilatag ko kasi yung banig sa sahig at saka doon na lamang naisipang matulog. Basta kung saan di ko dapat siya makakatabi! Sa condo nga ay separate kami ng hinihigaan! Wag kayong umasang magkatabi kami! Mahirap na!

"Ayaw mo nun para ma-experience ko ang humiga sa malamig at matigas na sahig!" Sabi ko na lang habang nakatalikod ako sa kanya. Nakapikit na ako para makuha ang antok ko. Maaga pa kami bukas na aalis rito dahil papasok pa ako ng trabaho.

"Hay, bahala ka na nga dyan." Ramdam ko yung paglagutok ng mga kawayan na hinihigaan niya nung gumalaw siya at inayos ang sarili. Bakit di niya ako pinilit?! -_-||

Umayos ako ng higa mula side view to front view. Sh*t lang ang kati! Scratch here scratch there. At naririnig ko pa ang ingay mula sa mga lamok na lumilipad sa harapan ng mukha ko. Sabihin niyo nga, paano ako makakatulog nito?" -_-||

"Sweetie..." Tawag ko sa kanya. Aba hindi siya nasagot?

Iti-take ko sana yung offer niya na tumabi sa kanya kaysa naman ubusin ako ng mga lamok rito sa ilalim ng kama niya.

"Sweetie..." Pangalawang tawag ko sa kanya. Hindi parin siya nasagot kaya naman tumayo na ako at saka kinuha yung unan at kumot sa sahig na hinihigaan ko at inilagay iyon sa paahan ng kama. Naka front view siya ng higa. At napansin ko rin na may space pa naman.

Tumabi na ako sa higaan niya at saka nakikumot narin. Maya-maya pa'y naramdaman ko yung paggalaw niya at saka siya humarap sa akin. Inilagay niya yung kamay niya sa batok ko at malapit yung mukha niya sa mukha ko na kulang nalang maglalapat ang labi namin. Nararamdaman ko yung paghinga niya.

Takte pinagpapawisan ako ng malagkit. Malamig naman dahil umulan kanina pero ang init talaga ng pakiramdam ko ngayon. Buti na lang nakasarado na yung ilaw ng kwartong ito at tanging sinag na lamang ng buwan na nanggagaling sa bintana ang nakikita kundi, masasaksihan niya ang pulang-pula na mistulang kamatis na mukha ko.

Di ko alam kung makakatulog ako sa posisyon naming ito. Pinilit ko na lamang nap ipikit ang dalawang mata ko para dalawin ako ng antok.

Inilagay ko ang kamay ko sa likuran niya at mahigpit siyang niyakap. Pagtapos tumaas ako ng unti para hindi kami magpantay. Nasa ilalim yung ulo niya na nakadantay sa dibdib ko.

"Goodnight Sweetie." I said in calm voice and kissed her forehead. Then naramdaman ko na lamang na mahimbing na akong nakatulog sa tabi niya habang yakap-yakap siya.

***

6:13 am nang naka-alis na kami ng bahay ng uncle niya. Nasa opisina ako ngayon at maganda ang mood ko ngayon. Basta mas maganda pa sa sikat ng araw!

The Bitter Sweet Status ♥ [On going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon