06 | 17 | 23
"Mahal, nasaan na si Killian?" Tanong ang asawa ko, hinahanap ang anak namin.
Mahigit sampung taon narin ang nakalipas, maraming nag bago, maraming kumipas na mga masasayang pangayayari sa buhay namin.
Matapos ang pagkaintindihan namin ng araw na iyon, naging masaya na ang buhay ko. Patuloy paring minamahal ako ni Patrick na minsan ikina-seselos ng asawa ko.
Malinaw na ang lahat at may tiwala naman sila sa isat-isa, ang kaso ay talagang seloso din tong asawa ako, ang sarap din pukulan ng sandok.
"Baka nandoon kina Axel na naman iyon, nakikipag laro. Hayaan mo na at ikakagalit pa nya kapag pinag-higpitan mo pa ang batang yon." Tugon ko sa kanya.
Kasalukuyang nagluluto ako ng pang-meryenda dahil maraming trabahador ngayon sa sakahan at kailangan nilang mag meryenda.
Nagluto ako ng masarap na macaroni and cheese tapos tinimplahan ko sila ng orange juice, dinagdagan ko narin ng cookies.
Biglang gumuhit ng masayang ngiti sa labi ko nang yakapin ako sa likod ng aking asawa. Sinisinghot pa nya ang leeg ko na parang may kung anong mabango kahit naman pawisan na ako.
"Ano ba mahal, pawisan ako eh."
"Anong pawisan ka dyan, ang bango mo nga eh." Natawa nalang ako.
Tungkol pala sa kanila ni Hailey, nagkasundo sila para kay Killian na kapwa nila ito aalagaan hanggang sa paglaki. Sa una nahirapan akong inyindihin kung bakit ganon-ganon lang nya binitawan si Rocco kung mahala nya ito, pero noong nalaman kong may gusto na syang iba na hindi ko akalaing babae din pala ay agad ko itong naintindihan.
Isang lesbian si Hailey at inamin nya iyon ng may galak sa puso. Masaya ako para sa kanya, sobrang saya na nya ngayon kasama ng asawa nya sa ibang bansa at nagumpisa ng kanilang make-up product business.
Tungkol naman kay Patrick, single parin sya at walang balak na mag-asawa dahil anak lang nya ay sapat na upang lumigaya sya sa buhay, ang proyekto nya pala dito sa probinsya ay naging daan sa mabilis na pag unlad ng probinsya. Sa kagustuhan nya, tumayo sila ng bahay dito malapit sa amin, mga ilang minuto lang ang lakad. Ewan ko ba at naibinta nya ang mansyon nya doon sa maynila para lang palitan nitong simpleng bahay.
Basta ang sabi lang nya ay masaya sya kapag malapit sa akin. Kapag naririnig to ni Rocco ang ganitong usapin tiyak agad itong iinis. Pero mahal nya ako kaya isang sulyap ko pa lang sa kanya ay ikakalma na ng kanyang galit.
"Papa!, dada!" Sigaw ng isang maliit ngunit kay lakas na boses.
Lumingon kami sa pintuan ng aming bahay. Si Killian, kasama sina Axel at ang kapatid kong si Sky. Sobrang gwa-gwapo nila, manang-mana sa mga tatay. Sobrang kyut nilang tingnan.
Kahit may mga pagka iba-iba ang edad nila nanatiling mag kasing laki at taas nila sa isat-isa. Para silang mag kaedad kahit na mas matanda si Axel sa kanilang dalawa, kasunod si Killian at bunso naman sa kanila ang bunso kong si Sky.
Bunsong-bunso talaga sya sa aming lahat, siguradong lalaki sa layaw.
Agad namang nilapitan ko sila at isa-isang niyakap at binati. "Gusto nyo ba nga macaroni?" Agad silang sumigaw ng Oo. Lalong sumaya ang puso ko kapag nakikita ko sila.
"Mahal, gusto ko rin." Parang bata namang humingi ang asawa ko.
"Sige na at ipaghahanda ko sa inyo, maupo na kayo sa lamesa at huwag kalimutang mag-hugas muna ng kamay, lalong-lalo na kayo mga chikiting."
