Chapter 10 - The Stolen kiss

2 2 0
                                    

Chapter 10


[CHUCK'S POV]

Nanlumo akong bumalik sa pwesto namin ni Wilson. Naabutan ko siya na may kausap siya sa cell phone niya.


"Stupid! Do everything! I'll pay you. I want it all be cleared, or else, you know might happen in your pity life, understand?"


Hindi ko maintindihan yung ibig sabihin sa mga sinabi niya at tila pinipigilan niya yung boses para bulyawan kung sino man ang kausap niya sa kabilang linya base sa tono ng pananalita niya.

Bigla siyang tumingin sa akin na tila gulat siya na makita ang aking presensya. Nginitian niya lang ako na parang wala lang.

"I'll call you later." Aniya habang nakatingin lang sa akin at ibinaba na yung phone.

" Sino kausap mo?" Tanong ko.


"Ah... yung isa sa mga kaibigan ko. Kinukulit kasi ako na mag bar hoping kami ei sabi ko naman may duty pa ako mamayang gabi."

Kumunot bigla ang nuo ko. Parang anlayo kasi yung sinabi niya buhat nung sinabi niya kanina. Parang nagbabanta o tinatakot niya yung nasa kabilang linya. Hindi kaya....nah! Di pwedeng ganon si Wilson. Baka totoo yung sinabi niya about sa pagyayaya sa kanya ng kaibigan niya. Hay...ba't ko ba iniisip yun? Wala naman akong pakialam sa buhay na meron siya.

"Hey, why are you looking at?"

"W...wala, may dumi ka lang sa mukha mo." Nasabi ko na lang kahit wala naman at saka niya pinunasan yung pisnge niya.

"Wala na ba?"

Tumungo na lang ako sa kanya at saka naupo ulit sa tapat niya. Pagkatapos naming kumain sa restou ay nagyaya na akong umuwi na dahil kailangan ko pang dalawin si uncle sa ospital para dalhan ng kakailangannin niya. Dalawang araw nalang ay mapapasailalim na siya sa operasyon. Nagyaya siyang ihatid ako sa amin pero tumanggi ako. Sobra na yung naitulong niya kaya ayokong abusuhin ang kabaitan nung tao.


Nasa bahay na ako at inilapag na yung mga pinamili ko sa lamesa.
Huhugutin ko sana yung phone kung may nadaan na text o miscall pero maalala ko na nahulog iyon sa inidoro nung pagnataas ko ng shorts ko pagkatapos umihi. Mababaw lang kasi yung bulsa ng shorts ko kaya naman madali lang siyang mailabas. Alangan naman din dudukutin ko pa iyon sa bowl na alam ko namang sira na iyon dahil nabasa na siya. Naghihinayang lang kasi ako dahil maraming nakasave dun na number pati yung number ni Bakulaw nandun at magtataka yun kung di niya ako ma-contact.

At higit sa lahat yung memory ng cp ko na kung saan naka save yung last conversation namin ni Felice. Bigla tuloy akong nalungkot sa nalaman kong pangyayari kay Felice. Di man lang siya magpaalam na iiwan na pala ako. Parang ayokong maniwalang iniwan niya ako para lang umasenso ang buhay niya.

~~~

Maayos naman ang naisagawang surgery kay unkle at ilang araw nalang ay pwede na siyang ma-admit sa ospital. Payo ng doktor na umiwas muna si unkle sa mga pagkain na magdudulot ng komplekasyon sa puso niya at naturang pahinga lamang.
Salamat talaga sa lalaking iyon at siya ang nagbayad ng bill sa ospital pero ang kapalit nun ay ang pursegidong pagta-trabaho sa kanya bilang wife in distress.


Nasa play ground ako at naka-upo ako sa isa sa mga bench dun habang masayang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro kasama ang mga magulang nila. Bigla akong nakaramdam ng lungkot at inggit sa mga nakikita ko. Kung buhay pa sina mama at papa ngayon, hindi sana ganito ang buhay ko na meron ako. Dati rati katulad din ako ng mga bata na nakikita kong kasama ang mga magulang nila na kahit saan magpunta. Oo inaamin kong namimiss ko na sina mama at papa.

The Bitter Sweet Status ♥ [On going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon