05 | 30 | 23Nagising ako ng may kung anong kumakalabog sa aking pintuan, nagulat ako sa malakas na pagkatok nito.
Kahit na pikit parin ang mata at ayaw ng katawan kung kumikos ay pinilit ko parin at binuksan ang pintuan habang kinakamot ang naka-saradong mata.
"Ano bang kailangan mo?" Nakalimutan kong naka-uwi na pala ako sa bahay, namukat ang mga mata ko ng malaki dahil ang taong nasa harapan ko ay walang iba kundi si papa.
Bakas ang pagka-dismaya nya sa nakikita. "Ayusin mo na ang sarili mo dahil maya-maya ay oras na ng trabaho. Naka-handa na ang umagahan sa baba kung ayaw mong maubusan bilisan mo ang pagkilos." Saad nya at agad na dumalikod.
Tiningnan ko ang orasan sa dingding. 5:50. Kung hindi ako nagkakamali sampung minuto na pang at oras na ng trabaho. Naalala ko noon kung paano ako nagugutom sa trabaho kasi ako ang laging huli at hindi na nakapag-umagahan.
Mabilis kong inayos ang higaan saka nagmadaling naghugas ng mukha at nagbihis ng damit.
Naabutan ko silang tatlo na masayang naguusap sa hapag, tumigil lang silang tumawa ng makita nila akong papalapit.
"Magandang umaga." Bati ko sa kanila, ngumiti ako na gaya ng pagsikat ng haring araw. Sa kanlinag tatlo si Luisa lang ang tumugon ng ngiti. Mukhang pinag-lihi ang dalawang ito sa sama ng loob, ano kayang nakain nila?
Lumapit ako at muling umupo aa upuang inupuan ko kagabi. Simpleng umagahan lang ang naka-hain sa lapag, tipikal na pritong itlog, isda at sinangag.
"Bilisan nyo na at may mga dapat kayong ayusin ngayong maaga." Sambit ni papa, mabilis kong pinuno ang plato ko ng saktong makakabusog sa akin.
Hindi naman ako mapili, gusto ko nga itong matikman ulit, nakaka-miss parin naman ang lutong ganito. Naaalala ko tuloy si mama, ganitong ganito din sya kung magluto, hindi ko maiwasang hindi huminto sa pag subo ng kanin.
Umalis muna si Luisa sa lamesa at bumalik din agad. Pinagsalin nya ako ng gatas sa baso at inabot aa akin.
"Hindi ko alam kung anong iniinom mo pero ito lang na naisip kong magugustuhan mo."
"Salamat po."
Biglang kumunot ang nuo ni papa. "Hayaan mo na nga syang magtimpla ng iinumin nya, hindi na sya bata, nakaya na nga nyang lumayas eh."
Gusto kong tumugon pero mas pinili kong huwag nalang, tama nga sya marunong akong maglayas pero hindi maalam na harapin ang sariling problema.
BINABASA MO ANG
The Farmhand
RomanceHe is such a sucker to fall in love with the most handsome farmhand he ever laid his eyes of. ... Achievements: September 22, 24: #1 in #bxb over 6.94k stories ... Estimated word count: 40,000-45,000 Disclaimer: unedited