06 | 03 | 23
"Nile!" Si papa, tinatawag ako.
Nasa likuran ng bahay ako, naka-upo sa isang silya at pinapanood ang pag-takim silim ng haring araw. Hindi maipagkailang ang paborito kung oras ng araw ay ang pag-tylog ng araw sa mahabang pagsikat nito.
Tulad kasi ng araw, kailangan nating magpahibga at nagpapaaalala sa atin na kahit sa hinaba man ng dilim babalik ang liwanag. Tama nga ang katagang ito, tulad ng madilim na bahagi ng buhay ko dito sa wakas lumuwanag narin ang madilim na parte ng aming puso.
"Papa, nandito ako!" Sigaw ko sa kanya.
Lumabas sya sa pintuan at ako ay nilapitan. Isang linggo na ang nakakalipas ng ma-ospital ako. Isang linggo nang lumipas ng magkaroon kami ng harap-harapang paguusap ni Rocco.
"Bakit pa?" Tanong ko.
Hindi tulad ng dati maamo na ang mukha ni papa sa tuwing linakausap nya ako. "Pupunta kami ng perya mamaya, sasama ka ba?"
Perya? Limang taon na akong hindi nakapagpunta ng perya, hindi talaga ito para sa mga mayayaan, mayroon silang bersyon ng perya at tinatawag iyong disney land. Tipikal na pang mayaman, buhira lang maka-kita ng mahirap doon at kung meron man malamang nanalo sila sa ripa.
Tumayo ako at ngumiti. "Sige po papa, sasama po ako."
"Sige na at magbihis kana, maya-maya ay aalis na tayo." Sabi nya at naunang pumasok ng bahay.
Hindi rin nagtagal ay nagbuhis na ako sa kwarto, simpleng pantalon, dyaket para sa malamig sa simoy ng hangin at hindi mawawala ang sapatos kong nabili pa sa syudad.
Bumaba ako ng hagdan at nadatnan ko silang tatlo na nakatayo na sa sala. Una kong napansin ang napaka-gwapong hitsura ni Rocco. Parehas kaming naka-dyaket, butas-butas na pantalon at converse na sapatos.
Tumingin ito sa akin kaso mabilis lang na sukyap ito at binaling ang paningin sa teleponong hawak. Mabilis syang mag-tipo sa nakabukas na telepono, parang may kung sinong kausap ito at hindi makuhang pansin.
"Tayo na." Anunsyo ni papa.
Matapos masiguradong walang naiwang nakabukas na dapat saraduhin at mabuksan lahat ng mga kamera para sa mga hindi inaasahan at hindi mahiling na pangyayari lumarga na kami sakay sa kotse ni papa.
Si papa ang nagmamaneho, si Luisa sa tabi nya at kaming dalawa ni Rocco sa likuran. Tahimik lang kami maliban sa radyong nagpapatugtog ng musika.
Tiningnan ko si Rocco sa mukha, nanatiling nasa pag tipo sya ng mensahe sa kung sino man ang pinapakatingunuhan nya.
Nakita ko sa ibabaw ng tabing may nakasulat na pangalang Hailey, sya pala ang kausap nya. Tiningnan ko muna sina papa at Luisa at mukha namang nakikipagusap sila sa isat-isa.
"Hindi pa pala ako nakapag-hingi nag paumanhin kay Hailey." Binasag ko ang katahimikan sa aming upuan, at nagsinungaling din ako.
Hindi sya tumingin sa akin ngunit tumugon ito. "Hindi na kailangan."
BINABASA MO ANG
The Farmhand
RomanceHe is such a sucker to fall in love with the most handsome farmhand he ever laid his eyes of. ... Achievements: September 22, 24: #1 in #bxb over 6.94k stories ... Estimated word count: 40,000-45,000 Disclaimer: unedited