Apat nilang tinungo ang kainang lamesa matapos na sabay humugas ng kamay sa may lababo.
Habang sinasalin ko ang meryenda sa plato nilang apat may biglang pumasok sa pintuan. Hindi na ako nagtanong pa upang ayain silang mag meryenda dumagdag na lang ako ng mga plato.
Naunang pumasok ang lalaking kala mo modelo kung maglakad, kasunod naman nya sina mama at papa. Ewan ko pero parang inaambandona na nila ang sariling bahay kasi daw mas masaya daw dito sa amin.
"Mahal, ako din." Wika ni Patrick tapos pumuwesto sa silya katabi kay Axel.
Lumapit din sina mama at papa sa lamesa at doon ding umupo, mabuti na lang at malaki ang lamesa namin, alam kasi naming masasaya kapag pare-pareho naming pinagsasaluhan ang mga luto ko.
Lumapit si mama sa akin at tinulungan nya ako sa paglatag ng plato sa lamesa.
Sobrang saya ko sa buhay ko ngayon, kampanti na ako kahit minsan may mga pagsubok kaming hinaharap na kakaharapin naman talaga ng isang pamilya at buhay mag-asawa.
Ang nagpapalakas na lang sa akin ngayon ay ang .ga taong ito. Lahat sila naging lakas ko sa araw-araw, kung mawawala man ang isa sa kanila tiyak ikaka-lungkot ko talaga iyon.
Kung pwede lang ihinto ang ganitong sitwasyon malamang nagawa ko na. Mahal na mahal ko silang lahat, at kung may dumagdag pa tiyak lalong ikakasaya ko iyon.
Sapat na, sapat na sapat na silang lahat.
Isa lang ang sigurado ako sa buhay, dito na ako tatanda, kasama nila at mamahalin sila habang nabubuhay.
Tinaga ko na yan sa bato noong kinasal.kami ni Rocco sa ibang bansa sa tulong ng lokong si Patrick.
Masaya naming pinagsaluhan ang meryendang niluto ko, habang nagsasaya sa mga nakakatuwang usapan at kinukulit tong tatlong chikiting.
Naluluha nalang ako sa mga natatanaw ko ngayon. Sobrang saya ko talaga.
Saktong katabi ko si Rocco, nakita nya ang kasiyahan sa mata ko, hinila nya ang ulo ko at sinandig ito sa dibdib nya. Niyakap nya ako ng patagilid habang kapwa namin tinitingnan kung ano ang nagpapasyaa sa amin.
"Mahal na mahal kita, mahal." Bulong nya sa akin at hinalikan ako sa nuo.
"Mas mahal kita, asawa ko." Ngumiti ako at agad na inangat ang labi ko at nilapat sa kanya.
Umingay ang paligid lalo na ang mga bata dahil sa nasaksihang halikan namin ng asawa ko. Lumingon ako sa kanila at dinilaan lang sila at tumawa.
...
Napaka-ikli nitong pagwawakas ng aking kwento, pero ang nais kong sabihin ay nasabi ko na.
Sa mga walang sawang summuporta sa sa akin simula sa unang araw hanggang ngayon, maraming salamat po. Hindi sapat itong salita upang pasalamatan kayo.
Sa pagwawakas nitong kwento nakaabot sa 42,000+ na bilang ng mga salita. Hindi pa ito ang saktong bilang dahil sa pag edit nito ay tiyak na madagdagan ang bilang na ito.
Sa loob ng 20 araw, isa lang ang dahilan ko upang magpatuloy at magsulat ng 2,000+ bilang ng mga salita kada araw dahil iyon sa inyo mga aking taga-subabay at mamababasa. Kung may nais kayong itanong ukol sa istoryang ito o sa akin man ay huwag kayong mahiyang mag iwan ng komento at itanong sa akin ang nais nyong itanong.
Sa muli maraming salamat sa lahat.
Hanggang sa muli, inagat kayo lagi. Mahal ko kayo.
BINABASA MO ANG
The Farmhand
RomanceHe is such a sucker to fall in love with the most handsome farmhand he ever laid his eyes of. ... Achievements: September 22, 24: #1 in #bxb over 6.94k stories ... Estimated word count: 40,000-45,000 Disclaimer: unedited