TBF 007: DRUNK

526 51 4
                                    

06 | 04 | 23

Kanina pa at hindi ako nito pinapansin, kasalukuyan syang nagpapa-kain ng mga baka at ako naman tong sunod ng sunod na gustong tumulong ay parang kaluluwa na hindi nakikita at naririnig

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kanina pa at hindi ako nito pinapansin, kasalukuyan syang nagpapa-kain ng mga baka at ako naman tong sunod ng sunod na gustong tumulong ay parang kaluluwa na hindi nakikita at naririnig.

Nakalimutan ko pa yung pinahiram nyang dyaket sa aking kwarto na plano kong ibalik sa kanya ngayon.

Nilapitan ko sya ngunit umiwas ng tingin ito.

"Ano ba Rocco, galit ka ba dahil kagabi? Pwes huwag mo akong dramahan kasi heto ako at inutusang tulingan kang alagaan ang mga baka tapos ito ka, parang sira." Sumbat ko sa kanya. Nakaka-rindi na kasi.

Binagsak ko ang hawak na balde sa galit. Napa-tingin sya sa akin at ako lang ay tinapunan ng nagmamakaawang tingin.

"Pwede bang iwanan mo muna ako, pakiusap." Sambit nya. "Diba itong gusto mo, yung hayaan ka at huwag kang pakialaman sa buhay mo. Heto na, huwag mo akong kausapin." Dagdag pa nya na lalong ikinapagtaka ko.

"Ano bang sinasabi mo?"

"Basta, umalis ka na lang. Ayun oh, may lilinisin ka pang kulungan." Talaga bang inutusan pa talaga ako.

Hindi na ako tumugon pa, sa halip ay tumahimik lang ako at nanatili sa aking posisyon. Bumalik sya sa ginagawa. Hinayaan nya ako hanggang sa matapos sya at tinungo ang kulungan na akin namang sinundan.

Sya na mismo ang gumawa ng inutos nya sa akin kanina, tahimik lang ito. Hindi naman ako nakaramdam ng pagka-sawa sa kakanood sa kanya dahil tingnan mo nga, ang mapanood tong maskuladong lalaki na naka-sando lang at pawis na pawis.

Kung sa akin matatapos ko ang paglilinis ng ilang oras sa kanya minuto lang ang masasayang dahil sa lakas nyang trumabaho.

Nakarinig kami ng yapak at ng nilingon ko ang pintuan ng kulungan nakita ko si papa. Lumapit sya sa amin at ako ay tiningnan, ako ang pinuntirya nito.

"Pupunta daw si Luisa sa bayan, mamamasyal daw sya kasama ang kapatid nya, pero nakiusap sya na baka gusto mong sumama, may binatang kasama kasi ang kapatid nya at baka kung isama ka nya ay baka pwede kayong maging mag-kaibigan." Sambit ni papa.

Kung plano nyang ipakilala ako sa sinasabing binatang ito upang mabasakaling maibsan ang nararamdaman ko sa nakaraan kong relasyon na humantong sa hindi paguunawaan. Alam na nya ang tungkol kay Patrick, galit sya na sa puntong nais nitong patayin dahil sa gunawa sa akin, pero wala syang magawa kundi ang limutin nalang dahil heto ako at kapiling na nya ng maayos. Kung ito nga ang paraang maibibigay nya sa akin hindi na masama kung susubukan, sabagay galit din naman ako sa iba dyan.

Tiningnan ko si Rocco, nakikinig sya sa amin.

Ngumiti si papa na parang nananadya. "Gwapo daw yun at hindi malabong magustuhan ka. Naikwento ka Kasi ni Luisa noong isang araw sa kanyang kapatid, ayun sinama nya at baka pwedeng maging kaibigan mo sya." Sinundot pa nya tagiliran ko dahilan upang matawa ako at mukhang kinikilig.

The FarmhandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon