TBF 011: TERROR

330 41 3
                                    

06 | 08 | 23

Namulat ang mga mata ko, wala ako sa aking kwarto, puro luntiang dahon ang aking nakikita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Namulat ang mga mata ko, wala ako sa aking kwarto, puro luntiang dahon ang aking nakikita. Kay asul ng langit, hindi ko alam kung paano ako naka-tulog sa ilalim ng puno.

Dali-dali akong bumangon, nakikita ko sa malayo ang bahay, ang pinagtataka ko lang ay bakit may mga sasakyang kulay itim ang naka-parada sa labas, tatalo at may mga taong naka-tayo sa unahan ng bahay. Parang may hinihintay na kung sino.

Hapon na pala, nakikita ko ang paglubog ng araw ma sa isang iglap naging madilim ang kalangitan. Ang sama ng pakiramdam ko, parang nasa isang bangungot ako.

Parang hindi. Ewan.

Tumayo ako at naglakad ng may kabilisan palapit ng bahay. Agad ko itong nalapitan. Nakikita ko na ang mga mukha ng mga lalaking nakatayo ng matuwid sa labas ng bahay.

Hindi nila ako napansin, mas nilapitan ko pa sila upang kahit papano ay mapapansin nila ako pero wala talaga. Naka-tuon lang sa pintuan ng bahay ang mga mata nila.

"Mama! Papa! Rocco!" Malakas na sigaw ko sa bahay. Ngunit walang nakarinig.

Bumukas ang pinto. Lumabas ang taong kinatatakutan kong makita. Si Patrick. Taglay ng kanyang mukha ang ngiting hindi mo mapaliwanag kung dahil ba ito sa kasiyahan o kademonyuhan.

"Ginawa mo to Nile, ikaw ang dahilan ng lahay ng ito. Dahil sayo nawala ang mga mahal mo sa buhay. Ang mahal na mahal mong papa, ang bago mong mama at ang pinakamamahal mong lalaki ay nawala narin. Patay na sila dahil sayo, kung hindi ka lang lumayas ay hindi to mangyayari." Paninisi nya sa akin.

Tiningnan ko ang kamay nya, nagpupunas ng puting tuwalya. Punong-puno ng dugo at tuluyan itong ikinaba ng aking puso.

Walang babalang tumakbo ako papasok ng pintuan, hindi nya ako hinarangan bumuo ng katapangan ang puso at isipan ko upang itulak sya sa paalis ng pintuan. Namumuo na ang mga luha sa aking mga mata, hindi maka-labas ng salita ang aking bibig.

Sa sala. Doon naka-upo sina mama at papa. Walang buhay, nagusuka ng dugo.

Bumagsak ang tuhod ko sa sahig, umiiyak kong nilakad ng naka-luhod ang harapan ng dalawa. Tuluyang bumaha ng luha ang aking mga mata.

"Mama, Papa!" Humahagulgol ako ng iyak. Niyakap ko silang dalawa, kay lamig na ng kanilang katawan. Naligo ng dugo ang puti kong damit. "Papa! Mama!" Muli kong sinigaw kasama ang buong puso ko.

Mabilis kong tiningnan ang sinapupunan ni Mama, ang sanggol. Ang kapatid ko. Wala na sila.

Si Rocco.

Kahit iyak ako ng iyak hinanap ng nalalabong mata ko ang lalaking nilaman ng aking puso. Sa kusina, sa ilalim ng lamesa doon nakaratay ang walang buhay na katawan ni Rocco. Tulad kina pala at mama, piro dugo ang sa dibdib nito.

Halos pa-gapang ko nang nilapitan si Rocco. Hindi ako makatayo, parang namatay narin ang mga paa ko at wala akong lakas upang tumayo pa.

"Rocco!" Sigaw ko, tawag ko. Pero hindi sya kumibo. Nanatili syang nakahiga sa sahig at mulat matang nakatingin sa kisame.

The FarmhandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon