06 | 14 | 23
Oras na, oras na para ko lisanin ang bahay na ito at tumungo sa dati kong naging kapalaran.
Maingat kong inalis ang kamay na naka-pulupot sa aking baywang. Saka bumangon sa aking higaan. Tiningnan ko ang katabi kong minamahal, mahimbing itong natutulog.
Napakasaya nila ng ubusin ni Patrick ang lahat ng mga ibinibenta nilang baka, hindi mai-paliwanag pero ang saya-saya nila kanina. Ang dapat sanang maibenta sa loob ng limang buwan ay agad nabili, kaya anong saya nalang nila ukol dito. Ibig sabihin kasi magsisimula sila ng bahong mga alaga saas maaagang oras.
Lumapit ako sa kanyang mukha na sobrang gwapong tingnan kahit na tulog. Hinalikan ko sya sa nuo at bumulong. "Magiingat ka ha, mahal na mahal kita. Kahit maikulong man ako ni Patrick sa puso ko mananatiling nasa iyo lang ito titibok." Muli ko syang hinalikan sa nuo at inalis ang mga luha sa aking pisngi.
Nang iwan ako ng sulat para sa kanila, ang totoo at pagsisinungaling ko sa kanya upang hindi na nya ako masundan pa o habulin. Sinugurado kong maniniwalaan nila ang liham ko.
Sinunod kong pinasok ang kwarto nila papa at mama. Hinandugan ko sila ng halik sa nuo, maingat ko itong ginawa dahil pipigilan lang nila ako pagnagkataon.
Mabilis kong nilisan ang bahay, kasalukuyan akong nasa labas, naglalakad sa malamig na simoy ng hangin.
Kahit nakasuot ako ng dyaket parang wala parin itong nagawa sa lamig na nararamdaman ko, o baka sadyang nilalamig lang talaga ako dahil nanlamig na ang puso ko simula ng umapak ako sa labas ng bahay.
Ang kalahating oras na paglalakad ay parang isang minuto lang. Ganon talaga kapag masyado kang nilalamon ka ng ibang mga isisipin, bumibilis ang oras.
Sa isang upuan umupo ako. Hinihintay ang magiging kapalaran ko taliwas sa napaka-ganda at masayang buhay ko dito. Hawak ang mga daliri, nanginginig ang kamay ko. Tumatangis ang mga mata ko, hindi ko alam hanggang kaylan ako tatahan. Marahil hindi na, kalahating oras lang ang layo nila sa akin pero bakit parang nasa kabilang sulok na nila ng mundo.
Ang sakit pala iwanan ang mahal mo sa buhay, ganito din ba ang pakiramdam ni papa noong iniwan ko sya? O ganito din ang pakiramdam ng iniwan ko si Patrick?
Kay sakit pala sa puso, lumilipad ang isip ko sa kung saan. Hindi matino ang pagiisip ko ngayon, parang mababaliw ako.
Lumiwanag sa mukha ko ang ilaw ng sasakyang pumarada sa aking harapan. Walang emosyon ko tong tiningnan. Wala na akong kawala.
Lumabas sa sasakyan ang taong dati kong minahal, hindi ko akalain na hahantong kami sa ganitong pangyayari. Ang masaya na sana naming pagsasama ay nabahiran ng hindi pagkaintindihan at tuluyang ikinawala ng kanyang pagtitiwala.
Lumapit sya sa akin at nagsalita. "Umuwi na tayo mahal ko." Inabot nya sa akin ang kamay.
Hindi ko to dapat tatangapin pero tinanggap ko parin. Ngumiti ako sa kanya kahit na hindi pa natutuyo ang luha ko sa mata.
BINABASA MO ANG
The Farmhand
Roman d'amourHe is such a sucker to fall in love with the most handsome farmhand he ever laid his eyes of. ... Achievements: September 22, 24: #1 in #bxb over 6.94k stories ... Estimated word count: 40,000-45,000 Disclaimer: unedited